"Have you been lied to?" tanong ko.
"Yes." aniya.
Napatingin ako sa paligid at nadiskubreng nasa kanto na kami malapit lang sa bahay namin. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa seatbelt kong halos pigain ko sa kaba dahil sa pag aakalang may masama s'yang balak sa akin kanina.
"Sino? Ex mo ba? Girlfriend?"
Umiling s'ya saka malamyang sumadal sa kanyang upuan.
"Kapatid ko." aniya saka ngumisi.
Ngumuso ako at nag isip ng posibleng mga dahilan. Paano naman s'ya niloko ni Karissa?
"Paano? I mean... what happened?"
Minasahe n'ya ang leeg n'ya habang nakatingala. I can see from the look of his eyes na mayroon s'yang gustong sabihin pero hindi s'ya komportableng i-share ito sa akin.
"I'm willing to listen." saad ko.
Umiling iling si Kenneth saka mabigat na bumuntong hininga. Nakatiim ang bagang n'ya at naghahalo ang mga ekspresyon ng kanyang mukha.
"Hey, I won't judge you. Just tell me."
Tumikhim s'ya saka sandaling sumulyap sa akin bago tamad na nagsalita.
"Yung mommy ko kasi dating producer sa mga theatrical plays. Dati rin s'yang artista pero hindi sumikat. Mahilig s'yang makisama sa mga mayayaman. Mahilig s'yang magkacasino tapos nagtatravel kung saan saan kasama ng mga kaibigan n'ya. To make the story short... nawalan s'ya ng time sa family namin hanggang sa naghiwalay na rin sila ni Dad."
Kinagat n'ya ang kanyang labi saka marahang pumikit. Hindi ako nagkomento sa sinabi n'ya at hinintay ko ang iba pa n'yang gustong sabihin.
"Nagkaroon ng second family ang Daddy sa Los Angeles. We have constant communication with him naman. Hindi n'ya kami kinalimutan kahit noong magkakaanak n'ya s'ya. An then one time, tumawag s'ya kasi gusto n'ya kaming kunin. Excited ako noon dahil sa wakas makakapunta na ako ng LA. Balak ko na don mag aral dahil ayoko na dito. Mas gusto ko dun sa kanya. Kaya lang...hindi kami natuloy."
"Bakit hindi kayo natuloy?" tanong ko.
"Hindi kami natuloy dahil ayaw ni ate. Sinabi n'ya sa step mom namin na 'wag na lang kasi ayaw n'yang maging pabigat kami. Sakit daw kasi ako sa ulo. Hindi daw ako pumapasok sa school at palaging napapasabak sa gulo. That wasn't true. Ang bait ko kaya noon. Pero naniwala si Tita Shiela kay ate at nagdecide na 'wag na kaming tanggapin sa bahay nila kasi baka daw makasama kami sa condition ni Dad."
"May sakit ang Dad mo?"
Tumango s'ya saka suminghap. Unti unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila magkahalong galit at lungkot.
"Yeah. I didn't know he had Lukemia. Hindi sinabi sa akin ni ate dahil 'pag pumunta ako sa LA expected ni Dad na dapat kasama s'ya. Kaso ayaw n'ya."
"Bakit?"
"Kasi hindi n'ya maiwan iyong boyfriend n'ya dito. Baliw na baliw s'ya don eh. Hindi n'ya gustong mapalayo kasi natatakot s'yang maghiwalay sila dahil sa distance. Kaya ako ginawa n'yang dahilan. Then after a year, my dad passed away. Hindi man lang ako nakapunta."
"I'm sorry." sinsero kong sabi.
Now nagegets ko na kung bakit s'ya ganon makitungo sa ate n'ya. Akala ko bastos lang talaga s'ya at gago kaya wala s'yang paggalang. Akala ko rin hindi s'ya nasasaktan.
Napahiya ako sa sarili ko dahil sa mga naisip ko tungkol sa kanya. Hindi naman pala s'ya masama tulad ng akala ko. Mayroon pala s'yang soft side at umiiyak rin.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...