Hindi natuloy ang jogging sa field kaninang umaga dahil sa malakas na ulan. Mabuti na rin iyon dahil kahit wala na akong hang over medyo wala parin ako sa mood magexercise. Pagpasok ko ng first period namin, sinalubong agad ako ng mga kaibigan ko dahil sa bigla ko na lang hindi pagpapakita kahapon.
"Uy, friend, sorry ha. Hindi namin alam." salubong ni Kai.
Yumakap s'ya sa akin saka umupo sa arm chair katabi noong upuan ko.
"Nahimatay ka raw?" wika naman ni Mary Loise.
"Hindi naman. Natumba lang ako." sagot ko.
"Sabi nila Misha binuhat ka raw ni Sir Raymond my loves? Is it true?" eksaheradang tanong ni Kai sa akin.
Ngumuso ako at inilapag ang aking libro sa arm rest. Hindi naman issue iyon para sa akin pero nang marinig ko ang pangalan ni Sir ay bigla nalang nakiliti ang tenga ko.
"Oo. Hindi kasi ako makalakad dahil halos hindi ko maramdaman ang mga tuhod ko. Muntikan pa nga akong masuka eh."
"Awww. I'm so jealous. Anong feeling? Masarap bang tumambay sa biceps n'ya? Matigas ba iyong chest n'ya?" ani Kai.
Umirap ako at pinagtaasan s'ya ng kilay.
"Paano ko naman mararamdaman eh namanhid na nga ako?" wika ko.
Sinimangutan n'ya ako na tila nanghihinayang sa isang premyong dapat ay natanggap ko. Hindi ko naman talaga naramdaman ang katawan n'ya nang buhatin n'ya ako sa clinic. Ang tanging natatandaan ko lang ay iyong paglapat ng palad n'ya sa aking noo nang hawakan n'ya ang ulo ko.
"Ang hina mo naman... kung ako ang nasa kalagayan mo maghihimatay himatayan pa ako. Tapos kapag yakap n'ya na ko, aamuyin ko iyong polo n'ya at lalagyan ko ng kissmark!"
"Ang landi mo. Atsaka... kilala mo naman iyang si Jenny. Masyadong conservative. Kay Ace nga hindi makachansing kay Sir Raymond pa kaya." wika ni Mary Lu.
Dumating na si Sir Mandigma sa classroom bago pa man tumunog ang bell kaya naman pumunta na sila sa kani kanilang upuan. Nagturo lamang s'ya ng konti tungkol sa mga Tayutay (figures of speech) saka pinakuha n'ya kami ng one half lengthwise na yellow pad para sa isang short quiz.
Habang nakikinig ako sa mga dinidikta n'yang tanong, napasulyap ako sa bintana. Naroon si Sir Raymond sa labas at hinihintay matapos magklase ang professor sa kabilang classroom.
Simple lamang ang suot n'ya, kulay black na long sleeves na nakatupi sa kanyang siko. Well tailored rin ang kulay gray n'yang slacks at mas lalong nakadagdag sa kanyang porma ang kulay silver n'yang relo.
"Number six, "Ang pagtutulad o simile ay ang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao o pangyayari"." wika ni Sir Mandigma.
"Number seven, ang pangungusap na "Ang kanyang puso ay bato" ay isang halimbawa ng pagwawangis o metapora."
Hinatid n'ya ako sa kanto malapit sa bahay namin kagabi. Marami kaming napagkuwentuhan tungkol sa iba't ibang bagay at may mangilan ngilan rin namang medyo personal pero s'yempre minus the lovelife part. I dropped the po and the opo pero hindi ko talaga kayang tawagin s'yang Raymond. Hindi ako sanay.
"Pass your papers..." saad ni Sir Mandigma.
Nanlaki ang mga mata ko saka napatingin sa papel ko. Hindi ko namalayang tatlong tanong ang hindi ko nasagutan dahil lang sa maikling panahong pagsulyap ko sa kanya.
"Tama... Mali... Mali..." bulong ni Mary Lu habang nakatingin sa kawalan.
Mabilis na isinulat ko ang tatlong huling kulang kong sagot sa papel saka ipinasa iyon sa kaklase kong nakaupo sa unahan ko.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...