Kabanata 45

313 9 2
                                    

Akala ko after nung nangyari sa sementeryo mahihiya nang magpakita at makipag usap sa amin si Kenneth. Inisip ko na baka mahihiya s'ya dahil nakita namin s'yang umiyak pero nagkamali ako.

Mag aabang na sana ako ng jeep papuntang school pero pag labas ko ng compound namin, naroon na agad ang kotse ni Kenneth sa labas at naghihintay sa akin.

"Good morning." saad n'ya habang nakalabas ang ulo sa bintana.

"Good morning rin." wika ko.

Binuksan ko ang cardoor n'ya para pumasok na sa loob pagkatapos ay seryoso s'yang tiningnan. Ini-start n'ya ang kotse at nagdrive s'ya nang kalmado na tila walang nangyari.

"Kenneth..." pasimula ko.

Itinitapat n'ya ang kamay n'ya sa pagitan naming dalawa saka bahagyang umiling.

"'Wag nating pag usapan." wika n'ya. "I don't want to talk about it."

Tumango ako at binuksan ang librong dala ko. May exam kami mamaya kaya nirerecall ko ang mga binasa ko kagabi.

"Topic..." wika n'ya habang lumiliko.

"Kahit ano. Si Pia?" saad ko.

"Basted parin." sagot n'ya. "Hindi n'ya ako type eh. Pero gusto n'ya friends kami."

"Eh di mabuti. Hindi kayo magbebreak. Atsaka malay mo balang araw mafall rin s'ya sa'yo. Tiwala lang. Fighting!" saad ko para pagaanin ang loob n'ya.

Ngumusi s'ya saka dalawang beses na bumusina sa sasakyang nakaharang sa amin.

"Ilang taon na s'ya?"

"Ahm... Nineteen?"

Tumango ako saka muling sinara ang aking libro. Tinatamad na akong magbasa dahil paulit ulit ko na itong minemorize kagabi.

"May picture ka ba n'ya? Patingin..." pamimilit ko.

Kinuha n'ya ang iPhone n'ya sa bulsa saka inabot iyon sa akin.

"Sa tingin mo bakit hindi ka n'ya type?"

"Gusto n'yang magkaroon ng boyfriend na doctor o kaya naman daw lawyer."

"Aw. Choosy." saad ko.

Tiningnan ko ang galery n'ya para tingnan ang mga pictures ni Pia. Karamihan sa mga pictures na 'to ay stolen at parang ni-capture mula sa malayo.

"Paano 'yun, give up na?" tanong ko. "Hindi ka naman pwedeng magshift kasi late na atsaka sayang rin naman ang mga units mo. Ayaw mo namang magdoctor."

"Ayoko nga." mabilis n'yang sabi.

"Pero pagkagraduate ko magtatake ako ng Law. Kapag naging abogado ako ewan ko lang kung hindi pa s'ya mabaliw sa akin." mayabang n'yang saad.

Tumawa ako sa sinabi n'ya na kunwaring hindi naniniwala pero deep inside natutuwa ako kasi I know, tototohanin n'ya iyon.

Pumasok kami ng school at kumilos tulad ng dati naming ginagawa. Kahit alam na ni Karissa na hindi talaga kami, hindi parin ako sanay na humarap sa mga tao na hindi ko na s'ya boyfriend kaya pinangangatawanan ko parin ang pagiging girlfriend n'ya kahit hanggang school lang.

"Hello, love birds." bati ni Kai.

Bumeso s'ya sa akin saka pumasok sa classroom kasabay ko. Dumiretso naman si Kenneth sa canteen dahil hindi pa daw s'ya nagbrebreakfast.

Twenty minutes before the bell, dumating si Elaine ang class president namin dala ang aming school paper. Every Monday namimigay sila ng mini newspapers per class para i-update ang mga estudyante and at the same time para i-train ang mga writers na mass communications students.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon