Nakaupo ako sa aking study table habang nagbabasa ng manga. Kahit marami naman talaga akong bagay na dapat unahin tulad ng mga assignments ko at reports, pinili ko paring aliwin ang aking sarili.
Hindi ko naman usual na ginagawa ito. Ako kasi iyong tipo ng tao na hindi nagsasayang ng oras sa mga bagay na hindi naman masyadong mahalaga. Pero siguro nga dumadating tayo sa point na minsan, mararamdaman na lang natin na may iba na tayong bagay na gustong gawin.
"Hello, pa?" bungad ko sa aking amang nasa kabilang linya.
"Anak, kumusta? Anong ginagawa mo?" malambing n'yang tanong.
"Mabuti naman po ako... Heto nakaupo lang... nagbabasa. Ikaw pa, kumusta na?"
Isinara ko ang mangang aking binabasa saka inilagay iyon sa aking maliit na bookshelf. Narinig ko mula sa kabilang linya ang paghikab ni papa pati narin ang boses ng ilan sa mga katrabaho n'ya.
"Heto... nag iimpake. Uuwi na si papa mo sa makalawa, anak." masigla ang kanyang tono at kasabay naman noon ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa excitement.
Limang taon na si Papa sa Saudi at nagtatrabaho s'ya bilang Pipe Fitter. High school pa lang ako noong umalis s'ya at dahil sa limang taon n'yang kontrata, sa skype at facetime ko lang s'ya nakikita.
"Talaga po? Wait, pa. Tatawagan ko si Mama!" isinuot ko ang sandals kong pambahay saka akmang lalabas ng kwarto.
"Wag!" aniya. "Dapat hindi n'ya alam para surprise. Sa Martes, magpapasundo na lang ako sa Tito Ed mo sa airport. Ikaw na ang bahalang aliwin si Mama mo para makasigurado tayong pagdating ko nand'yan lang s'ya sa bahay." paliwanag n'ya.
Matic na lumapad ang aking ngiti bunga ng labis na saya. Paniguradong mas matutuwa si Mama!
"Sige po. Ako na po ang bahala. Anong oras ba?"
Tumayo ako saka humakbang patungo sa aking sliding window. Hinawi ko ang kurtina para magliwanag ang aking silid. Natanaw ko agad si Kuya Ace. Nakatayo s'ya sa balcony ng kanilang second floor at may kausap rin sa telepono.
"Secret... walang clue. Basta bibiglain ko na lang kayo. Sa wakas masusundan na ang Jenny ko." aniya saka tumawa ng malakas.
"Si Papa talaga." wika ko habang medyo tumatawa na rin.
Hindi ko alam kung posible pa bang masundan ako gayong medyo tumatanda na sina Mama at Papa. Simula bata pa ako sina Kuya Ace, Andrea, Alwin, Alvin at Arvin ang mga nagsilbing mga kapatid ko dahil nag iisa lang naman akong anak at wala akong masyadong mga kamag anak na malapit sa amin. Taga Batangas kasi Mama at taga Laguna naman si Papa.
"Oo nga pala... Kumusta si Ace?" tanong n'ya.
Muli akong sumulyap sa kinatatayuan n'ya. Kahit nasa malayo ako ay kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo at paulit ulit n'yang pagbuntong hininga. Mukhang may problema na naman ng girlfriend.
"Okay naman po s'ya. Gagraduate na s'ya this year."
"Ah... mabuti naman. Sa wakas may engineer na rin si pareng Ed..."
Marami pang sinasabi si Papa sa kabilang linya tungkol sa iba't ibang bagay ngunit naagaw ni Kuya Ace ang buo kong atensyon. Nakita kong ibinagsak n'ya ang kanyang cellphone sa sahig at mangilang ulit na sinuntok suntok ang kanilang pader. I guess something's up.
---
Kinagabihan, pinatay ko ang lampshade sa gilid ng kama ko para matulog na. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang maramdaman kong may taong naglalakad malapit sa bintana ko. Isang lalaki, sakto lang hubog ng pangangatawan at may katangkaran.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...