Kabanata 57

455 15 10
                                    

Hindi na natin maibabalik 'yung mga panahong para lang tayong magkapatid. Mga panahong walang malisya kung palagi tayong magkasama at malayang nagagawa ko ang mga gusto ko dahil hindi mo naman alam na mahal kita.

Iba na ngayon. Mahal mo ako.

Minahal mo na ako kaya lang hindi na maari.

Hindi tayo bumalik sa dati pero nagkaroon naman tayo ng bagong simula. Akala ko this is for the better pero mali na naman ako. This is worse.

"Left and right and right and left. Ikot sa partner." wika ng D.I. "Good. Nakukuha n'yo na."

"See? Nagkaroon tayo ng improvement!" wika ko habang tumawatawa.

Everyday tayong magkasama dahil sa practice at sa bawat araw na magkasama tayo, hindi ko namalayang unconsciously binibigyang daan kita muli pabalik sa buhay ko.

I trusted myself dahil akala ko kaya kong paglabanan ang mga panunukso sa akin ng tadhana. Pero tulad nga ng sinabi ko noon, you can never unlove somebody. Once na nagmahal ka, mag iiwan na s'ya ng marka sa buhay mo at hindi na maalis pa kahit na kailan.

Ang pag ibig ko sa'yo parang isang uling sa kalan na akala ko wala nang apoy....

"Hindi mo ba pinangarap magkaroon ng program sa debut mo?" tanong n'ya habang pinanunuod namin ang mga caterers na nagdedesign ng venue habang nagpapractice kami ng sayaw.

"Hindi." sagot ko. "Ayoko lang."

"Bakit naman? This is every girl's dream. Eleganteng gown, eighteen roses, birthday wishes tapos lahat ng friends and relatives mo present sa pinakamasayang araw mo."

Umiling ako at nagconcentrate sa steps ng aming sayaw. I disagree with him. Hindi lahat ng babae gusto ng ganito at isa na ako sa kanila.

"Wala dito si Papa noong eighteen ako. Atsaka ayoko ring gumastos kami ng malaki dahil hindi naman kami mayaman."

"Okay. Pero what if kaya n'yo? Gusto mo ba?"

Umiling parin ako sa kanya. Hindi talaga.

"No. Iyakin ako eh. Feeling ko iiyak lang ako nang iiyak kapag may mga bumati at nagbigay ng birthday wishes sa akin. Naaalala ko nga nung debut ni Kai, hindi ako 'yung may birthday pero sobra akong natouch kaya maluha luha talaga ako habang nagbibigay ng messages yung mga tita n'ya." sagot ko.

"Ayaw mo 'nun? Malalaman mo ang mga gusto nilang sabihin sa'yo na hindi pa nila nasasabi."

"Tulad naman ng ano?" tanong ko. "Kung kasali ka sa mga nagbigay ng birthday wishes sakin noong debut ko anong sasabihin mo?"

Tumingala s'ya saka sandaling nag isip. Pagkatapos ay tumitig s'ya sa akin habang isinasayaw ako.

"Ang wish ko... sana hindi ka magbago." wika n'ya.

Umirap ako at saka nanunuyang tumingin sa kanya.

"Hay. Luma na 'yan. Lahat ng birthday parties na napuntahan ko iyan ang sinasabi."

"Hindi pa ako tapos..."

"Sana hindi ka magbago kasi... ayoko. Ayokong magbago ka dahil I love you just the way you are for you are my Jenny. My sweetest Jenny and the best Jenny that I know."

Nag iwas ako ng tingin saka sandaling hinawakan ang leeg kong parang nanunuyo. I suddenly want to cry. Bakit hindi ko 'yun narinig noon?

"Pero nagbago na ako. Bakit mahal mo parin ako?"

Tumango s'ya saka inilapat ang noo n'ya sa noo ko.

"Because I never changed. I'm still the same person. Mahal na kita noon. Hindi man in a romantic way pero minahal na kita noon pa."

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon