Kabanata 43

302 10 2
                                    

Mamayang gabi aalis ka na. Noon mo pa sinasabi sa akin na aalis ka pero iba parin talaga kapag totoo na. Hindi ko gusto na malapit ka sa akin dahil naibaling ko na ang atensyon ko kay Raymond pero hindi ko rin naman gusto na hindi ka na makita.

Ewan ko. Hindi ko maintindihan. Siguro masasanay rin ako dahil baka ito rin naman ang nararapat.

"Ibigay mo 'to kay Ace. Mamaya aalis na 'yun tapos may training ka. Hindi ka pwedeng sumama sa airport." wika ni Mama habang inaabot sa akin ang isang maliit na bag ng cornik.

"Okay po. Hindi ba kayo sasama?" tanong ko.

Naisip ko kasing baka hindi ako komportable kung mag uusap tayo na tayo lang dalawa.

"Nakapagbless na s'ya sa akin kanina. Hinahanap ka nga eh. Ikaw na lang at tatapusin ko pa ang labada ko." aniya saka sinenyasan akong umalis na.

Mabagal akong naglakad papunta sa bahay nila Kuya Ace. Parang ayaw akong paalisin ng mga paa ko pero narealize kong kailangan ko ring magpaalam.

Kapag umalis ka. Mas magiging malayo ka na. At mas magiging malaya at mas madali na rin sa aking mas mahalin siya.

"Kuya Ace." saad ko habang kumakatok sa kanyang kwarto.

Binuksan n'ya ang pintuan at ngumiti s'ya nang makita ako.

"Pasok ka."saad n'ya at sinenyasan akong umupo sa kama.

Bagong ligo s'ya noon at wala pang suot na t shirt kaya naman iniiwasan kong tumingin sa kanya. Gayunpaman, hindi pwedeng hindi ko s'ya tingnan dahil baka magtaka s'ya kung bakit ako naiilang.

"Pinabibigay ni Mama." saad ko.

"Salamat. Mamayang alas singko ang flight ko. Ihahatid ako nila Daddy kasama si Karissa. Gusto mong sumama?"

"May training ako eh. Sorry. Siguro sa pagsundo na lang." wika ko. "Pero matagal pa 'yun."

Ngumisi s'ya saka tumabi sa akin. Hay. Bakit ayaw pa n'yang magbihis? Bilis!

"Two years pa. Pero susubukan kong umuwi dito sa Christmas. Don't worry ipapadala ko na lang 'yung graduation gift mo. Kung gagraduate ka." pagbibiro n'ya.

Umirap ako at mahina s'yang hinampas sa dibdib.

"Gagraduate ako. Tapos papasa ako sa LET." mataray kong saad.

"Claim it. Kaya mo 'yan."

Malapad kang ngumiti sa akin saka inakbayan ako. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko hindi tama ito. Oo nga't wala kang gusto sa akin at unti unti na kitang nakakalimutan pero ayaw ito ni Raymond.

"Wala ka na bang naiwan? Baka may nakalimutan ka?"

Tumayo ako at pasimpleng tinanggal ang braso n'ya sa balikat ko. Pumunta ako malapit sa mga bagahe n'ya at kunwaring chine-check ito.

"Ikaw. Ikaw 'yung naiwan ko." pagbibiro n'ya. "Pero hindi kita makakalimutan."

Napalunok ako at sandaling natigilan bago ako nagpeke ng tawa. Ayaw kong tumingin sa kanya dahil baka hindi ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko.

"Dapat lang." tangi kong nasabi.

Naramdaman ko ang unti unti n'yang paglapit sa akin at maya maya pa'y ang mga bisig n'yang nakayakap na sa aking baywang.

"Mamimiss kita, bunso." wika n'ya.

Kinagat ko ang labi ko at bahagyang tumingala para pigilan ang sarili ko sa pag iyak.

Kahit sa sandaling aalis ka, binibigyan mo parin ako ng problema. Pinapasikip ko parin ang dibdib ko.

Yung sakit na, masakit pero tolerable. Kasi mahal na mahal ko na si Raymond. 'Yung yakap mong may epekto parin sa akin pero wala ng adrenaline dahil mas gusto ko na ang yakap n'ya.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon