Kabanata 54

322 10 8
                                        

Nagyayaya si Tito Eddie na mag outing ang buong compound natin kaya naman wala akong magawa kundi sumama. Wala kasi akong dahilan para tumanggi at isa pa, ayokong mahalata nila na iniiwasan kita.

You really know how to play it safe. Hindi ka masyadong dumidikit sa akin lalo na kapag may nakatingin dahil alam mong magagalit ako. Mabuti na lang rin dahil masyado tayong madami sa isang cottage kaya hindi na nila napapansin na hindi tayo masyadong nag uusap.

"Wala ka ba talagang nakilala sa Qatar? Akala ko pa naman pag uwi mo may ipapakilala ka na sa amin." tanong ni Ate Aida, tita n'ya.

"Marami po akong nakilala pero wala akong nagustuhan." sagot ni Kuya Ace.

Tumayo s'ya at kumuha ng kutsilyo para ipaghiwa ng mangga ang malilikot n'yang kapatid. Naninibago talaga ako sa kanya. Parang dati naman hindi s'ya gaanong concern sa mga bata. Noon nga, tuwing nasa bahay nila ako at wala sina Tita, halos ako lang ang nag aalaga sa mga kapatid n'ya tapos s'ya pa-chill chill lang.

"Sino nga 'yung babae na lagi mong kasama noon? 'Yung maganda na mukhang anak mayaman." tanong ni Tita Dorie.

Nakita ko ang pagbabago sa hitsura n'ya at ni Tita Marissa kaya naman iniisip ko talaga kung ano ang issue nila kay Karissa at kung bakit nag away sila dati.

"Si Karissa ho." tipid n'yang sagot.

Tumango si Tita Dorie saka muling binaling ang tingin sa nilalaro n'yang candy crush. Matatapos na sana ang usapan pero biglang sumingit ang mama ko at nagtanong kay Tita Marissa.

"Hindi ba parang naikwento mo sa akin dati na bumili si Ace ng mamahaling singsing para kay Karissa? Nasaan na?" inosenteng tanong ni Mama.

"Ewan ko. Siguro nasa sanglaan." mapait na sagot n'ya.

Napatitig ako kay Kuya Ace habang iniisip kung ano ang iniisip n'ya. Kanina naman okay na okay lang s'ya pero nang mapag usapan ang ex n'ya bigla na lang s'yang nabanas. Bakit kaya talaga sila nagbreak?

"Gusto mo?" tanong n'ya nang mapansing nakatitig ako. Sumilay ang ngiti sa mga mata n'ya na parang nabuhayan ng loob nang mahuli akong pasimpleng nakatingin.

Umiling ako saka nag iwas ng tingin. Hay Jenny, pwede naman kasing magwonder habang nakatitig sa mga puno ng niyog. Nahuli ka tuloy!

"Kung kay Jenny mo na lang sana ibinigay." sabat ni Papa. Umupo s'ya sa tabi ni Kuya Ace saka kumuha ng hiniwang mangga sa tupperware.

"Kung alam ko lang pong gagaguhin ako dapat kay Jenny ko na nga lang ibinigay para hindi naman nasayang."

Nagtinginan sa aming dalawa sina Tita Dorie saka inasar kami. Tinatanong nila kung bakit kahit kailan ay hindi naging kami ni Kuya Ace gayong bagay naman daw kaming dalawa.

"Yern, si Ace namumula. Parang gusto rin." pagbibiro ni Ate Aida.

"Hindi pa naman huli ang lahat eh. Habang may buhay, may pag-asa. Ang Kuya Benjo mo nga at yung ex n'yang si Kathleen nagkabalikan pa after seven years. Akala ko nga wala na silang pag-asa pero next week ikakasal na."

"May boyfriend na si Jenny. Wala na tayong magagawa." wika ni Mama upang magsalita para sa akin. Nahalata n'ya kasing medyo naiilang na ako.

"Mag asawa nga naghihiwalay. Magshota pa kaya..." saad ni Tita Dorie na nakapaglaki ng ngiti n'ya.

Nagpanggap akong natatawa lang kahit deep inside naririmarim ako. Hindi ko ipagpapalit si Raymond para lang sa'yo dahil hindi mo deserve maging kapalit n'ya. Wala kasi s'yang katulad. Sa kanya ko naranasan ang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa'yo at alam kong hindi ko mararamdaman kahit na kailan.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon