Yakap yakap ko ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti habang inaabangan ang unti unti nilang paglitaw sa kalangitan. Bukod sa pagtitig sa'yo sa mga tala ako nakakatagpo ng kaligayahan. Sa mga tala ako nakakaramdam ng kapayapaan at hindi maipaliwanag na excitement kapag magkasama tayong dalawa.
Mahal na nga siguro talaga kita, Kuya...
"Tumatambay ka na naman dito. Kapag nahuli ka ni tita, sige ka." aniya.
Umupo s'ya sa tabi ko at sandali akong pinagmasdan.
Ilang beses na akong napagalitan ni Mama dahil ayaw n'ya akong pumupunta dito sa may ibabaw ng bubong. Medyo luma na ang bahay namin kaya marupok na ang ang nangangalawang nitong yero.
"Kuya, alam mo ba may asin na daw sa Mars?" saad ko.
Ngumuso ka at tumingin sa langit na tinitingnan ko habang ako naman, nakatitig lang sa'yo. Ang gwapo mo talaga. Sa sobrang gwapo mo hindi ko alam kung may hihigit pa ba sa'yo sa mga mata ko.
Nakakapanglambot ang bawat mong ngiti. Nakapangilabot rin ang pagtitig ng iyong mga mata lalong lalo na ang mga labi mong kasing pula ng mansanas na kinain ko kanina.
"Talaga? Akala ko ba purong disyerto iyon? Paano naman magkaka asin doon?"
"Hindi ko rin alam. Pero iyon ang sinabi ng mga scientist."
"Naniwala ka naman." pang aasar n'ya.
Tumawa s'ya at kinurot ang kaliwa kong pisngi kaya naman iniripan ko s'ya at nagkunwaring na asar ako sa ginawa n'ya.
Sa totoo lang gustong gusto ko lahat ng pang aasar mo at halos lahat ng ginagawa mo ay gustong gusto ko. Nakakatuwa man iyon o nakakainis.
"Kung totoong habitable ang Mars, magbabakasyon ako roon kahit one month lang." saad ko.
"Bakit naman one month lang?"
"Kasi nandito ang family ko, ang friends ko, si Buttercup..." wika ko habang minumwestra ang mga iyon gamit ang aking daliri.
"At ako?" sabi n'ya sabay tawa.
"Duh. Feelingero ka talaga." sagot ko kahit totoo namang s'ya ang dahilan kung bakit ayaw kong magtagal roon.
Hindi ko kayang hindi ka nakikita o nakakausap man lang. Pakiramdam ko, ang isang linggong malayo ka ay isang napakalaking pasakit para sa akin.
Kinuha n'ya ang kanyang cellphone sa bulsa at nagscroll sa message na kanyang natanggap. Nakangiti s'ya habang tinitipa n'ya ang keypad at sa kislap pa lang ng kanyang mga mata alam kong magkausap na naman sila.
"Kung habitable ang Mars, isasama ko si Karissa."
Bumaba ang aking tingin sa bubong ng bahay nila na kaharap lang ng sa amin.
Ilang hakbang lang ang layo mo sa akin at halos araw araw naman tayong magkasama pero sa totoo lang, we are seven light years apart from each other.
Dahil kay Karissa. Ang babaeng ilang taon mong pinangarap kasabay ng pangangarap ko sa iyo.
"Alam ko." nagpeke ako ng ngiti para magkunwaring masaya ako para sa kanya ngunit ang katotohanan ay parang binibiyak ang puso ko noong malaman kong sila na.
"Pero kapag pumunta kami doon, hindi na kami babalik dito. Doon kami magpapakasal, doon kami bubuo ng pamilya at doon na rin kami tatanda." wika n'ya na mas nakapagpabigat ng puso ko.
Parang gusto kong umiyak sa mga sinabi n'ya pero dahil nasanay na ako sa mga naririnig ko ay nagawa ko iyong pigilan.
Dahil magkapitbahay kami, nasanay na akong tinotorture ang sarili ko habang pinagmamasdan s'yang dinadala si Karissa sa bahay nila. Ang tawag ko pa nga sa kanya "Ate". Pero s'yempre sinasabi ko lang iyon kapag may ibang nakakarinig.
Hindi ko kayang tawaging Ate ang isang taong itinuturing kong karibal. Kung hindi lang siguro ako nasanay na tawagin s'yang kuya, baka noon palang tinawag ko na s'ya sa totoo n'yang pangalan. Ace.
"Ganon ba. Eh di good luck sa mga anak n'yong alien." sarkastiko kong saad.
Naningkit ang mga mata n'ya pagkatapos ay kiniliti ako ng makailang ulit.
"Anong alien!? Anong alien ha!?"
"Syempre taga Mars kayo. Ibang planeta na iyon sa Earth. So, technically mga alien kayong mag anak!"
Tumawa s'ya sa sinabi ko pero hindi parin tumigil sa pangingiliti.
Ilang sandali pa'y narinig kong bumukas ang switch ng ilaw sa kusina at ang galit na boses ni Mama.
"May tao ba d'yan sa bubong? Jenny, nandyan ka ba?"
Itinapat ko ang aking index finger sa bibig ko para utusan s'yang tumahimik. Ngumisi lang s'ya sa akin pero hindi n'ya sinunod ang utos ko.
"Wala po!" sigaw n'ya.
Pinagtaasan n'ya ako ng kilay saka tumayo at mabilis na humakbang papasok ng aking bintana. Dahil sa'yo nabuking na naman ako. Lagot na naman ako kay Mama bukas.
"Ang tigas talaga ng ulo mo, Jenny Rose!" wika ni Mama. Napaface palm na lang ako dahil alam ko nang magtutuos kami bukas ng umaga. "Kapag ikaw nahulog d'yan mas lalo kang makakatikim sa akin."
Ibang klase maglambing si Mama. Hindi s'ya sweet na ina pero alam kong palagi s'yang nag aalala sa akin kaya lang idinadaan n'ya ang mga paglalambing n'ya sa pagsigaw.
"Ace, anong oras na? Umuwi ka na." pahabol pa n'ya.
Imbis na umuwi ka sa bahay n'yo ay malamya kang humiga sa kama ko. Noon, sanay akong katabi kang matulog. Pero s'yempre ibang usapan na ngayon. May nararamdaman na ako sa'yo at hindi na normal kung hahayaan kitang tumabi sa akin.
"'Wag mong sabihing dito ka na naman matutulog." saad ko.
Umupo ako sa kama at tinanggal ang lastikong nakatali sa aking buhok.
"Dito na ako. Tinatamad akong umuwi." saad n'ya na kung umasta ka parang ang layo layo ng bahay nila.
Nakita kong iminulat mo ang kanan mong mata kaya naman hinila kita para bumangon pero ayaw mong magpadala. Masyado kang mabigat kaya agad kitang binitawan kasi mahirap na, baka dumulas ang mga kamay ko at bumagsak ako sa ibabaw mo. Ganon kasi ang napapanood ko sa mga teleserye eh.
"Isa, dalawa, kapag hindi ka pa bumangon..." banta ko.
"Kakagatin mo ako? Eh di kagatan tayo." pinagkrus n'ya ang kanyang mga braso at nanunuya akong tiningnan.
Bumuntong hininga ako para pigilan ang nagbabadyang pamumula ng aking pisngi.
Gosh, Kuya Ace. Hindi na ako bata. Tigilan mo ako sa kapilyuhan mo.
"Alis na... Get out." sinubukan kong hilahin s'yang muli pero hindi s'ya talaga nagpadala.
Bakit mo ba kasi ako pinapapahirapan? Bakit mo ba kasi hinahayaang mas mapalapit ako sa iyo kahit hindi naman dapat? Kahit hindi naman tama.
"Gusto ko kitang katabi. Eto naman naglalambing lang." pagmamaktol n'ya.
Napangiti ako sa sinabi n'ya at dahil doon ay sumuko na rin ako. Anyway, gusto ko rin naman. Inayos ko ang aking unan at dahan dahang humiga sa kanyang tabi.
"Okay fine... Good night."
Pumikit ako para magpanggap na tutulog na rin kahit pa alam kong hindi agad ako makakatulog dahil nandyan s'ya sa tabi ko. Mabuti pa s'ya nakakatulog nang mahimbing samantalang ako hindi mapakali. Kung ano anong pumamasok sa isip ko at naghahalo ang saya at lungkot sa puso ko. Palagi n'ya na lang akong binibigyan ng mixed emotions. Masaya ako kasi palagi ko s'yang kasama pero kahit ako ang kasama n'ya I know he is thinking about someone else.
Nakapikit ka kaya naman ilang segundo pa kitang muling pinagmasdan. Hindi ko tuloy maiwasan isipin ang mga posibilidad kung sakaling hindi naging ganito ang turingan natin.
Paano kaya kung hindi tayo magkapitbahay? Paano kaya kung hindi tayo naging magkalaro at masyadong napalapit sa isa't isa.
May posibilidad kayang mapansin mo ako at magustuhan?
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...