Kabanata 22

361 15 3
                                    

Nagjojogging ako sa field nang matanawan ng mga mata ko si Kenneth na naglalakad malapit sa clinic area. At first nagdadalawang isip akong kausapin s'ya dahil nahihiya ako pero nang mapansin kong mag isa lang naman s'ya ay nilakasan ko na ang loob ko.

"Kenneth... hello." medyo nahihiya kong saad.

Walang emosyon s'yang tumingin sa akin saka tinanggal ang earphones n'ya.

"Hi... Jenny, right?" tanong n'ya na tila hindi sigurado.

Gosh, hindi mo 'yan tinatanong sa babaeng 'nililigawan' mo.

Hilaw akong ngumiti at ilang beses na tumango sa kanya.

"Ahm... C-can I talk to you for a sec?"

"We're talking."

Napalunok ako saka bahagyang napakamot sa aking leeg. Ano ba 'yan. Ang cold naman netong kausap.

Umupo s'ya sa bench malapit sa amin pagkatapos ay inilagay ang iPhone n'ya sa kanyang bulsa.

"Ano kasi... kahapon may nagpadala ng flowers sa classroom namin. For me. Tapos may pangalan mo dun sa card. At kaninang umaga may rose na iniwan sa tapat ng locker ko. Galing daw sa'yo. Itatanong ko lang kung aware ka. So... ayun. Alam mo ba?"

Makahulugan s'yang ngumisi na tila nag eenjoy sa pagiging tense ko.

"Ofcourse. I bought that. For you." walang emosyon n'yang saad.

Ang sweet ha.

"So bakit? You don't like me, do you?" tanong ko ngunit hindi s'ya nagsalita.

Kinuha n'ya ang yosing nasa gilid ng kanyang tenga saka sinindihan ito at nagpabuga ng usok sa gilid ko. Hay. Kapatid ka nga ni Karissa. Insensitive ka.

"I see. You don't." saad ko.

Tinanggal n'yang ang yosi sa kanyang bibig at mahinang tumawa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa 'dun pero sa kabila noon ay hindi naman ako nainis. So what hindi rin naman kita type.

"Okay. I'll be direct to the point. Alam kong ginawa mo lang 'yun dahil sa ate mo. Gusto n'yang magdate tayo. Pero bakit? You don't like me. So why court me?"

"Not yet courting you." aniya.

Umawang ang bibig ko para magbitaw ng salita pero muli kong tinikom nang magsalita s'ya.

"It's just a bouquet. Hindi ako ganon manligaw. Wait until I ask you out."

"I am not your type."

"I know. Mataas standards ko." aniya saka muling nagbuga ng hangin. Malakas ang loob n'yang manigarilyo sa loob ng campus at wala s'yang pakialam kahit maraming nakatingin.

"Itigil mo nga 'yan... Baka makita ka ng Prefect madamay pa ako."

"I don't care." aniya.

Umirap ako saka umupo sa gilid n'ya. Tinanggal ko ang sigarilyong nasa pagitan ng mga daliri n'ya at inihagis ito sa damuhan.

"Pwes ako kasi mayroong pake."

Tumaas ang kilay n'ya at tila nasurpresa sa ginawa ko.

"See. That's the reason why my sister wants me to date you. Nangingialam ka."

"Is that the sole reason? Gusto n'ya ako sa'yo para magbait ka?"

"I don't know. Ano pa bang dahilan sa tingin mo?"

"Ewan ko sa inyong magkapatid. Ang labo n'yo. Kung naghahanap kayo ng mapagtitripan 'wag ako. 'Wag ka na ring magpadala ulit ng bulaklak dahil hindi naman ako mahilig. Thanks."

Mabilis akong naglakad palayo sa kanya at bumalik na sa pagjojogging. So iyon lang dahilan? Para magpakabait s'ya? Talaga lang ha. Hindi parin ako convinced.

"LQ?" tanong ni Krystell.

"Anong LQ?" saad ko habang nakasimangot.

"Kayo..." aniya sabay turo kay Kenneth na naroon parin sa bench.

"Anong kami? Hindi kami ano. Pinagtitripan lang ako n'yan." singhal ko pero mukhang hindi naman sila naniwala.

Bad idea ata ang pakikipag usap ko sa kanya dahil bukod sa mga malisyosang pang iintriga nina Krystell, pinagtitinginan na rin ako ng mga Criminology students nang magpunta ako sa canteen.

"Wow... famous na si ate girl." wika ni Mary Loise.

"Mga chismosa. Kung alam lang sana nila na gimmick lang 'yun ni Karissa."

"So, anong napag usapan n'yo? Bakit ka n'ya pinadalhan ng flowers." tanong ni Kai.

Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman kasi nakuha ang sagot na gusto ko.

"Nagsayang lang ako ng oras sa pakikipag usap sa kanya. 'Wala akong nakuhang matinong sagot." wika ko.

"Talaga?" wika ng isang panlalaking boses.

Pinanlakihan ako ng mata nina Kai at Mary Loise at sinensyasan akong tumingin sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Just want to give you these."

Ipinatong n'ya sa lamesa ang dalawang kahon ng pizza saka kinindatan ako. Nakakarimarim.

"Oh. You're so thoughful." wika ni Kai.

"Para saan naman 'to?"

"'Diba sabi mo ayaw mo ng bulaklak? Kaya eto. Baka gusto mo."

Tumabi s'ya sa upuan ko at binuksan ang kahon ng pizza para alukin ang mga kaibigan ko. Hindi naman nagpapilit pa si Kai na dalawang slice agad ng pizza ang kinuha.

"Kaya naman pala nakakamove on na. Nagkikita ba kayo outside school? Sabihin mo. Feeling ko kasi naglilihim sa amin itong si Jenny eh."

"Hindi pa. Siguro later? Kung free s'ya?" ani Kenneth habang nakatingin sa akin.

"Freeng free." wika ni Kai. Siniko naman s'ya ni Mary Loise saka may binulong sa kanyang tenga.

"Busy ako. Diba sabi ko naman sa'yo 'wag ako ang pagtripan mo?" mataray kong sabi.

"Chill. Sinong may sabing pinagtitripan kita. Told you, wait 'til I ask you out. Eto na nga oh, niyayaya na kita pero ayaw mo naman." aniya sa tonong namimilit.

"We don't like each other." wika ko.

Kumuha s'ya ng isang slice ng pizza sa kahon at itinapat ito sa bibig ko para subukang subuan ako.

"Sa ngayon." aniya.

Umirap ako saka kinuha ang pizza sa kamay n'ya para pakainin mag isa ang sarili ko. May kamay naman ako ano?

"Bawal ang PDA. Nakauniform pa kayo." wika ni Ms. Janice na nakapwesto sa isang lamesa malapit lang sa amin.

"Hindi po kami nagp-PDA ma'am." depensa ko.

"Oo kaya." sabat naman ng nakakalokang katabi ko.

Kanina lang tipid s'yang magsalita pero ngayon parang ang dami naman ata n'yang sinasabi. Bipolar.

Nabaling ang atensyon ko kay Sir Raymond nang pumwesto sila ni Sir Topher sa lamesa kung saan nakaupo si Ms. Janice.

Matama s'yang nakatingin sa akin na tila hindi inaasahang katabi ko ang mokong na ito. Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi n'ya ako nginitian pabalik. Pero he waved back at Kai. Eh di wow.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon