Humarap ako sa salamin saka marahang sinuklay ang maalon kong buhok. Hinati ko ito sa gitna para lagyan ng isang color silver na clip na nakita ko sa drawer ni Mama. Pagkatapos, binuksan ko ang bagong BB Cream na binili ko sa department store at nang mailagay ko na ito sa aking mukha ay nilagyan ko naman ang aking labi ng kulay cherry kong lip balm.
This is not my usual routine. Sa totoo lang first time kong mag ayos ng ganito. Naisip ko lang na gusto ko ng bago. Nabasa ko kasi sa isang article na inoder to move on, you need to change your routine. Isang dahilan daw kasi kung bakit nahihirapang makalimot ang isang tao ay dahil nas-stuck s'ya sa isang habit. This must be true kasi simula pa lang ng umaga ko si Kuya Ace na agad ang naiisip ko at halos lahat ng ginagawa ko sa araw araw ay nakadepende sa mga bagay na gusto n'ya.
Hindi ako palaayos noon kasi sabi n'ya ang gusto n'ya sa isang babae ay iyong simple lang. Natuto akong mag enjoy panonood sa mga action films kasi mahilig s'ya 'don at pati narin ang pakikinig sa mga sentimental na kanta kasi sabi n'ya ganong mga klase ng kanta ang maganda.
Hindi naman ako late for school pero dahil nag ayos pa ako ay naunahan akong makarating sa school nila Kai at Mary Lu. Pagdaan ko sa corridor malapit sa classroom namin nakita ko agad si Sir Raymond na kalalabas lang ng faculty room. Nagkunwari akong hindi ko s'ya napansin gayunpaman binagalaan ko ang paglalakad para makasabay ko s'ya pero nabigo ako nang lampasan n'ya lamang ako gaya ng ibang estudyante.
"Kumusta? Nag enjoy ka ba sa rides? Or should I say... nag enjoy ka ba with Ace?" tanong ni Mary Loise.
Kumindat s'ya saka pasimpleng tumingin kay Sir Raymond na ngayon ay nasa unahan na ng classroom namin.
"Okay lang naman. Hindi katulad ng iniisip mo." saad ko.
Ngumuso s'ya saka kinagat ang dulo ng kanyang ballpen.
"Okay lang daw... pero sa hitsura mong 'yan parang hindi nangyari ang gusto mong mangyari. Dapat kasi sinunggaban mo agad." pabiro n'yang saad.
"Seryoso ka ba?" natatawa kong tanong kahit alam kong joke lang iyon. Bihira kasi magsalita si Mary Loise ng mga maselang salita. Sunggaban pala ha.
"Bakit hindi ka ata nagpost? Natatakot ka ba na magselos sa'yo si Ate Karissa? O baka naman pinagbawalan ka ni Ace." wika ni Kai sa tonong mapang asar.
"Nope. Hindi naman kasi namin first time pumunta doon kaya hindi na kami nagpicture." pagdadahilan ko.
Nagsimulang magdiscuss si Sir Raymond tungkol sa history ng basketball. Sinabi n'ya ring written ang exam namin sa finals at wala nang actual exam dahil binigyan n'ya nalang ng plus ten ang class namin tutal kami naman ang nagchampion sa basketball at volleyball.
"Napakaconsiderate n'ya. I love him na talaga." bulong ni Kai habang nag a-outline.
Ngumiti ako at nagkunwaring nag a-outline rin. Gusto ko sanang magsulat pero dahil ayokong may mamiss sa kahit anong sinasabi n'ya ay pinigilan ko ang sarili ko sa pagsusulat.
"Ms. Bathan, napag isipan mo na ba ang offer ko to join the varsity team?" tanong n'ya pagkaharap n'ya pagkatapos magsulat sa whiteboard.
Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko gayun narin sina Kai at Mary Lu na hindi ko pa nasasabihan tungkol sa offer na iyon.
"Opo, Sir. Sali ako. Abangan ko na lang po kung kelan ang try outs." sagot ko.
"No need. Napanood na nila kung paano ka maglaro. Sila na mismo ang nagsabi sa akin na i-recruit ka that's why I asked you to join yesterday. Agad agad."
Tumango ako sa sumilip sa papel ko. I can see from my periphery na nakatingin sa akin si Kai na tila naghihintay ng eksplanasyon.
"Nag usap kayo kahapon?"
"Yeah. Before I leave."
"Uhm. Akala ko naman naglilihim ka na sa akin. He's mine, Jen." aniya gamit ang naniningkit n'yang mga mata. Pabiro n'ya itong saad ngunit mukhang seryoso.
Napalunok ako sa kanyang sinabi bago s'ya sinagot. From now on, hindi na ako maglilihim sa kanya. I was wrong. Bakit ko ba itinago? Kung tutuusin it was not a big deal para hindi ko sabihin sa kanya at hindi ko rin naman pinapantasya si Sir para magkasala ako sa kanya.
"Don't worry he's all yours." saad ko sabay cross fingers.
Nanlaki ang mga mata ko nang gawin ko iyon. Why did I do that? Bakit unconsciously bigla ko na lang s'yang pinagdamot? He's not mine. I don't like him. I mean... Uhm. Well, I don't like him romantically? Pero I like him kasi he's smart, gentleman and kind pero hindi tulad ng iniisip n'yo. Okay?
Pagkatapos ng klase nagkahiwahiwalay rin agad kaming tatlo. Si Mary Lu kasi, maydate kasama si Japs at si Kai naman may voice lessons daw kaya sumama na s'ya palabas ng school kasama si Patrick.
Kinuha ko sa aking bag ang aking salamin para tingnan ang mukha ko sandali. Medyo nagsisisi na ako sa mga nilagay ko sa aking mukha. Medyo nababanas ako dahil ngayon lang ako naglagay ng ganito sa mukha ko. Hay, hindi na ito mauulit.
"Tama na 'yan, maganda ka na." wika ng boses ng taong nasa likuran ko.
"Sir..." medyo gulat kong saad.
Ngumiti s'ya sa akin saka napatingin sa eco bag kong dala na puno ng mga libro kong hiniram sa library.
"Di ba tapos na exams mo?"
"Opo. Para po ito kay Papa. Cookbooks. Gusto n'ya kasing magtayo ng maliit na restaurant sa tapat public market malapit sa amin."
Tumango s'ya saka lumapit sa pwesto ko para agawin sa akin ang mga librong dala ko. Nilagay n'ya iyon sa kanyang backseat saka binuksan naman ang front seat ng kanyang sasakyan para makapasok ako sa loob.
"Sabay na tayo..." anyaya n'ya.
Tila nagpalakpakan ang lungs ko sa imbitasyon n'yang iyon. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sumakay na rin.
"Salamat, Sir." wika ko.
"Walang anuman... basta ikaw." mahina n'yang saad pero sapat lang para marinig ko.
Hindi ako nagsalita sa halip seryoso lang akong tumingin sa unahan habang pinipigil ang pagngiti ko ngunit sa kabila ng pagpipigil ko ay kusa itong lumilitaw. Hindi naman siguro illegal kung mapangiti ako sa sinabi n'ya ngunit ayokong isipin n'yang iniisip ko na may ibang ibig sabihin ang mga pangungusap na iyon.
"Anong iniisip mo?" tanong n'ya habang nakatingin sa daan at nakangiti na rin.
"Wala naman po."
"Ano po....?"
"Wala..." saad ko habang medyo natatawa.
Nakalimutan kong wala na nga pala kami sa school. Bawal na ang po at opo. Hindi na rin Sir dahil Raymond na lang.
Tumawa s'ya saka bahagyang tumingin sa akin. Ilang segundo rin ang pagtitig na iyon kaya natagalan bago ko nagawang lumingon.
"By the way, you look... you look gorgeous. Today. I mean... maganda ka na talaga pero mas pansin ngayon." seryosong saad n'ya.
Napahawak ako sa seatbelt ko saka napasilip sa may salamin.
I know right. BB Cream is life!
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...