Sinamahan ako nila Kai at Mary Loise sa salon para magpamanicure at pedicure. Bukas magpapakasal na kami ni Raymond kaya naman puro pampering na lang ang ginagawa sa akin ngayon. Hindi kasi ako payagan nina Tita Gia at Mama na tumulong sa mga last-minute preparations para sa kasal namin bukas.
"Hindi ko talaga ini-expect na magiging si Sir Topher at si Karissa. Seryoso ba sila!?" bulalas ni Kai habang nags-scroll sa kanyang newsfeed.
"Siguro. Kilala mo naman si Sir Toph, hindi 'yun basta basta nagpopost ng picture ng babae sa social media. Player 'yun eh." saad ni Mary Loise.
Ngumuso si Kai at naniningkit kaming tiningnan.
"Wait... Kung pupunta si Sir Topher sa kasal bukas posible kayang isama n'ya si Karissa? Tapos naroon din si Ace! Oh my gosh. Masisira ang araw n'yong mag asawa."
Kinabahan ako sa sinabi n'ya. What if bigla nga s'yang dumating?
"Hindi naman s'ya invited eh. Atsaka nagbabasa ka ba?" wika ni Mary Loise. "Nasa Malaysia sila ngayon. Twin Towers oh." aniya sabay turo sa picture.
Napabuntong hininga ako sa sinabi n'ya. Mabuti naman kung ganon. Kung seryoso nga sila sa isa't isa then wala na talaga akong problema dahil sumuko na si Karissa sa kanya.
"Maiba tayo, saan honeymoon n'yo?" tanong ni ML.
"Sa bahay nila." wila ko habang nakangisi.
"Ayaw n'yong mag out of town?" tanong ni Kai.
"Inaalok kami ng Daddy n'ya na sa rest house nila sa Cavite kami maghoneymoon pero tinanggihan namin."
"Sa bahay lang nila? Ang baduy n'yo naman..." angil ni Kai.
"Bakit, paano ba maging hindi baduy?" tanong ko.
"Dapat sa hotel kayo. Tapos habang nagshoshower s'ya magkalat ka ng mga petals ng rose sa sahig tapos sa paligid may mga kandila. Kung gusto mo reregaluhan kita ng lingerie para naman may thrill yung suot mo."
"Luh? Ang balak ko nga nakat-shirt at pajama lang ako eh."
Napaface palm si Kai saka dismayadong tumingin sa akin.
"Hay. Bahala ka nga." aniya. "Nga pala, kwento mo sa amin 'yung experience mo ha. Sabihin mo sa amin kung totoong masakit pag first time."
"Alin ang masakit? Yung ano?" tanong ko.
Kinurot ni ML ang tagiliran n'ya saka inirapan s'ya.
"Sus, kunwari hindi alam."
Nagtawanan kaming dalawa saka inasar si Kai. Kung hindi lang talaga s'ya manhid dapat alam n'yang matagal na naming napapansin ang mga ginagawa nila ni Trevor. Akala naman n'ya hindi namin malalaman na hindi na s'ya member ng Team V.
After the wedding, inihatid kami ng bridal car sa bahay namin para sa reception. Narito ang mga pinsan ko na taga Laguna at Batangas pati narin 'yung mga kamag anak nila Raymond sa Davao.
"Congratulations, ate Jen." bati ni Andrea habang iniaabot ang regalo n'ya.
Nasa Presidential table sila Tito Ed at Tita Marissa dahil kinuha namin silang ninong at ninang. Narito rin ang kambal kasama nina Andrea at Tita Dorie pero kulang sila dahil wala ka.
Bago kami umalis papuntang simbahan nakita kitang matamlay na nakasilip sa bintana. Sa totoo lang, nalulungkot ako kasi I want you to be here on this special day pero alam naman nating dalawa na hindi iyon magiging madali para sa atin.
Nalulungkot ako dahil masakit para sa akin ang kinahinatnan nating dalawa. I never saw this coming. Akala ko hanggang sa huli, magiging okay tayong dalawa pero what happened is just so heartbreaking. Hindi man naging tayo, gusto ko sanang matapos tayong okay at walang hinanakitan pero may mga bagay talaga sigurong hindi natin gusto pero nangyayari.

BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...