Kabanata 25

408 13 2
                                    

The next morning, inabangan agad ako ng mga kaibigan ko na nakaupong naghihintay sa mga bakanteng upuan malapit sa permanent seat ko kapag time ng History.

Malapad na malapad ang ngiti ng mapang asar na mukha ni Kai samantalang seryoso lang ang mukha ni Mary Loise.

"Kumusta naman ang date mo?" tanong ni Krystell.

Ipinatong ko ang bag ko sa armrest saka umupo patalikod sa kanila.

"Ayun, tao pa rin." sagot ko.

"Nag enjoy ka ba? Anong ginawa n'yo? Nagholding hands ba kayo?" sunod sunod na tanong ni Kai.

"S'yempre hindi. Bakit ko naman hahawakan ang kamay 'nun?"

Ngumuso si Kai saka inilipat ang silya n'ya palapit sa akin.

"Pero okay naman ba s'ya? Papasa na ba?"

"Okay lang. Nagkwentuhan lang naman kami eh. Tsaka hindi naman kami masyadong nagtagal dahil gabi na. Wala s'yang ibang bukang bibig kundi baseball, beerpong, night life at tsaka kwento s'ya ng kwento tungkol kay Pablo Escobar na hindi ko naman alam kung sino."

"Tss." singhal ni Mary Loise.

"See? Safe naman pala ang kaibigan natin eh. Eto kasing si Mary Loise paranoid. Alam mo ba kung nakailang tawag s'ya sa akin kagabi para lang kulitin ako dahil baka raw kung anong ginagawa sa'yo ni Kenneth?" maarteng saad ni Kai.

"Ikaw, hindi ka ba nagworry sa akin?" tanong ko.

"Hindi. I know Kenneth will take good care of you kasi iyon ang promise n'ya sa akin."

Humarap si Kai kay Mary Loise at tinapik tapik ang balikat nito.

"Oh ayan... safe na safe ang kaibigan natin. Walang galos, still in good shape at virgin."

"Are you sure?" wika ni Krystell.

Natawa si Kai at Mary Lu sa tanong n'ya samantalang pumamewang naman ako habang pinipigil na mapatawa rin. I don't know if I should find it offending.

Nagpromise kasi kaming tatlo nung first year na dapat manatili kaming virgin hanggat hindi kami nag aasawa. Si Mary Loise ang leader ng aming grupo na s'yang gumawa ng promise na iyon.

"Joke lang." wika ni Krystell.

Nang tumunog na ang bell, bumalik na sila sa kani kanilang mga upuan. Dumating narin si Ms. Maricel na walang dalang laptop saka naupo sa unahan.

Napabuntong hininga na lang ako habang inilalabas ang yellow pad mula sa aking bag. No laptop day means magkakaroon na naman kami ng long quiz.

Ang good news, hindi ito surprise. Bad news, hindi ako nag aral. Hayst.

Siguro ito ang karma ko sa pagsisinungaling ko kay Mama at Papa na kina Mary Loise ako nagpunta kagabi para sa aming group study. Now I feel so guilty dahil bukod sa pagsisinungaling ko, naapektuhan din pati grades ko.

"Last five minutes..." saad ni Ms. Maricel habang nagrarounds sa buong classroom.

Tapos na ako sa first part ng exam pero wala pa akong sagot para sa essay.

Ang tanong kasi, paano ko raw ico-compare ang former japanese leader noong panahon ng Japanese occupation sa president natin today?

Masasagot ko sana ito kung nagbasa ako. Paano ba 'yan wala naman akong kilalang Japanese leader? Si Osei-san lang ang kilala kong Japanese!

"Okay pass your papers."

Wala akong choice kundi ipasa ang papel ko kahit wala akong sagot sa last part. Kailan kong pangatawanan ang consequences ng actions ko. Kasalanan ko.

"Ang dali ng quiz no. Common sense." saad ni Mary Loise pagkalabas namin ng classroom.

Madali lang naman talaga ang quiz kahit hindi ka magmemorize dahil multiple choice lang ang first part. Ang kailangan mo lang, stock knowledge. Kaso wala ako nun.

I regret.

"Hay... my inspiration. Okay lang kahit hindi na ako maglunch. Busog na ako." wika ni Kai.

"Kaya ka namamayat eh." sabat ni Patrick.

Agad akong napalingon sa lalaking pantasya n'ya. Naglalakad s'ya papalapit sa amin dala ang isang bola ng soccer na nakapagpalakas lalo ng dating n'ya.

"Kinawayan n'ya ako! My gosh I'm so kilig!" bulalas ni Kai.

Hindi ko alam kung assuming lang ako pero pakiramdam ko sa akin talaga s'ya nakatingin. Malapad ang mga ngiti n'ya sa akin at ramdam ko ang unti unting pag iinit ng magkabila kong pisngi habang mas papalapit ako sa kanya. Sa bawat paghakbang ko, feeling ko nagpapawis ang leeg ko at nagyayakapan ang mga arteries ko sa aking dibdib.

Dalawang hakbang...

Tatlong hakbang...

Apat na...

"Baby, kain tayo."

Natigilan ako sa paglalakad nang maramdaman ang braso n'yang nakapatong sa balikat ko. Hindi pa man ako lumilingon ay alam ko na kung sino s'ya dahil sa tiliang narinig ko kay Kai at kay Krystell. Sa gilid nakatayo si Karissa na nakangising pinapanood kami ng kapatid n'ya.

"Anong baby!? Babyhin mo ang mukha mo." matapang na saad ko.

Sinubukan kong tanggalin ang braso n'yang nakapatong sa balikat ko ngunit hindi s'ya pumayag. Sa huli, nakasalubong namin sa corridor si Sir Raymond na matamang nakatingin sa naglalambing n'yang kamay.

Kitang kita ko ang pilit na pagngiti n'ya sa aming dalawa nang mag apir pa sila mismo sa aking harapan.

"Enjoy your meal, Sir." ani Kai kay Sir Raymond.

Tumango lang si Sir Raymond sa kanya ngunit hindi na ito dumiretso sa canteeen ng school.

Umupo kami sa usual spot namin sa canteen. Nadagdagan pa nga kami ngayon dahil kasama narin namin sa upuan ang mga kaklaseng Criminology ni Kenneth na tila nagkakainteres kay Mary Loise.

"Hi, lil bro."

Nag angat ako ng tingin sa grupo ng mga babaeng nakapaligid sa amin.

Nasa gitna nila si Karissa na may hawak na tray na may lamang salad at pineapple juice. Sa akin nakapako ang mga tingin n'yang tila ine-eksamin kung nasisiyahan ba ako ngayong nakuha na n'ya ang gusto n'ya.

"Bakit?" tanong ni Kenneth habang nakataas ang kaliwang kilay sa kanyang kapatid.

"Wala naman. Gusto lang kitang batiin. And nagpapansin lang ako kasi hindi mo pa ako ini-introduce sa bago mong girlfriend."

Sinong girlfriend? Ako?

At bakit naman n'ya ako iintroduce sa'yo eh magkakilala na tayo? Haler.

"Soon to be girlfriend." sagot n'ya hindi lang para sa kapatid kundi pati narin sa mga taong halatang nakikinig.

Lumingon lingon ako habang umiiling para itanggi ang kini-claim n'ya ngunit parang hindi naman ako pinaniwalaan ng mga tao lalo na nung inilapat n'ya ang ilong n'ya gilid ng pisngi ko at ibinaba ang kamay n'ya sa baywang ko.

"How sweet. Nakakainggit!" wika ni Karissa bago s'ya dahan dahang umalis.

Mabilis kong tinampal ang kamay n'yang nakahawak sa akin ngunit hindi n'ya sineryoso ang pagtanggi ko.

Now, almost everyone is watching us.

Including Raymond.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon