Kabanata 6

501 17 1
                                    

Matapos ang mahigit tatlong araw na pagpupuyat sa wakas ay natapos narin ang Midterms. So far, maayos naman ang results na bumabalik sa akin. Medyo pumalya lang ako sa Algebra at hindi naman iyon nakakagulat. I hate numbers. And letters.

"Bathan, Jenny Rose P." wika ni Sir Raymond habang isa isa kaming tinatawag papunta sa table n'ya para ipakita ang aming midterm grade.

Tumayo ako sa upuan saka marahang pumunta palapit sa kanya. Seryoso at makahulugan ang tingin n'ya sa akin habang naglalakad ako kaya naman medyo iniiwasan kong magtama ang mga mata namin.

"Ninety-two. Not bad." aniya.

Napasulyap ako sa kanya nang bigla n'yang sabihin iyon. Ngayon ay nakangisi na s'ya habang nilalaro ang kulay red n'yang ballpen.

Yumuko ako para pumirma sa tapat ng grade ko. Babalik na sana ako sa upuan ko nang bigla ulit s'yang nagsalita.

"May try outs ng volleyball mamaya baka gusto mong magpalista." aniya. "Ako ang faculty na assign sa section n'yo para sa sports fest. Kailangan ko ng magagaling na players."

Last year ay naglaro na rin ako para sa section namin at nakamit namin ang second place. Si Kai ay player ng chess at member naman ng cheerdance si Mary Loise.

"Sige po, sir. Thank you sa grade." ngumiti ako sa kanya at tumango naman s'ya akin.

Dahil sa stress na naidulot ng tatlong araw na pag eexam ay nakaramdam ako ng excitement para sa sports fest. Pinaulakan ko ang alok ni Sir Raymond na mag try out ako sa volleyball at natanggap naman ako.

Tuwing umaga nagja-jogging kami sa field kasama ang iba pang players ng team namin. Mabuti na lang dahil ten a.m lahat ng first periods ko ngayong sem kaya naman wala akong namimiss na klase.

"Kumusta?" tanong ni Ate Karissa nang makasalubong ko s'ya malapit sa drinking fountain.

Nakasuot s'ya ng kulay navy blue na tennis skirt at rainbow colored na stripes. S'ya lang ang kilala kong nakakapagpull off ng ganitong fashion. Kung siguro ako ang may suot nito ay magmumukha akong jologs.

"Magbuti naman. Magkateam pala tayo." wika ko.

Join force ang section namin at section nila para sa Yellow Team. Hindi s'ya player pero palagi s'yang nasa school para magpractice dahil kasali din s'ya sa cheerdance.

"Oo nga eh. Galingan n'yo ha. Sino nga palang kalaban n'yo sa first game?" tanong n'ya habang inaayos ang pagkakatali ng kanyang sneakers.

"Orange team. Combination ng AB Psych at Multimedia Arts." sagot ko.

Tumango tango s'ya saka nagscroll sa kanina pa n'yang nagbavibrate na cellphone.

"Manunuod ba si Kuya Ace?" tanong ko kahit alam ko namang malaki ang chance na manunuod s'yaa. Ya know, just to keep the conversation going.

"Gusto n'ya... pero sabi ko 'wag na lang kasi baka hindi n'ya rin maabutan kasi may pasok s'ya."

"Ganon ba? Sayang naman."

Tumango ako saka isinara ang tumbler na nilagyan ko ng tubig. Gusto kong magtanong ng kahit ano sa kanya kaya lang dahil palagi silang nagkakasama ni Mary Lu sa practice ay alam ko na halos lahat ng pinaggagagawa n'ya. Wala namang bagay na dapat mong ikabahala. So far.

"Jenny, let's go. Baka mapagalitan tayo ni Sir!" sigaw ni Mich, ang libero namin.

"Ate, mauna na ako ha." paalam ko.

Tipid s'yang ngumiti sa akin saka malamyang kinaway ang kanyang kamay. Mukhang busy sa pakikipagtext sa'yo.

Pagkarating namin sa gym, marami naring teams ang nagpapractice para sa ng kani-kanilang game. Infairness naman at hindi na masyadong crowded ngayon hindi katulad last year marahil mayroon ng schedule ang lahat ng teams para sa practice.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon