Kabanata 52

312 12 10
                                    

1 year later...

Marami nang nagbago after graduation as I faced the real world. Nakapasa agad kami ni Kai sa LET kaya nakapagturo kami sa public school. Tumira kami sa iisang apartment malapit sa school na pinagtuturuan namin pero kahit ganon palagi s'yang hindi umuuwi dahil sa boyfriend n'yang si Trevor.

Si Mary Loise naman, piniling magturo sa Catholic school at busy rin sa kanyang mga volunteer works kaya bihira na namin s'yang nakakasama. Pero despite of that, nanatili parin kaming friends.

"Mabuti naman dumating ka. Twenty fifth anniversary ngayon ng Tita Marissa at Tito Ed mo. Doon ka na maglunch." wika ni Mama.

"Nasaan si Papa?" tanong ko.

"Naroon na. Nakikipagkwentuhan kay Ace." aniya. "Oo nga pala, hinahanap ka n'ya. Panigurado, miss na miss ka nun."

Tuminingin sa akin si Mama para tingan ang reaksyon ko. Iniisip ba n'yang excited ako?

"Miss na agad ako ni Papa? Magkausap lang kami last night sa phone ah." wika ko.

Umirap si Mama at kinuha ang walis tambo para linisin ang mga bakas ng paa ko sa tiles.

"Si Ace ang tinutukoy ko." aniya.

Ipinatong ko ang bag ko sa lamesa at malamyang inalis ang high heels kong suot. Nabalitaan kong umuwi ka na two weeks ago kaya naman ineexpect ko na magkikita tayo. I know I can never escape seeing you kaya naman pagkatapos kong magpalit ng tsinelas, dumiretso ako sa bahay n'yo para i-greet ang mga parents mong s'yang dahilan ng pagpunta ko.

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa kanilang pintuan.

"Hindi ako masyadong ngingiti..."

'Yan ang sabi ko sa sarili ko. Ayokong isipin mong sobrang saya ko dahil sa wakas ay nagkita na tayo.

"Surprise..." wika ni Tita Marissa habang nakadipa ang dalawang kamay habang tinuturo si Kuya Ace.

Agad s'yang tumayo nang makita ako saka niyakap ako ng mahigpit.

I hugged you back for no reason. I pretented to be happy dahil andyan ka kahit ang totoo wala naman akong masyadong naramdaman.

"Kumusta ka na?" tanong ko. Bumaling ako kay Tita Marissa para magbeso. "Happy Anniversary po sa inyo." saad ko sa kanya.

"Thank you, ineng. Kumain ka na." sagot n'ya.

"I'm good. Actually two weeks na kitang hinihintay. Sabi naman ng Papa mo busy ka daw. Mabuti naman umuwi ka." saad n'ya habang tinuturo ang upuang bakante sa tabi n'ya.

Umupo ako doon at nilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa. Maya maya pa'y nagtatakbuhang lumapit sa akin ang mga kapatid n'ya para yakapin at halikan ako.

"Hello, babies. Namiss ko kayo." saad ko habang kinikiss silang tatlo.

"Pasalubong! Pasalubong!" sabay sabay nilang sigaw kaya naman napatakip ako sa aking tenga.

Hindi ko ata kayang magkaroon ng anak na triplets.

"Later. Nasa bag ko pa eh. After kong kumain okay?"

Masaya silang naglundagan saka nag agawan sa laruang sa tingin ko'y si Kuya Ace ang nagbigay.

Wala naman masyadong nagbago sa hitsura n'ya. Namuti lang s'ya ng konti pero ang hubog ng kanyang katawan ay katulad parin ng dati.

"Alwin! Arvin! Alvin!" sigaw ni Tita. "Stop it. Baka magkasakitan kayong tatlo. Come to mommy. Sige na..."

Lumapit ang triplets kay Tita at sabay sabay na naglambing. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila saka kinuha ang cellphone ko para magpicture.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon