Kabanata 39

392 18 3
                                    

"Mary Lu, busy ka ba?" tanong ko.

Humila ako ng upuan sa gilid n'ya habang nag aaral s'ya isang araw nang maabutan ko s'ya sa library.

"Oo. Dalawa kasi ang report ko ngayong araw."

"May sasabihin lang sana ako. Sige, saka na lang kapag hindi ka busy." wika ko.

Seryoso s'yang nakatingin sa laptop n'ya habang kinokopya ang part ng report n'ya sa libro. Kumuha ako ng babasahin sa magazine stand malapit sa akin para aliwin ang aking sarili. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko kagabi. That was so un-Jenny.

"Ano ba 'yun? Magpapatulong ka ba sa report mo? Naiwan mo laptop mo?" aniya habang hindi tumitingin sa akin.

Isinara ko ang magazine saka sumulyap sa kanya bago sabihin ang dahilan ng paglapit ko. Hindi ko ata kayang solohin ang nararamdaman ko.

"Kami na." sabi ko sabay takip ng magazine sa mukha ko para hindi makita ang reaksyon n'ya.

Marahas n'yang tinanggal ang magazine na nakaharang sa mukha ko saka gulat akong tiningnan.

"R-really? Paano? Kailan pa?" aligaga n'yang tanong.

Lumingon lingon s'ya sa paligid saka inilapit ang mukha sa akin para makipagbulungan.

"Kagabi lang. Noong nasa bar kami."

"Hays. Lasing kayo? Nabigla ka kaya mo sinagot kaya ngayon lumalapit ka sa akin dahil hindi mo alam kung paano mo babawiin? Am I right?"

"Hindi ah. Hindi kami uminom. Nasa lucid interval ako noon."

Kinagat n'ya ang labi n'ya saka mabilis na sumulyap sa kanyang ginagawa para i-save muna iyon. Hindi ko ma-explain ang facial expression n'ya. Siguro'y hindi s'ya makapaniwalang magiging kami agad nang wala man lang pormal na ligawan.

"Sure ka ba? Hindi ka ba nabibigla lang?"

Tumango ako sa kanya. Sure ako.

"Oo, sure ako. Sure na sure."

"Mahal mo?"

"Oo." mabilis kong sabi.

"Gaano mo kamahal? Eh kasi two weeks ago mahal na mahal mo si Ace. Imposible namang kagabi bigla na lang nagshift lahat ng feelings mo papunta kay Sir."

"Mahal ko s'ya... Oo, 'yung love ko para kay Kuya Ace matagal na nakaimbak sa puso ko. Pero mahal ko rin naman si Sir."

"Pero mas mahal mo si Ace." seryoso n'yang saad.

Hindi agad ako nakasagot. Tulad ng palagi kong sinasabi, you cannot unlove someone so easily. Once you love somebody it's there. Hindi iyon mawawala basta basta. Pero mababawasan. Palagay ko, ganon iyon.

"Sa ngayon." saad ko.

"Gaano mo kahal si Sir?"

"Mahal." wika ko. "Nagsisimula pa lang kami, Mary Lu. Oo naman mahal ko s'ya. Hindi kasing tindi ng naramdaman ko para kay Kuya Ace pero mahal ko s'ya okay?"

"Okay." saad n'ya na tila napilitan lang.

"I'm not saying na wala akong tiwala sa feelings mo para sa kanya. Posible naman talagang magmahal ng dalawang tao ng sabay pero sana lang sigurado ka talaga. Love is a strong feeling. Hindi pwedeng medyo mahal mo lang. Hindi pwedeng mahal mo pero hindi ka sigurado."

Tumango ako sa sinabi n'ya. Palagi namang tama ang advice n'ya. S'ya kasi yung tipo ng taong hindi pinapairal ang puso pag nagmamahal dahil utak lang palagi.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon