Kabanata 32

414 17 0
                                    

Nasanay na akong gumising ng 4am kaya naman automatic nang nagmumulat ang mga mata ko kahit hindi ko pa naman kailangang gumising.

Sinubukan kong pumikit muli para matulog pero kahit anong gawin ko ay gising na gising parin ang diwa ko. Naisip ko kasi s'ya bigla.

"Sir Raymond, get out my head." bulong ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

Alam ko hindi naman natin makokontrol ang mga bagay na pumamasok sa isip natin pero mapipili natin 'yung mga thoughts na gusto nating magstay.

Kanina lang pinipilit kong burahin s'ya sa isip ko, but now with deliberate intent.

"Pupunta kami ng Mama mo sa MOA kasama sina Ed at yung kambal. Tara. Gusto rin daw sumama ni Ace kaya hindi ka naman mababagot." anyaya ni Papa.

Umiling ako saka sinubo ang adobong niluto n'ya. Ewan ko ba kung bakit hindi ako naexcite nang malaman kong kasama si Kuya sa pamamasyal nila mamaya. Alam ko na kasi kung ano at sino na naman ang bukang bibig n'ya. Minsan nakakapagod narin makinig.

"Pa, pwede bang pumunta ako kina Mary Loise? Wala rin kasi s'yang kasama. Nag out of town 'yung parents n'ya."

"Okay lang naman. Pero bakit ayaw mong sumama?" tanong n'ya.

"Wala lang. Tinatamad po ako eh. Atsaka baka sumakit lang 'yung paa ko kalalakad. Wala rin naman akong gustong bilhin."

"Ahm. Ganon ba? Kasi, kaya lamang gustong sumama ni Ace dahil sabi ko yayayin kita. Ayaw mo naman pala."

Napaisip ako nang sabihin iyon ni Papa. Parang gusto ko na ring sumama pero narealize ko na siguro pass muna ako sa'yo ngayon. Kailangan kong sanayin ang sarili kong kaya kang tanggihan. Kahit minsan lang.

"Eh, nasabi ko na kay Mary Lu na pupunta ako. Baka maghintay s'ya." wika ko.

Tumango naman si Papa saka nagpatuloy sa pagbabasa ng hawak n'yang dyaryo.

"You mean to say, inamin n'ya sa'yo na gusto ka n'ya? Anong sagot mo? Kilig na kilig ka ano!?"

Ngumuso ako saka niyakap ang throw pillow na nakapatong sa sofa.

"Hindi ko alam. Medyo? Hindi ko kasi alam kung paano ako kikiligin? Prof natin 'yun eh." nakasimangot kong saad.

"Eh ano naman? Lalaki s'ya at babae ka. Ano namang masama kung kiligin ka?"

"Nabigla kasi ako. Kaya tinanong ko s'ya kung bakit pa n'ya sinabi sakin since magiging less complicated kung hindi ko na lang alam. So kinabukasan, nagsorry s'ya. Sabi n'ya sorry daw kung naiilang ako dahil sa kanya. At tama ako na dapat hindi n'ya na lang sinabi." mahinahon kong sabi.

"Pero bakit ganyan ang mukha mo? Bakit parang nanghihinayang ka na binawi n'ya? Eh kasi...gusto mo rin." nanunuyang saad ni Mary Lu.

Ewan ko. Siguro. Parang oo na hindi.

"Kasi nakokonfuse ako. Paano kapag nakita ko s'ya? Hindi naman pwedeng hindi ko na lang s'ya pansinin. Unfair iyon."

"Unfair talaga." sabi n'ya with conviction.

Tumabi s'ya sa kinauupuan ko saka kiniliti ako sa tagiliran. Napakakunsintidor talaga ng isang tao. May bias. Kapag kay Kuya Ace bawal pero kapag Sir Raymond na mas komplikado pwede.

"Anong password ng wifi mo?" tanong ko.

Tumigil s'ya sa pangingiliti saka kinuha ang cellphone ko. Gusto n'ya s'ya ang magtype.

"Hala, nagsisikreto?" pang aasar ko.

"Sige na nga. Marysonx. Hindi ko pa napapalitan eh."

"Uyy. Mary Loise and Jefferson." tumawa ako saka ginantihan naman s'ya ng kiliti sa tagiliran.

Jefferson ang totoong pangalan ni Japs.

Nagfacebook ako para silipin ang facebook account ni Sir Raymond. Ang sabi kasi ni Mary Loise, baka makatulong iyon para malaman ko kung interesado ba ako sa kanya o infatuated lang.

"New post oh. Ten minutes ago. May game sila." wika ni Mary Loise habang tinitingnan ang post ni Sir Raymond sa Sports Complex kasama ang mga batchmates n'ya.

Ahm... mahilig pala s'ya magbasketball.

Nagpatuloy ako sa pagscroll at nakita namin ang mga pictures nila ng kapatid n'yang si Caroline. Mas bata ito sa kanya na tila nasa High School pa. Doctor ang parents n'ya na sa palagay ko'y hindi naman nalalayo ang edad kina Mama at Papa.

"So, dalawa lang pala silang magkapatid." wika ko.

"Magkahawig na magkahawig sila ano? Mas matangos lang ng konti ang ilong ni Caroline." saad ni Mary Loise.

Nadiskubre ko ring may aquarium sila sa bahay malapit sa kusina. May alaga silang dalawang aso na parehong german shepherd. Kulay green ang tiles ng kwarto n'ya at three storey ang bahay nila.

Nagpatuloy parin kami sa pagscroll hanggang sa makuha ng atensyon ko ng isang picture kung saan nasa isang observatory sila ni Caroline at may hawak silang binoculars.

"Wow. Gusto ko ring makapunta dito. Ang ganda oh."

Nafascinate ako kasi mahilig ako sa kahit anong bagay na may kinalaman sa universe. Stars, planets, comets and asteroids. Name it. Gusto ko talaga ang mga heavenly bodies kaya naman next year General Science ang kukunin kong major dahil Science (especially Physics) ang hilig ko.

"Oops. Bakit mo ni-like!?" angil ko kay Mary Lu.

"Sabi mo gusto mo eh. Ibig sabihin like mo." pang aasar n'ya.

Napasilip ako sa date ng post na iyon at napa-O ako nang malamang five years ago pa iyong picture. Nataranta ako kaya agad kong in-unlike yung picture. Sana lang hindi pa s'ya nagbubukas ng notifications n'ya!

"Kainis ka! Ang bias bias mo. Ayaw mo kay Kuya Ace pero pinupush mo ako kay Raymond."

Nag grin s'ya nang marinig na hindi ko s'ya tinawag na "Sir". Mas lalo n'ya akong inasar.

"Alam mo si Sir Raymond, para s'yang si Ace. Gwapo, mabait, at gentleman. Pero one hundred percent better."

"Bakit naman?"

"Oo, gwapo si Ace. Pero iba yung dating ni Sir Raymond eh. Yung hitsurang 'too good to be true'. Gets mo? Ang hot ng balikat n'ya, ang manly ng mukha n'ya, matangkad tsaka kahit hindi mo hubaran alam mong may abs."

"Tss. Grabe ka naman mag imagine. Pero agree ako. Medyo lumamang nga s'ya ng ilang paligo kay Kuya Ace." saad ko.

Tumango tango si Mary Loise saka nag isip pa ng bagay na makakapag stand out sa bias n'ya.

"Obvious naman na mas mabait s'ya. Si Ace kasi mabait na may pagka user." nakataas ang kilay na saad n'ya.

"Oy, hindi adik iyon noh!" matigas na wika ko.

"Hay, ang slow. User. Ang ibig sabihin ko, ginagamit ka n'ya minsan. At ikaw nagpapagamit ka naman. Kapag gusto ni Ace, ibinigay mo. Kapag kailangan ni Ace, ginagawan mo ng paraan. Okay sana kung give and take. Pero pagdating sa'yo, lahat ba kaya n'ya? I don't think so."

Napalunok ako sa komento n'ya. Maybe that's half true. Hindi naman kita majudge dahil hindi ko naman alam lahat ng tumatakbo sa isip mo.

"Pag dating sa pagiging gentleman, siguro medyo equal lang. Pero over all, mas okay parin si Sir Raymond. Mahal mo lang si Ace kaya ipinagtatanggol mo s'ya. Pero someday kapag natauhan ka na, makikita mo rin ng mas malinaw. Ace is a big no. He's such a bad news with a good view parang si Japs. Tempting pero hindi ko kailangan."

Nagkibit balikat ako saka natigilan sandali.

Tama si Mary Loise. Marahil sa lahat ng bagay pabor ako pag dating sa'yo dahil mahal pa kita. Kaya naman sana bukas, makalawa... hindi na.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon