Sabay kaming pumasok ni Mary Loise sa school para ibigay ang ang regalo namin kay Kai. Valentine's Day na kaya naman iba't iba ang aura ngayon ng bawat estudyante. May masaya, may ubod ng saya at may mga kunwari masaya lang kahit hindi.
Ito ang araw kung saan malalaman mo kung anong status ng mga taong makakasalubong mo. Nakagawian kasi ng school na magkaroon ng color coding corresponding sa bawat relationship status ng isang estudyante.
Lahat ng naka white, single. Sila 'yung mga kalimitang tumatambay lang sa loob ng classroom nila with their friends.
Red, para sa mga taong in a relationship. Sila 'yung grupo na may mga dalang lobo, bulaklak at teddy bear. They are everywhere.
Pink, para sa mga it's complicated. Sila 'yung mixture ng mga naka red at nakawhite.
Black naman para sa mga Brokenhearted. Well, they hate this day.
"Halos fifteen sa class natin ay absent. Nag usap usap ba ang mga iyon?"tanong ni Krystell na nakasuot ng crop top na white.
"Hindi na siguro sila pumasok dahil half day naman. Ayaw ko na nga sanang pumasok eh kaso pinilit ako ni Megan. Akala ata n'ya may surprise ako sa kanya." wika ni Lucas na naka kulay green kahit supposed to be dapat s'yang nakared.
Wait, ano namang meaning nung green? Abstain?
By the way, I'm wearing red today. Alam ko namang walang kukwestiyon sa akin dahil alam naman ng lahat na may boyfriend na ako. Kahit fake. Si Kenneth...
Si Kenneth na nakasuot ng kulay....
"Pink!?" bulalas ko nang makasalubong ko s'ya.
"Bakit ka nagpink!?"
Lumapit s'ya sa akin saka kinurot ang pisngi ko. Wala s'yang bigay na bulaklak o kahit ano. Though, hindi naman ako nagtatampo pero nagtataka lang ako.
"Bakit, bawal ba tayong mag away? Lahat ng relationships dumadaan sa ups and downs. Muntikan na nga akong magwhite eh."
Ngumiwi ako saka sumandal sa pader. Two hours na ang lumipas pero hindi parin dumadating si Kai. Papasok pa kaya s'ya?
"Ang dami mong alam... Magdedate ba kayo ni Pia?" tanong ko.
Umiling s'ya saka malamyang hinawi ang kanyang buhok. Sa tinagal tagal na n'yang sinusuyo si Pia kahit kailan wala akong nabalitaang nagkaroon sila ng progress. Kaya naman siguro it's complicated.
"Mayroon ba s'yang ibang gusto?" nalulungkot na tanong ko.
He's my friend at malaki ang nagagawa n'ya para sa akin kaya naman nalulungkot ako dahil hindi s'ya successful sa sarili n'yang lovelife.
"Parang wala naman. Ayaw n'ya lang talaga sa akin." mapait n'yang sabi.
Binuksan ko ang zipper ng aking bag para kunin ang regalo ko sa kanya. Hindi lang ito isang Valentine's gift kundi thank you gift na rin. He's just my fake boyfriend pero kahit hindi totoo ang mayroon kami ay ginagawa n'ya parin lahat ng responsibilities ng isang totoong kasintahan kaya naman I am grateful to him.
"'Wag ka nang ma-sad. Next to Raymond you're the best boyfriend every girl could ever have." saad ko habang inaabot sa kanya ang regalo.
"Sus? Maniwala sa'yo." aniya na medyo parang natotouch kahit ayaw ipahalata.
"Totoo. Atsaka hindi ka naman totally single eh. Hindi ba girlfriend mo ako kapag nasa school?" wika ko.
Sinsero s'yang ngumiti saka ginulo gulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomansaLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...