Pinahid ko ang aking pawis gamit ang kulay pink kong bench and bath. Huling araw na ng practice namin para sa game kaya naman sinulit na namin ang araw na ito para sa aming pag eensayo.
"Wala ba tayong naiwan? Baka mapagalitan na naman tayo ni Ms Janice. Last time naiwala natin 'yung isang bola." ani Mich.
Lumingon lingon ako sa sahig saka binilang ang mga bolang kinuha namin dito sa equipment room. Lima kasi ang pinahihiram kada team pero dahil sa sobrang daming nagpapractice sa gym ay hindi maiiwasang mamisplace ang mga iyon sa kabilang court.
"Kumpleto naman. Kailangan nga lang nating dagdagan ng hangin." saad ko.
"'Hindi na... Sabi ni Ma'am Janice bahala na raw ang mga maintenance."
Lumabas kami ng Equipment Room para bumalik sa kani kaniya naming classroom. Mabilis kong inayos ang mga gamit ko sa aking bag. Kailangan ko kasing magmadali dahil mamamalengke pa ako ng mga pagkaing ihahanda ko sa pagdating ni Papa bukas. Hindi pa naman ako pwedeng gabihin dahil baka mahalata ako ni Mama. Alam n'ya kasi ang schedule ko.
"Guys, hindi ako makakasabay pag uwi. May bibilhin pa ako." wika ko kina Kai at Mary Loise.
"No problem... May date kami ni Japs ngayon. Ikaw, Kai?"
Sumulyap ako kay Kai na tila wala sa kanyang sarili. Nakatingin lang s'ya sa tapat ng bintana at tila hindi kami naririnig.
"Oy, may nakikita ka bang hindi namin nakikita? Sabi ko hindi makakasabay si Jenny kasi mamamalengke pa s'ya. Ako naman may date." pag uulit ni Mary Lu.
Mabilis na lumingon si Kai saka inayos na rin ang gamit n'ya. Mukhang nabangag ata ang isang ito sa paggawa ng term paper.
"Okay lang. Sasabay na lang ako kina Queenie at Patrick." aniya.
"Jenny, oo nga pala... Iyong references sa term paper natin. Itext mo sa akin." Wika ni Mary Loise.
"Sige. Wait lang." kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa at agad na nagpanic nang madiskubreng wala ito doon.
"Hala, naiwan ko ata sa Equipment Room! Send ko na lang sa'yo mamaya. Mauna na ako baka mawala pa iyon..."
Nagtatakbo ako pababa ng hagdan saka mabilis na tumakbo sa Equipment Room. For sure nandito lang iyon dahil sa pagkaka-alala ko hawak ko lang iyon pagkalabas namin ng gym.
Lumuhod ako sa sahig saka kinapa kapa ang ilalim ng shelves pero hindi ko talaga makita. Sigurado ako na dito ko lang iyon posibleng naiwan dahil hawak ko lang phone ko kanina habang ibinabalik namin ang mga bola.
Ilang sandali pa, narinig ko ang pagtunog ng aking ringing tone kaya sinundan ko ang pinanggalingan ng tunog na iyon saka nadiskubreng nasa tabi lang pala ito ng mga shuttlecock.
"Hello, ma?" napabuntong hininga ako ng makita ko ang cellphone ko. Kinabahan ako 'don.
"Nasa bahay ka na ba!?" aniya sa tonong pasigaw.
Narinig ko ang boses ng mga kumare n'ya sa kabilang linya at ang malalakas nilang tawanan.
"Pauwi pa lang po, may tinatapos lang." saad ko.
"Ah ganoon ba? Anak, mamaya pa ako makakauwi baka gabihin ako! Birthday ngayon ni Mareng Judith kaya narito lahat ng kaibigan namin! Pagkauwi mo magsaing ka at wag kang magpapakagutom. Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo. Ingat ka pag uwi!"
Halos ilayo ko ang tenga ko sa aking cellphone dahil sa kakasigaw n'ya. Malamang nagvivideoke na naman sila ng mga amiga n'ya sa QC.
"Opo, ingat ka rin. 'Wag ka masyadong papagabi." bilin ko.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...