Kabanata 59

464 21 18
                                    

Two weeks na nagstay si Raymond sa Thailand para sa tournament. Ilang beses ko s'yang sinubukang tawagan pero nabigo ako dahil wala s'yang tawag na sinagot.

After a few days, hindi na nagriring ang phone n'ya. Sinubukan kong macontact s'ya through messenger pero nakablock na ako sa kanyang Facebook. Hindi ko alam kung ano ang balita sa kanya dahil hindi ko na rin s'ya masearch gamit ang fb ni Mama kaya palagay ko nagdeactivate na s'ya.

"Jenny..." wika ni Kuya Ace pagkalabas ko ng gate.

Hindi kita pinansin dahil ayokong makausap ka. Alam ko na rin naman ang sasabihin mo. Magsorry ka pero wala iyong kwenta dahil nagulo mo na ang lahat. Nasira na natin ang lahat lahat.

"Jenny Rose, tingnan mo ako. Mag usap tayo."

Hinawakan n'ya ang aking braso kaya naman agad akong nangilabot. Naaasiwa ako sa balat n'ya dahil kapag naaalala ko ang pakiramdam n'ya, mas lalo akong nasasaktan.

Humarap ako sa kanya saka sinampal s'ya sa kaliwa n'yang pisngi. Napahawak s'ya sa pinsgi n'yang napaglapatan ko ng kamay saka gulat na tumingin sa akin.

"Bakit ka pa bumalik?" tanong ko.

Mapait akong tumingin sa kanya habang s'ya naman ay tila naestatwa dahil sa pagkakasampal ko. Muli na namang nakaramdam ng guilt ang puso ko nang mapagbuhatan ko s'ya ng kamay. Gayunpaman, ayoko nang maawa. Kasi tuwing nakararamdam ako ng simpatya sa kanya, marami akong nakakalimutan.

"Bakit kailangan mo pang bumalik at guluhin ang lahat!?"

Tumungo s'ya saka umiling sa akin. Alam kong nasasaktan rin s'ya pero mas nasasaktan ako.

"Kuya Ace, okay na ako. Nakalimutan na nga kita eh. Masaya na ako sa buhay ko, sa kanya, masaya naman kaming dalawa. Pero bumalik ka kaya nasira mo ang lahat!" sigaw ko.

"Hindi ko intensyong sirain kayo. Hindi iyon ang gusto kong mangyari."

Humakbang s'ya papalapit sa akin para mahawakan ako pero agad akong lumayo. Nang makita n'yang tumutulo ang luha ko ay tumingala s'ya saka mahinang bumuntong hininga.

"Gusto lang kitang mahalin, Jen. Mali ba iyon?" matama n'yang saad.

"Mali." wika ko.

Galit akong tumingin sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko. Kapag nakikita ko s'ya mas lalong hindi mabura sa isip ko ang mga nangyari noong gabing iyon.

"Mali... maling mali."

"Kung ganon I don't want to be right." sagot n'ya kaya sinampal ko s'ya uli.

"Gago ka pala eh." utas ko.

Pinahid ko ang mga luha sa mata ko at galit na tumingin sa kanya. Nakikita kong hindi n'ya pinagsisihang nagkahiwalay kami pero nalulungkot s'ya dahil nasasaktan ako.

"Simula nang mahalin kita palagi nalang masakit. Lahat kaya kong gawin para sa'yo. Pagdating sa'yo palagi nalang akong mahina. Bakit mo ba ako pinapahirapan?"

Tinitigan ko s'ya at hinayaan akong panuorin n'ya ako habang nalulunod ako sa sarili kong mga luha. Masakit kasi talaga. Masakit kasi alam kong kasalanan ko rin at hindi ko alam kung paano ko aayusin.

"Pero dahil kay Raymond, sumaya ako. Nawala lahat ng lungkot ko at minahal n'ya ako higit pa sa paraang gusto ko. Kuya Ace, kahit kailan hindi mo iyon kayang tapatan."

Tumango s'ya at mariing pumikit. I know you don't want to hear it.

"Anong bang mayroon sa Raymond na 'yan? Lahat nalang ng minahal ko sa kanya nababaliw."

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon