Kabanata 21

368 13 3
                                    

Nagpunta kami sa salon para samahan si Mary Loise na magpakulay ng buhok. Burgundy ang kulay ng buhok n'ya ngayon pero dahil sa inspection na gagawin next week ay nagdecide s'yang gawan na agad ng paraan kaysa mahuli.

Naupo kaming dalawa ni Kaila sa magkabilang gilid n'ya para magpanicure. Hindi ko naman first time magpamanicure pero dahil first time kong magpalinis ng kuko kasama nila ay hindi nila naiwasang magtanong.

"Bakit ka magpapamanicure?"

"Gusto ko lang. Atsaka nakakahiya namang tumambay dito sa salon kung wala ka namang ipapagawa. That's why." sagot ko.

"Akala ko naman dahil kay Kenneth Ocampo... Peace." pagbibiro ni Mary Loise.

Napairap ako nang mabanggit n'ya ang tungkol dun. Naisip ko tuloy kung ano ang next move ni Karissa ngayong ang alam ng marami ay nililigawan ako ng kapatid n'ya.

"Nakausap ko s'ya kaninang umaga tungkol 'dun. Tinanong ko s'ya kung bakit. At ang sabi n'ya... she likes me for her brother dahil good girl daw ako at magiging good influence ako sa napapariwara n'yang kapatid."

"So, did you buy it? Sa tingin mo ba iyon talaga ang dahilan?"

"Hindi. Pero ewan ko. Bakit nga ba? Was that a valid reason?" tanong ko.

"Ahm. I don't know. Bakit hindi mo subukang tanungin si Kenneth? Alam ba n'ya na pinadadalhan ka n'ya ng bulaklak? And... may balak nga ba s'yang manligaw sa'yo?"

"S'yempre wala. Gawa gawa lang ni Karissa iyon. Ang itanong mo ay kung bakit ka pinagtitripan ng kapatid n'ya. No offense pero sa tingin ko hindi ka naman n'ya type and for sure hindi mo rin naman s'ya gusto dahil loyal ka kay Ace. Right?" saad ni Kai.

Natigilan ako sa mga sinabi n'yang iyon. Loyal pa nga ba ako sa'yo? Bakit these past few days parang nawawala ka na sa isip ko?

"Okay then. I'll ask Kenneth kahit nakakahiya."

"Ano namang nakakahiya 'don? Magtatanong ka lang naman. Ang mga kaklase n'ya mismo ang nagpadala ng flowers sa'yo kaya for sure alam n'ya ang tungkol 'don."

Tumango tango na lang ako sa suwestiyon ni Kai.

May point naman s'ya. Bakit ba kasi kailangan ko pang magpaligaw sa kapatid n'ya para lang balikan ka n'ya? What's the point kung hindi ka naman na n'ya mahal?

Pagkatapos namin sa salon, agad akong umuwi para makapagpanginga na. Wala naman akong masyadong ginawa pero napagod ako ngayong araw. Malamya akong humiga sa kama ko para umidlip sandali ngunit muli akong napamulat nang tumunog ang aking cellphone dahil sa isang mensahe.

From: Kuya Ace

Where are you? Nandito ako living room.

Napabangon ako at agad humarap sa salamin para tingnan ang aking sarili. I got excited. Pero sakto lang. Patakbo akong bumaba sa hagdaanan saka tumigil lang nang makita ko s'yang nakasandal sa pintuan namin.

"Oh, anong kailangan mo?" tanong ko.

Ngumuso s'ya saka sinalubong ako para yakapin.

"Bakit, bawal ka bang mamiss?"

Naramdaman ko ang mga labi mo sa gilid ng aking ulo at hindi ko na naman napigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Parang noong isang araw lang nananahimik ang dibdib ko ngunit ngayong yakap mo ako'y parang nabuhay muli ang mga ugat sa puso ko. Ikaw na naman ang dahilan.

"Bawal..." saad ko pero sa kabila noon ay niyakap ko rin naman s'ya pabalik.

Bakit mo naman ako tinatanong kung bawal mo akong mamiss? Kung alam mo lang na iyon ang gusto kong maramdaman mo araw araw hindi kita pagdadamutan sa mga yakap kong ikaw lang ang laging gustong ikulong.

"Kumusta ang school?" tanong ko.

Kumalas s'ya sa pagkakayakap saka s'ya umupo sa sofa.

"Boring..." tipid n'yang saad.

"Dahil wala si Karissa? Siguro naman maraming maganda sa school n'yo palitan mo na si Karissa."

"Bakit, pinagpalit n'ya na ba ako? Nagkakausap ba kayo?" tanong n'ya.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ang mga gustong mangyari ng dati mong girlfriend. Sasabihin ko ba sa'yong pinapopormahan n'ya ako sa kapatid n'ya para balikan ka n'ya? Sasabihin ko bang nagkakataasan kami ng boses dahil nagagalit ako sa kanya dahil nasasaktan ka?

"Wala naman... Kung mayroon for sure malalaman ko iyon agad. Sikat s'ya sa school kaya mabilis kakalat ang balita kung meron na s'yang iba." saad ko na sa tingin ko'y nakapagpagaan ng loob n'ya.

Sana nga lang matauhan ka na. Sana mafall ka na sa iba. Okay lang kahit hindi sa akin basta't hindi sa ex mong wala naman atang pakialam sa'yo. Ang ex mong kinalimutan ka na. Kasi kung talagang mahal ka n'ya, hindi nya kailangang makipagbarter sa akin. Kung mahal ka n'ya hindi ka dapat n'ya iniwan ng ganon ganon na lang. Pero siguro nga madali lang para sa kanyang gawin ang lahat ng iyon dahil hindi ka naman n'ya minahal.

"Ikaw, anong balita sa'yo? May pumuporma na ba sa'yo. Uy, may nanliligaw na..." pang aasar n'ya.

"Wala. Atsaka sino naman?" wika ko.

"Kahit sino. Sa mga kaklase mo wala ba? O sa ibang section."

"Wala nga... bakit ba?"

"Wala raw... pero nagkikilay at nagmemake up na. For sure mayroon ka nang pinagpapagandahan. Kailan ka pa natutong magpacute? Sino iyon huh?"

"Matagal na akong cute. Atsaka maganda naman talaga ako noon pa."

"Wow... Sinong may sabi? Ikaw, cute?" mapang asar mong saad.

Umupo ako sa tabi n'ya saka inilagay ang mga takas na hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga.

"Si Sir..." nabigla kong sabi.

"Sinong Sir?" nagsalubong ang dalawang kilay ni Kuya Ace saka masama akong tiningnan.

"Si Shir. Iyong pinsan ni Mary Loise na nagmamanicure. Si Shirley remember?" wika ko habang winawagayway sa mukha n'ya ang bagong manicure kong mga daliri.

"Iyong bakla? S'yempre lahat ng nagpupunta sa salon sinasabihan nilang maganda. Naniwala ka naman..."

"Aray. Mabuti pa si Shir, naapreciate iyong mukha ko."

Umupo ako sa tabi n'ya saka kinuha iyong remote para buksan ang TV.

"Pero basta... kung magpapaligaw ka dapat iyong katulad ko. Loyal, hindi manloloko, at syempre gwapo."

Tumingin ako sa'yo saka kunwari kang inirapan. Kung ganoon naman pala... bakit hindi na lang ikaw?

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon