Dalawang araw na akong pinag uusapan sa school. Bawat estudyanteng nakakakilala sa akin, natitigilan kapag dumaraan ako sa hallway at pagkatapos ay nagbubulungan.
Hindi ako pinapansin nila Diane at iyong iba pang mga kaibigan ni Kenneth sa Criminology Department. Naging ka-close ko sila at nakakalungkot man pero alam kong may ilan sa kanila ang naniwala sa chismis tungkol sakin.
Kahit ang mga prof ko at mga school staff ay obvious rin. Kinakausap nila ako pero ramdam ko na nagbago ang mga trato nila sa akin.
Sa kabila noon, hindi lang ang chismis ang masyado kong dinaramdam kundi ang galit sa amin ni Kai. Hindi n'ya kami kinakausap at tila nagiging invisible na kami sa kanya ni Mary Loise.
"May problema ba?" tanong ni Papa habang nag aalmusal.
"Wala po." pagsisinungaling ko.
Paano ko ipapaliwanag ang mga nangyari? Ayokong bigyan sila ng problema at ayokong madisappoint ko sila.
"Namimiss mo siguro si Ace ano?" tanong n'ya.
Tumingin lang ako kay Papa ngunit hindi ako nagreact. Hindi ko s'ya namimiss. Pero ayoko namang magpanggap na oo.
"Sayang kayong dalawa. Akala ko pa naman magiging kayo. May gusto pala s'yang iba eh." wika ni Papa.
"Daddy ko, para na silang magkapatid. Ang weird naman kung magiging sila ni Ace atsaka wala pa naman ata sa isip ni Jenny ang magkaboyfriend." sagot ni Mama.
Kinuha ko ang baso sa lamesa at saka uminom ng tubig. Wala nga talaga silang ideya. Kahit lumalabas ako ng madalas at minsan ginagabi, hindi nila iniisip na may boyfriend na ako dahil wala naman akong sinasabi.
"Ma, Pa, what if? What if, may boyfriend ako? Magagalit ba kayo sa akin?" tanong ko.
Ngumuso si Papa at naningkit ang kanyang mga mata. Wala naman masyadong facial expression si Mama.
"Wala kang boyfriend." sagot ni Papa.
"What if nga po, meron." saad ko.
Tumikhim si Papa saka marahang kinagatan ang kawak n'yang hotdog saka mabagal na ngumuya. Pasuspense.
"Haharap muna s'ya sa akin." serysoso n'yang saad. "Kailangan magpakita s'ya sa akin at patunayan na karapat dapat s'ya para sa'yo." aniya. "Pwede kang magkaboyfriend pero dapat magaling kang pumili, anak. Mahirap ang buhay ngayon. Magagalit ako sa'yo kung blentong 'yung lalaking napili mo. Hindi pwede yung mga tambay d'yan sa kanto. Gusto ko professional."
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang pagngiti ko. Professional si Raymond.
"Bakit, may ipapakilala ka na ba?" tanong ni Mama.
Humigop s'ya sa kanyang kape saka kinagatan ang hawak n'yang pandesal.
"Meron po." pag amin ko.
Nasamid si Mama kaya tumayo ako para ikuha s'ya ng tubig. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Papa na parang naiiyak.
"Mommy ko, ito na nga ang kinatatakutan natin. Mag aasawa na si Jenny." aniya habang pinapahid ang luha n'ya.
"Papa, hindi. Boyfriend pa lang naman." pag amo ko.
Sumimangot si Mama at saka umirap sa hangin.
"Sino? Sinong boyfriend mo!? Nasaan!?" tanong n'ya.
"N-nasa school po." sagot ko habang nakatungo. "Bukas n'yo po s'ya makikilala. Kung okay lang sa inyo pupunta s'ya dito para makausap kayo."
"Aba dapat lang! Hindi ko man lang alam na may nanliligaw tapos boyfriend na pala!" mataray na wika ni Mama.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...