Kabanata 56

394 14 5
                                    

Dumalaw ako sa bahay nila Raymond dahil matagal ko nang hindi nabibisita ang parents n'ya. Doon kami pumesto sa kubo nila sa labas ng kanilang mansion kung saan presko ang hangin.

"Marami ka bang ginagawa ngayon kahit bakasyon?" tanong ni Tita Gia, mommy ni Raymond.

"Wala naman po. Pumupunta lang kami sa school kapag may kailangan si Principal."

Tumango s'ya at binalatan ang saging na kinuha n'ya sa basket. Healthy living ang mga tao dito palibhasa pamilya sila ng mga doctor maliban s'yempre kay Raymond at kay Caroline na Architecture ang gustong kuning course.

"Si Mond kasi palaging wala dito sa house. Tumanggap s'ya ng maraming load ngayong summer kaya halos hindi na rin namin s'ya nakakasama kahit bakasyon. Ilang beses na kaming nag out of town kasama si Caroline na wala s'ya."

"Saan po kayo nagpunta?"

"We went to Siargao tapos nag Baler din kami. Two weeks after Baler we went to Davao City to visit our relatives kaya namiss rin n'ya dahil may work s'ya. 'Yung last sa Baguio kaso hindi rin s'ya nakasama."

"Why are working too much, Kuya? May pinag iipunan ka ba?" tanong ni Caroline habang nakaupo sa duyan.

Tumingin si Tito Rene sa kanya at pagkatapos ay sumulyap s'ya sa akin.

"Wala naman. I'm just doing my job." aniya.

Tumayo si Tito Rene at kumuha ng wet tissue para punasan ang kanyang kamay. Suot n'ya ang kanyang white coat at may ballpen na nakalagay sa bulsa ng kanyang polo.

"Jen, hija, 'yung Papa mo ba gustong magka apo?"

Natigilan ako sa tanong n'ya dahil masyado iyong malayo sa topic namin. Akala ko yayayain n'ya akong magbakasyon or magtatanong tungkol sa work pero bigla s'yang nagsalita tungkol sa pagkakaroon ng apo.

"S-siguro naman po. Sa tamang panahon gusto n'ya rin." wika ko.

"I understand." aniya. "Bata ka pa kaya siguro hindi pa n'ya naiisip. Twenty two ka lang diba?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

"Kung ako kasi ang tatanungin gusto ko nang mag asawa si Raymond."

"Ako rin." wika ni Tita.

"Gusto ko na rin ng baby." sabat ni Caroline.

Tumingin sa kanya si Tita at pinanlakihan s'ya ng mata.

"For Kuya... Mom, you're so sensitive."

Napakamot ako sa batok at pasimpleng tumingin kay Raymond. Magkakamag anak nga sila. Mahilig silang mag plano at mag isip ng mga bagay sa future.

"Dad, baka naman isipin ni Jenny minamadali n'yo s'ya." saad ni Raymond.

"Keep calm, son. Nagtatanong lang."

"We'll cross the bridge when we get there, Tito. Mag iipon po muna kami." sagot ko.

"Well, it's your decision. Narito lang naman kami para suportahan kayo." tugon ni Tito.

Inayos n'ya ang necktie n'ya saka sumilip sa kanyang relo.

"Maiwan muna namin kayong dalawa. May surgery kasi kami ngayon. Caroline, we'll take you to school." wika ni Tita.

Tumayo ako para magbeso sa kanilang tatlo at nagpaalam bago sila umalis.

Lumipat si Raymond sa duyan at hinawakan ang kamay ko para hilahin ako sa tabi n'ya. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat n'ya saka niyakap s'ya ng pa-side.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon