Kabanata 20

397 15 3
                                    

"Napag isipan mo na ba ang offer ko?" tanong ni Karissa isang araw habang nags-stretching ako sa field.

"Oo naman." I say.

"So... is it a yes?" pinagdaop n'ya ang kanyang mga palad at nagliliwanag ang kanyang mga mata habang nakangiti s'ya sa akin.

Nginitian ko naman s'ya pabalik.

"Ofcourse not." matigas kong saad.

Nag iba ang timpla ng kanyang mukha. Bakit naman n'ya naisip na papayag ako sa kalokohan n'ya?

"Why not? Ayaw mo bang magkabalikan kami ni Ace?" aniya na tila kinokonsenya ako na ako ang magiging dahilan kung bakit hindi magiging masaya ang lalaking iniwan n'ya.

"You just have to tell me why. Bakit ako? Bakit kailangan kong makipagdate sa kapatid mo?"

She rolled her eyes at me. Ilang sandali s'yang natigilan na tila nag iisip kung anong klaseng palusot ang ibibigay n'ya sa akin.

"Because I want you for my brother. Naisip ko lang na... you're a good girl at... magiging good influence ka sa brother ko."

"Tss. Ano nga?" naiinis kong saad. Oo, marytr ako pero hindi naman mahina ang ulo ko para maniwala sa mga sinasabi n'ya.

"Jen, that's the truth. And i promise you no harm. Subukan mo lang. Alam mo ba ang feeling na nakikita mo ang kapatid mong napapariwara? Please undestand."

"Sorry, wala kasi akong kapatid."

Tinalikuran ko s'ya saka kinuha ang towel ko at tumbler na nasa bench. Nacucurious tuloy ako sa kung ano man ang totoo n'yang dahilan. Bakit kailangan n'yang maging desperada at alukin ako ng walang kakwenta kwentang bagay?

Pagkatapos kong magpalit ng damit, dumiretso na ako sa classroom namin sa kabilang building. Ilang minuto pa bago ang time, nadatnan ko na agad roon si Ms. Janice na seryosong nakatitig sa kanyang laptop.

"Good morning ma'am." bati ko sa kanya.

Tipid s'yang ngumiti sa akin at hindi ako gaanong pinansin.

S'ya ang aming Department Chair at nagkataon rin namang professor rin sa isa naming major subject.

"Okay class. Before we start our lesson, let me first discuss to you the new set of laws, rules and regulations that are stated here in our student manual. This one is revised and matagal na rin iyong lumang version that is why our university president have decided to draft a new one. So, siguro... iyong iba sa inyo hindi na pamilyar o kaya naman nakalimutan na."

Nagsimula s'ya sa pagdiscuss sa mga rules regarding wearing of uniforms at hair color. Ang mga ito kasi ang isa sa mga least implemented policy ng school. Though, required na complete uniform ang mga estudyante at bawal ang magpa-dye ng buhok, marami paring nakakalusot at hindi sumusunod.

"I also want to remind you, my dear students, na ipinagbabawal ang pagsali mga fraternities and sororities inside or outside our university. Dapat alalahanin n'yo na kung ano man ang gawin n'yo sa loob at labas ng paaralang ito ay magrereflect sa school."

Ilang school policies pa ang nabanggit n'ya which I am proud na hindi ako guilty. I know I always follow the rules and regulations of our university ultimong No I.D No Entry. I do not vandalize, I wear proper uniform and I do not color my hair neither do I join sororities or gangs whatsoever.

"Guilty ako doon sa 'bawal ang vandalism'. Kainis kasi iyong mga babaeng haliparot sa CR eh. Replyan ko nga." bulong ni Krystell.

"Hayst. Okay fine. Pakulay ako ng itim mamaya. Gals, samahan n'yo ako sa salon." anyaya ni Mary Loise.

Tumango ako sa kanya at ganoon rin naman si Kai. Parang gusto ko kasing magpamanicure.

Madami sa mga kaklase ko ang nagreklamo dahil hindi naman inaasahan na starting next week magiging strikto na ang mga guards ng school. Wala na raw warning para sa mga violators dahil kahit the first offense ay mayroon nang penalty.

"Lastly, we do not allow student and teacher relationship. Ofcourse, that's basic. It is unethical for a teacher to court or to have a relationship with his or her student..."

"Oops. I'm guilty." wika ni Kai.

Nakita ko ang pasimpleng pagtingin ni Ms. Janice sa direksyon ko habang sinasabi n'ya ang patakarang iyon. I dont know if she's referring to me or what pero pakiramdam parang medyo tinamaan ako. And I don't know why. Pero why should I? I'm not dating Sir Raymond.

"Alam mo naman siguro kung bakit." bulong ni Krystell habang nakataas ang kanyang kilay.

"May professor daw kasing nalilink sa isang varsity."

"Sino?" kabado kong tanong. Although hindi pa naman ako official na part ng varsity team pero natakot akong baka ako iyon.

"Kunwari ka pa... Si Sir Topher at si Ann. Hindi mo ba nahahalata?" bulong n'ya.

"Eh? Talaga? 'Yung varsity ng table tennis?" wika ko kasabay ang hilaw na ngiti.

Feeling ko nahulog sa malambot na unan ang puso ko. Nakaramdam ako ng relief na hindi ako iyong nachichismis ngunit ganoon paman ay ramdam ko parin ang makahulugang mga tingin ni Ms. Janice sa akin.

Pagkatapos ng mga paalala tungkol sa bagong student manual ay nagklase na rin s'ya. Ang topic namin ngayon ay about sa principles of teaching at hindi naman gaanong komplikado pero hindi ako masyadong makaconcentrate. Hindi ko masyadong dinibdib ang mga paalala about student-teacher relationship dahil wala naman talaga kaming something ni Raymond kaya lang hindi parin mawala sa isip ko. Paano kung binibigyan n'yang kahulugan ang closeness namin at mabanggit n'ya sa iba ko pang prof? Nakakahiya.

"Excuse me po... Nandito po ba si Jenny Rose Bathan, Educ student?" tanong ng isang lalaking criminology student na nasa tapat ng pintuan.

Pinagtaasan s'ya ng kilay ni Ms. Janice saka bahagyang hinarap s'ya.

"Bakit? Anong kailangan n'yo kay Jenny?" medyo mataray n'yang sabi. May mga kasama kasing iba pang kaklase ang lalaking iyon at nagtutulakan sila sa harap ng classroom namin kaya naman masama ang tingin sa kanila ni Ms. Janice.

"May ibibigay lang po." wika ng estudyanteng may piercings sa labi. "From Criminology Department... with love." aniya dahilan para maghiyawan ang mga kasama n'ya at mga kaklase ko.

Lumapit si Ms. Janice at inabot naman sa kanya noong lalaki ang isang bouquet ng bulaklak. Binuklat n'ya ang card na nakalagay dito at nakita ko ang pagkagulat n'ya nang mabasa kung sino ang nagbigay noon sa akin.

"Tell Mr. Ocampo that he should be the one bringing these flowers. 'Wag s'yang utos ng utos sa iba. At pakisabi saka nalang magpadala ng bulaklak kapag uwian na. May professor pa kasi dito sa unahan." wika ni Ms. Janice.

Nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko saka nagbulong bulungan. Isa isa rin namang umalis ang mga lalaking nagdeliver sa akin ng bulaklak.

"Sinong Ocampo iyon? Si Julius o si Kenneth?" tanong ni Patrick na tila hindi makapaniwalang may magbibigay sa akin ng bulaklak.

"Okay... tama na ang commercial. Keep quiet and mind your own lovelife." saad ni Ms. Janice.

Nakita ko ang pagbuntong hininga n'ya bago n'ya muling binuklat ang librong hawak n'ya kanina. I don't know if this is a good thing. Pakiramdam ko nakaligtas ako sa mga bagay na pwede n'yang isipin tungkol sa akin at kay Sir Raymond but gosh, of all the people why Kenneth Ocampo?

"Si Kenneth Ocampo nga ba? Baka naman si Karissa." bulong ni Mary Lu.

Napailing na lang ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko at kung anong iisipin ko sa ginagawa n'ya. Why is she making a scene? 

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon