Maaga kaming pinatawag sa practice ng Varsity dahil may match ulit kami two weeks from now.
Dahil sa bahay pa ako nagmula, nalate ako ng ten minutes kaya naman binigyan ako ng punishment ni coach na umikot ng ten laps sa buong field. Pagkatapos ng sampung ikot na iyon, nagkaroon kami ulit ng mock battle versus sa team ni Sir Topher.
"Good morning po, Ms. Janice." saad ko habang iniaabot sa kanya ang aking excuse form.
"Take your seat. Our activity for today is to make an essay about your insights about the President and the Philippine Government. Kailangan ko 'yan by eleven." wika n'ya.
One hour na akong late sa period naming ito kaya naman mayroon na lang akong thirty minutes para matapos ko ang essay. Mabilis kong kinuha ang yellow pad ko at ballpen sa bag at nagsimulang magsulat. Hindi ko na nagawa pang magdraft sa scratch paper dahil kulang na kulang na ako sa oras.
"Elaine, please be the one to collect the essays. Sa Freedom Hall mo ako puntahan. May symposium kami roon." aniya.
"Okay po, ma'am." sagot ni Elaine.
Lumabas na ng classroom si Ms. Janice para pumunta sa fourth floor. Nangangalahati pa lang ako sa yellow pad kaya naman nagcacram na ako. Ayoko namang magpasa ng essay na hindi tapos.
"Ang gulo n'yo! Fall in line. Gusto ni Ms. Janice alphabetical." mataray na saad ni Elaine habang kinokolekta ang mga papel.
Mas lalo akong nastress nang tumayo na s'ya sa unahan upang kunin ang mga papel namin.
"Andres, Joshua M."
Tumayo si Joshua at nakapamulsang naglakad sa harapan. S'ya ang hearthrob ng klase namin at ex rin s'ya ni Mary Loise nung first year.
"Antonio, Lucas J." ani Elaine.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga si Krystell at saka pumamewang. Isa kasi s'ya sa mga ayaw sa bago naming Class President.
"Ano ba 'yan parang grade one. Pwede namang ibigay na lang sabay sabay para s'ya na lang ang mag-arrange." mahina n'yang saad para hindi marinig ni Elaine.
"Balmes, Alliyah Mae C." aniya.
Lumapit si Patrick at inabot ang papel n'ya kahit hindi pa naman s'ya tinatawag. Kumunot ang noo ni Elaine at pinagtaasan s'ya ng kilay.
"Baltazar ka diba? Maghintay ka." mataray n'yang sabi.
Hindi sineryoso ni Patrick ang galit n'ya bagkus nagawa pa n'yang tumawa. Magkasunod lang si Alliyah at Patrick sa class record kaya naman kinuha rin naman n'ya ang papel after 0.9000 seconds.
"Bathan, Jenny Rose P." aniya saka inilahad ang kamay n'ya para abutin ang papel ko.
"Wait lang hindi pa ako tapos." natataranta kong sabi. "Isusunod ko na lang kay Ms. Janice."
"Hindi pwede. Biling bilin n'ya sa akin ako ang magbibigay. Akin na ang papel mo."
"Saglit lang. Kahit two sentences lang." saad ko habang ipinapadyak ang aking paa.
Mas lalo akong hindi makapag isip ng mga isusulat ko dahil sa kakamadali n'ya.
"Tss. Ang bagal."
Lumapit s'ya sa akin para hablutin ang papel ko pero hindi s'ya nagtagumpay. Humarang kasi si Kai at maigting na hinawakan ang braso n'ya.
"Bakit ba taeng tae ka? May remaining five minutes pa ah." mas mataray na saad ni Kai.
Masama n'yang tiningnan si Elaine kaya naman bahagya itong napaatras. Kung siga si Elaine mas siga naman si Kai kaya wala itong nagawa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...