Kabanata 2

592 21 0
                                    

Nakatayo ako sa harap ng bahay nila Kuya Ace habang nagwawalis isang araw ng Sabado.

Pasado alas diyes na ng umaga at base sa body clock n'ya, I assume na gising na s'ya. Kadalasan, didiretso s'ya agad sa bahay pagkagising n'ya para sabayan akong magbreakfast dahil wala akong kasabay pagkain dahil pumupunta si Mama sa Laguna para bisitahin si Lolo sa ospital. Pero lumipas na ang tanghalian ay hindi parin s'ya nagpapakita sa akin.

Inisip ko na baka may pinuntahan s'ya o baka naman masama ang pakiramdam kaya hindi s'ya lumalabas ng bahay. Bunga ng pag aalala, pumunta ako sa bahay nila para bisitahin s'ya at malaman kung mayroon bang problema.

"Tita, nasaan po si Kuya Ace?" tanong ko sa Mommy n'ya.

Tumingin sakin si Tita Marissa na tila nagtataka dahil wala akong alam kung bakit wala s'ya sa bahay. Ibinaba n'ya ang hawak n'yang hose saka nagsquat para tanggalan ng tuyong dahon ang sunflower n'yang tanim.

"Nag overnight s'ya sa bahay ng kaklase n'ya. May gagawin daw group project kaya hindi agad makakauwi." iyon ang sabi n'ya.

Doon palang sa statement n'ya alam ko na agad na hindi iyon totoo. Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa group project?

"Ganon po ba, sige po..."

Umuwi agad ako at dumiretso sa kusina para kumaing mag isa. Sa totoo lang wala akong gana kaya halos ilang kutsara lang ang nakain ko. Umupo ako sa terrace para magmuni muni ng makatanggap naman ako ng message galling kay Kai.

From Kai:

Friend, stalk mo ang facebook wall ni Karissa Ocampo. You're welcome.

Nang mabasa ko ang mensahe na iyon, nagkaroon na agad ako ng hint. Baka hindi naman talaga s'ya nagpunta sa kaklase n'ya para sa group project nila. Baka magdamag n'ya lang naman talagang kasama si Karissa.

Pagkabukas ko ng wall niya, nakita ko agad ang picture nilang dalawa. Hindi kita ang mukha ni Kuya Ace pero dahil kilalang kilala ko s'ya alam kong balikat n'ya iyong malayang nakasandal sa headboard ng kama ni Karissa.

Sumikip ang puso ko at all of a sudden parang gusto kong magmura. Kailan ka pa natutong matulog sa hindi ko kama? Kailan ka pa natutong magsinungaling sa magulang mo para makasama mo lang s'ya?

Ayaw kong i-torture ang sarili ko kaya naman agad kong isinara ang laptop ko at nagmukmok. Hindi ko mapigilan ang pag iyak dahil walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang mga posibilidad na ginawa nila.

Gustong kitang tawagan at tanungin kung bakit hindi ka umuwi kagabi. Nasasaktan ako at hindi mapakali dahil nangangamba akong baka may ginawa kayong higit sa nararapat at dahil doon masira ang buhay mo.

Pero naisip ko, baka hindi naman talaga ikaw ang iniisip ko. Baka iniisip ko lamang sarili ko dahil ako itong dehado sa kung ano man ang nangyari sa inyo.

Alam kong hindi ka akin pero gusto ko akin ka lang. At ang ideyang ibinigay mo na ang sarili mo sa kanya ay talaga namang nakapagdulot ng hinayang at lungkot sa akin.

"Jenny, may ikukwento ako sa'yo." wika n'ya pagkapasok na pagkapasok palang ng bahay namin.

Hindi ko agad nagawang lumingon sa kanya dahil natatakot akong makita n'ya ang napakacold kong aura. Wala akong karapatang magalit sa kanya o pagsabihan s'ya sa kung ano mang ginagawa n'ya pero naiinis parin ako dahil hindi s'ya nag iisip.

"About what?" mapait kong saad. Kunwari hindi ko pa alam.

Kahit nakatalikod s'ya ay alam na alam kong nakangiti s'ya at kung gaano s'ya kasaya. Nagulat ako ng maramdaman ko ang mga bisig nyang nakapulupot sa baywang ko at ang init ng hininga nyang lumalapat sa aking balikat.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon