Halos hindi ako nakatulog magdamag sa pag iisip sa mga nangyari sa atin. Ilang mura ang naibuga ko sa hangin kapag naaalala ko kung paano ko s'yang napagtaksilan nang hindi ko man lang sinasadya.
I still feel guilty. Kasi kahit saan banda ko tingnan, nagkasala ako. Nagpadala ako sa tukso ng pag ibig mo kaya nakalimutan ko ang commitment ko kay Raymond.
"Jenny Rose, gising na! Tanghali na hindi mo man lang naiisip na magwalis o magpunas ng mga agiw sa bintana? Batang 'to!" bulway ni Mama habang kumakatok sa pintuan ko.
"Wait lang po. Maghihilamos lang!" saad ko habang kinukusot ang aking mga mata.
Walang gana akong bumangon sa aking kama saka dahan dahang pumasok sa banyo ko para maghilamos. Mariin kong binura ang mga bakas ng labi n'ya sa labi ko at sa iba pang bahagi ng aking mukha. Though, hindi naman nito mababago ang mga nangyari.
I'm sorry, Raymond. Paulit ulit ko itong binibigkas sa utak ko dahil alam kong kahit kailan hindi ko magagawang aminin sa kanya ang pagkakamali ko.
Oo, panibagong kasinungalingan na naman ito. At hindi ko pwedeng i-consider na white lie dahil lang ayaw ko s'yang masaktan. Wala naman kasing malinis na kasinungalingan. Unintentional man o hindi, mali parin.
Kinuha ko ang bimpo para tuyuin ang mukha ko pero natigilan ako nang makita ko ang dalawang kulay pulang marka sa aking leeg.
"What the --." bulalas ko.
Pinahid ko ng bimpo ang kulay pulang mantsa sa aking leeg pero hindi ko iyon matanggal.
Nagkaroon ako ng chikinini. Marahil sa masyado n'yang mariing paghalik sa leeg ko kaya naman bumakat ito sa aking balat.
"Anong gagawin ko?" nakapikit kong saad. "Jenny, ang tanga tanga mo!" mura ko sa sarili ko.
Napaupo ako sa sahig dahil mas lalo akong na-stress. Anong gagawin ko? Ilang araw bago mawala ito?
Nagpanic ako kaya kung ano anong ipinahid ko sa leeg ko pero wala paring nagbago. Hindi ko parin mabura ang ebidensya na nagtaksil ako kay Raymond.
"Oy, saan ka pupunta? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong ni Mama pagkalabas ko ng bakuran.
Nakasuot kasi ako ng kulay black na turtle neck shirt at pencil cut na palda.
"Ah eh... may kailangan kasi kaming gawin sa school. Biglaan po. Two days muna ako ulit sa apartment."
"Ganon ba? Hindi ka pa nag aalmusal." saad ni Mama.
Medyo gulo pa ang buhok ko kaya doon ako nagsusuklay sa may terrace namin. Hindi ako pwedeng manatili sa bahay namin na ganito ang suot dahil mahahalata nila ang tinatago ko sa aking leeg. Malakas ang pakiramdam ni Mama at alam kong makikita n'ya ito anytime.
"Wag na po. Sa canteen na lang ako kakain. Pakisabi kay Papa sa makalawa ako uuwi."
"Bakit naman ganon katagal eh bakasyon na?"
Nag isip ako ng kapanipaniwalang dahilan. Hindi ko alam kung gaano katagal maalis ang hickey na ito kaya ayokong pakasiguradong pwede na akong umuwi bukas.
"W-wala po kasi 'yung ibang teachers dahil nagbakasyon sila sa mga probinsya nila kaya konti lang kaming natira para gumawa nung assignment." pagdadahilan ko.
"Ah eh... sige."
Apurada akong naglakad palabas ng bahay pero bigla ulit nagsalita si Mama. Nakakunot ang noo n'ya habang nakapamewang na ni-hehead to toe ako.
"Teka lang... bakit naman ganyang ang suot mo? Summer na summer oh! Naiinitan ako sa suot mo magpalit ka."
Napahawak ako sa leeg ko saka pumihit para buksan ang aming gate.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...