Kabanata 37

364 11 10
                                    

"Bakit ka nakangiti?" tanong ko.

Sumulyap s'ya sa akin sa muling ibinalik ang mukha n'ya sa pagiging seryoso.

"What?" tanong n'ya.

"Bakit ka nakangiti kanina? Akala ko ba nagseselos ka? "

Kinagat n'ya ang kanyang lower lip saka binagalan ang patakbo ng kanyang sasakyan.

"I'm not." aniya.

Muling sumilay ang ngiti sa kanyang mukha kaya naman feeling ko pinagtitripan n'ya ako.

"Weh? Eh bakit nga? Imposible namang dahil wala lang. May nakakatawa ba? Niloloko mo ata ako eh." pagtataray ko.

"I'm just happy. Nakakatuwa lang na nagpapaliwanag ka kahit hindi naman kailangan. Kasi... hindi pa tayo."

Umawang ang bibig ko sa sinabi n'ya. Oo nga ano? Bakit ba ako nagpapaliwanag eh hindi ko naman obligasyong gawin iyon? Hindi naman kami committed sa isa't isa.

"And please don't ask me again kung niloloko kita. I will never ever do that you. Remember that."

Parang may kung anong humipo sa puso ko nang sabihin n'ya iyon. Lahat ng bagay na sinasabi, pinakikita at pinararamdam n'ya ay bago lahat sa akin. Hindi ko pa ito naririnig sa kahit na sinong lalaki. Nakakapanood naman ako ng mga telenobela at kinikilig ako sa mga eksena pero hindi ko akalaing ganito pala ang pakiramdam kapag sa iyo na nangyayari.

"I'm sorry I'm not good with signals. First time 'to. Like I said, wala pa akong nagiging boyfriend kaya slow ako pagdating sa mga ganitong bagay..." nahihiya kong saad.

"I understand." saad n'ya habang nakatingin sa akin.

Ngumuso ako saka mahinang bumuntong hininga.

"Hey, it's okay." aniya habang hinahaplos ang maagkabila kong pisngi.

Nagpark s'ya sa tapat ng isang restaurant ngunit hindi n'ya tinanggal ang kanyang seatbelt. Tumingin s'ya sa akin at matama akong tiningan.

"C-can I... can I hold your hand?" tanong n'ya.

Tumingin ako sa mga mata n'ya at tumango para sabihing okay lang.

Ako mismo ang humawak sa kamay n'ya saka marahang hinaplos ito. Gusto ko nang kalimutan si Kuya Ace at hindi ko magagawa iyon kung palagi akong naghohold back. Gusto ko si Raymond at palagi s'yang nariyan para sa akin kaya naman I want to give him a chance.

Pinagbuksan n'ya ako ng pintuan ng sasakyan saka muling pinagsalikop ang aming mga daliri. This restaurant is just located in Alabang. Hindi kalayuan sa amin at hindi rin naman malapit. I know chances are still high na mayroon kaming kakilala na baka makakita sa amin gayunpaman my fear about them catching us is not high at the moment.

Hindi ako lumingon sa paligid at nagoverthink kung mayroon bang nakatingin basta hawak ko ang kamay n'ya. Wala na muna akong pakialam sa iba.

Umupo kami sa isang table malapit sa bintana. Not our usual spot. Maliwanag ang ilaw mula sa chandelier kaya naman alam kong expose na expose kami ngayon.

"Anong gusto mong kainin?" tanong n'ya habang nakatingin sa menu.

Pinasadahan ko ng tingin ang palapiliang hawak ko. Isa itong European restaurant at masyadong maraming pagpipilian kaya naman hindi ko alam kung ano bang bet ko.

"Isang order ng Lasagna atsaka Yorkshire pudding." sabi ko sa waiter.

Isinulat naman ng waiter ang order ko sa kanyang notepad saka muling tumingin sa akin.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon