"Gusto n'yang i-date ko si Kenneth..." saad ko.
Nanliit ang mga mata ni Kai saka dahan dahan isinara ang librong hawak n'ya. Narito kami ngayon sa library ng school para gawin ang aming book review pero sa halip na magconcentrate ay inatupag namin ang kwentuhan.
"Don't tell me pumayag ka?" tanong n'ya.
Umiling iling ako saka ipinagpatuloy ang pagsusulat ko. Hanggang ngayon palaisipan parin sa akin ang kondisyong sinabi ni Karissa. Ano namang koneksyon ng pakikipagdate ko sa kapatid n'ya para lang magkabalikan sila ni Kuya Ace?
"S'yempre hindi. Ayoko sa kanya para kay Kuya Ace kaya naman bakit ko gagawin? Isa pa, si Kenneth? Ang yabang kaya 'nun." wika ko.
"Tinanong mo ba kung anong dahilan?" tanong ni Mary Loise.
"Oo. Pero hindi n'ya sinabi."
"For sure may matindi s'yang dahilan. Impossible namang trip trip lang kaya inirereto ka n'ya sa kapatid n'ya." ani Kai.
"Hindi kaya... may sakit itong si Kenneth. Tapos, para mapasaya s'ya gusto n'yang i-date mo ang kapatid n'ya para naman sumaya s'ya sa nalalabing panahon ng kanyang buhay? What do you think?" suwestiyon ni Mary Lu.
Umirap si Kai saka pinagkrus ang kanyang mga braso.
"That's bullshit." aniya.
"Shhh. Your mouth. Bad 'yun." wika ni Mary Loise..
Kinuha ko ang cellphone ko nang maramdamang nagvibrate ito. Sumilip naman si Mary Lu sa screen para makiusyoso kung sino ang nagtext.
From Raymond:
See you after class.
Automatic na umangat ang labi ko nang makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Nakaramdam ako excitement sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pero bakit naman kaya kami magkikita?
"Sino 'yan?" tanong ni Kai.
Agad kong dinelete ang message ni Sir Raymond saka muling ibinalik ang aking cellphone sa aking bulsa. Tumikhim naman si Mary Loise saka nagkunwaring nangangati ang kanyang lalamunan.
"S-si Papa... nagyayaya siya sa Star City." pagsisinungaling ko.
"Kasama n'yo si Ace?" tanong ni Mary Lu saka kinindatan ako.
"A-ahm... hindi ko alam. Siguro." wika ko sabay cross fingers.
Ngumuso si Kai saka muling binuklat ang kanyang libro. Mukha namang binili na n'ya ang dahilan namin.
"Hindi porket wala na si Ace at Karissa aasa ka na ulit. Payong kaibigan lang naman..."
"Ano ka ba, nagmomove on na ako." wika ko.
Wala naman talaga akong choice kundi mag move on. Alam kong hindi magiging madali ang makaget over sa feelings ko sa kanya dahil posibleng hindi na ito mawala kahit na kailan pero ang alam ko lang, balang araw darating din siguro ako sa point na hindi na ako masasaktan. Pwede naman 'yun diba? Ang magmahal parin kahit hindi na umaasa.
"Neknek mo. Hindi naman s'ya libag na kapag hinilod mo mawawala agad. You need diversion. Makakamove on ka lang kung mababaling ang atensyon mo sa iba. Makipagdate ka. Try mo makipaglandian sa tinder o kaya sa omegle." seryosong wika ni Kai.
"Ang galing mo mag advice eh wala ka ngang boyfriend." ani Mary Lu.
"Wala pa sa ngayon. S'yempre gagraduate muna ako para naman pwede na kami ni Sir Raymond. Pagkagraduate ko, liligawan ko na s'ya."
"Ang landi neto..."
Umiling si Mary Lu saka palihim na tumingin sa akin. Nagkibit balikat naman ako sa kanya dahil hindi naman ako affected kung gusto ni Kai si Sir Raymond. So what? Unang una friends lang naman kami. Outside school.
"Hindi ako sasabay pag uwi." wika ko pagkalabas namin ng classroom.
Makahulugan akong tiningnan ni Mary Loise na tila naeexcite sa pagkikita namin ni Sir mamaya. Feeling naman n'ya may ibig sabihin iyon. For sure tungkol lang iyon sa game o kaya sa subject ko sa kanya.
"Diretso ka na sa Star City?" tanong ni Kai.
Naginit ang pisngi ko at tila nagbuholbuhol ang dila ko. I couldn't believe na nagsisinungaling ako sa sarili kong kaibigan. Teka, bakit ba hindi ko pa sabihin? Bakit ba hindi ko pa maamin kung wala naman iyong kahulugan?
Hindi ako nagsalita kaya naman pumamewang s'ya at pinagtaasan ako ng kilay.
"Namumula ka... Hindi mo na kailangang ilihim sa amin, Jenny. For sure hindi ka sasabay dahil susunduin ka ni Ace. Tss. Bahala ka nga d'yan. Bye, I love you. Ingat ka ha! Use your brain." aniya saka bumeso sa magkabilla kong pisngi.
Ganoon rin naman ang ginawa namin ni Mary Loise na nakuha pang bumulong bago sila umalis.
"Ako na ang bahala kay Kai. Good luck sa'yo!" nanunuya n'yang saad.
Para saan naman iyong "good luck?" Bakit may recitation ba ako?
Pumunta muna ako sa restroom ng school para manalamin at mag ayos ng aking sarili. Nagpowder lang ako at konting lip balm. Hindi kasi ako mahilig maglipstick tulad ng mga kaibigan ko. Hindi rin ako iyong tipo ng babae na mahilig mag ayos ng sarili kahit pa mayroon akong pupuntahan. Bihira lang.
"Good afternoon, Sir. Pinapatawag n'yo po ako?"
Lumingon ako sa paligid ng faculty room at nadatnan roon si Sir Raymond, Sir Topher at si Ms. Pamintuan. Naroon rin ang iba pang professor ng aming department na halos busy kaya hindi ako masyadong napansin.
"Nakausap ko si Ms Liza. Gusto n'yang i-recruit ka sa Varsity Team. Naghahanap na kasi sila ng mga bagong members dahil next year mababawasan na sila dahil gagraduate na sila Ellise at Maribeth."
Kinuha n'ya sa lamesa ang kanyang back pack at inilagay iyon sa kanyang magkabilang balikat.
"Ganon po ba? Ahm... gusto ko po sana pero baka magkaroon ako ng conflict sa mga subjects ko." saad ko.
Tumango s'ya saka inabot kay sir Topher ang hawak n'yang portfolio.
"I understand. Pero i-consider mo parin kasi may scholarship grant exclusive para sa mga varsity players."
Medyo nahook ako sa offer na iyon. Naisip ko kasi na dahil hindi na mag aabroad si Papa ay malaki ang posibilidad na kailangan ko na nga ng scholarship. Matagal tagal rin kaming hindi nagkasama sama kaya naman ayoko nang bumalik pa s'ya sa Saudi para sa pag aaral ko.
Sabay kaming naglakad ni Sir papunta sa parking lot. Medyo dumidilim na ang paligid at halos puno na rin ang mga dumaraang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit mayroong part sa puso ko na nag aasam na yayain n'ya akong sumakay sa sasakyan n'ya para ihatid ako pauwi. Alam ko hindi lang ito dahil rush hour na at hindi rin dahil sa puno na ang mga sasakyan. Gusto ko dahil gusto ko s'yang makausap at dahil komportable ako kapag kasama ko s'ya.
"Gusto mo bang--" aniya.
Malapad akong napangiti kasi feeling ko sabay na nga kami.
Sandaling tumigil si Sir Raymond sa tapat ng lobby para basahin ang dalawang magkasunod na text message na natanggap n'ya saka inayos ang kwelyo ng kanyang polo. Tumikhim s'ya bago s'ya muling nagbaling ng tingin sa akin. Isang tingin na mukhang disappointed.
"K-kung gusto mo, sabihin mo na lang sa akin bukas or kaya naman text me. Maraming privileges kapag sumali ka sa varisty team." malamig n'yang sabi.
Tumango ako kasabay ng panghihinayang. Does it mean na hindi kami sabay ngayon?
"See you tomorrow, Ms. Bathan. Mag iingat ka pag uwi." aniya.
"See you, Sir. Thank you po."
Marahan s'yang naglakad patungo sa kanyang sasakyan saka pinatunog ang car alarm nito. Hindi ko alam kung bakit, pero naramdaman ko na as soon as dumating kami sa lobby nag iba na aura n'ya habang kasama n'ya ako.
Ilang ulit kong nirecall ang converasation namin simula faculty room hanggang sa parking lot at inisiip ko kung may mali ba akong nasabi pero wala naman akong maalala.
What's wrong with you, Sir?
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...