Sun. Supergiant. Supernova.
Ikaw, ako at siya.
Si Sir Raymond ang sun, the closest star. Malapit at palaging handang magbigay ng liwanag para magpatuloy sa earth ang lahat ng living things.
Pero kahit ganon hindi ko parin gaanong mabigyan ng halaga kasi and'yan ka pa.
Isa ka kasing supergiant. The brightest star. Ang bituing mas maliwanag kaysa sa araw. Malayo at unreachable ngunit kahit ganon ay hinahanap ko parin. Kahit imposible ko nang marating.
Ako naman ang supernova. A star about to explode. Nagiisip parin at nalilito kung bibigyan s'ya ng pag-asa o ipagpapaliban na lang dahil iniibig ka pa.
Ano nga ba ang dapat?
"Ina-advice talaga namin sa lahat ng varsity na magbitaw ng two minor subjects per sem dahil magiging busy sila sa training. Since malapit lang naman ang bahay n'yo okay lang kahit hindi ka sa boarding house mag stay. Basta dadating ka on time wala namang problema." wika ni Coach Liza.
Nasa gym kami ngayon para sa unang araw ng aking training as official member ng Varsity Team.
Puro major subjects lang ang tinetake ko ngayong sem kaya naman may dalawa akong subjects na sa summer ko pa mate-take at hindi ko magiging kaklase sina Kai sa mga subjects na iyon.
"Start muna tayo ng stretching! Before and after working out 'wag n'yong kalilimutang mag stretch. Please lang do it properly and observe proper breathing."
Nakigaya ako sa mga kasama ko na matagal nang familiar sa mga routines. Si Gellie ang kauna unahan kong naging kaibigan sa kanila kaya naman mayroon akong nakakasama at tinuturuan n'ya rin ako. Like, kung paano gumamit ng thread mill at iba pang gym equipment, kung paano mag BMI, at ina-assist n'ya rin ako sa diet namin.
Medyo napabagal ako sa paglift ng dumbels nang matanawan ko Sir na nanunuod sa labas ng gym. Sa akin nakapako ang mga mata n'ya kaya naman nacoconscious ako dahil alam ko ang haggard haggard ko na at bakas narin sa suot kong sando ang pawis.
"You can do it." pabulong n'yang saad.
Hilaw akong ngumiti at pinilit na hindi madistract.
I could say close naman na kami. Madalas kaming nag uusap kahit bakasyon at lumalabas pero hindi namin kinoconsider na date iyon. More like getting to know each other phase.
"How's your first day?" tanong n'ya.
Umupo s'ya sa ikatlong baitang ng bench at pasimpleng kinausap ako habang pinanunuod ang mga estudyante n'ya sa field. Nasa dulo ako ng mga steps kaya naman medyo magkalayo kaming dalawa. Ganito kami in public.
"It was fun. Nakakapagod pero kaya ko naman. Okay yung mga ka-team ko. Mabait naman si Coach Liza kahit medyo strict." sagot ko.
"That's good to hear. I can see nag eenjoy ka." aniya.
"Ikaw ang nag eenjoy. 'Wag mo nga akong masyadong panuorin. Nahihiya ako."
"What's wrong with that? Atsaka bakit ka naman nahihiya sa akin?"
Bumuntong hininga ako saka pinahid ang pawis na tumutulo sa pisngi ko.
"Madungis ako kapag nasa gym. Pawis na pawis... magulo ang buhok. In short, I feel so ugly kaya don't look at me."
Ngumisi s'ya saka bahagyang sumulyap sa akin.
"I don't care. I still like you."
"Tss."
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...