Malamya akong nakaupo sa sahig habang pinag iisipan ang mga susunod kong hakbang. Sabi kasi nila, bago ka gumawa ng isang bagay pag isipan mo ng sampung beses para hindi ka magkamali.
Mahigit sampung beses ko nang napag isipan ang gagawin ko mamaya pero kahit mayroon na akong desisyon, hindi parin ako kumbinsido sa gagawin ko.
Mamaya, papatunayan ko kay Raymond na walang nangyari sa amin ni Kuya Ace.
"Saan ka na naman pupunta?" medyo mataray na tanong ni Mama. Minsan na lang kasi ako umuwi ng bahay dahil sa trabaho pero dahil sa problema ko napapadalas ang paglabas ko para makipagkita kina Kai at Mary Loise. Hindi kasi ako makaiyak dito sa amin.
"Pupuntahan ko po si Raymond." sagot ko.
Umawang ang bibig n'ya saka nauutal utal akong sinagot.
"G-ganun ba, bati na ba kayo?"
Hindi ko kinuwento sa kanya na naghiwalay kami pero dahil hindi kami nagpapansinan ni Kuya Ace marahil na-sense na n'ya kung anong nangyari.
"Makikipagbati pa lang po ako." tugon ko.
"Normal lang naman sa relasyon 'yung nag aaway. Ang mahalaga inaayos." ngumiti si Mama saka nilapag ang walis sa sahig. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi n'ya. Una, hindi ako sanay sa kanya na ganito. Pangalawa, nangangamba ako. Maaayos pa nga ba kaya?
"Sige, anak, good luck sa'yo." aniya. "Tiwala lang at pasasaan ba maayos n'yo rin ang problema. Mahal ka 'non."
Lumapit sa akin si Mama at magaan akong niyakap bago ako lumabas ng pinto.
Nakaramdam ako ng konsensya nang sabihin n'ya ang mga salitang iyon sa akin. May gagawin akong hindi tama. Kung alam lang sana ni Mama ang gagawin ko, panigurado inuubos na n'ya ngayon ang buhok ko sa anit.
Nagpunta ako sa bahay nila Raymond at sandaling nakipagkwentuhan kay Caroline. Kahit gustong gusto ko na s'yang akyatin sa kwarto n'ya, kinakabahan parin ako. Paano kung hindi ko iyon kayanin?
"Hindi pa s'ya nagbebreakfast. Puntahan mo s'ya mamaya tapos pakainin mo." wika ni Car.
Napalunok ako dahil ibang pagkain ang nasa isip ko.
"Ate Jen, you okay?"
"I-I'm okay. Sige pipilitin ko s'yang kumain."
Tinitigan n'ya ang kanyang mga daliring nilalagyan n'ya ng nail polish. May pupuntahan s'ya ngayon kaya ang kasambahay lang nila ang maiiwan bukod sa amin ni Raymond dahil nasa ospital ang Mommy at Daddy nila.
"May gusto ka ba? Kung may gusto ka mag sabi ka lang kay Yaya Meding. Hinihintay ko lang kasi 'yung sundo ko kaya feel at home ka lang ha, ate."
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
"Thank you, Car. Mag iingat ka..." kinakabahan kong saad.
Ngayon kasing naglalakad na s'ya palayo, oras na para gawin ko ang binabalak ko.
Umakyat ako sa second floor saka tumayo ng ilang sandali sa tapat ng kwarto ni Raymond. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil ayokong magmukhang tense.
Kumatok ako ng maingalang ulit pero hindi n'ya binubuksan ang kanyang pinto. Kinapa ko ang doorknob at nadiskubreng hindi ito naka lock kaya naman sinubukan ko itong buksan.
"Raymond..." wika ko nang makita ko s'yang nakaupo sa sahig at nakasandal sa gilid ng kanyang kama.
Nakakalat ang mga lata ng beer sa sahig at amoy usok rin ang buong kwarto.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
Любовные романыLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...