Kabanata 26

371 16 0
                                    

Hindi ko alam kung anong iniisip sakin ng mga dati kong kaklase o kahit ng mga professors ko. Hindi ko naman sinasabihing madidisappoint sila sa napili kong 'boyfriend' dahil ang bait bait ko. What I'm trying to say is, hindi s'ya yung tipo ng lalaking dinedate ng tulad ko. If you know what I'm sayin'.

Sikat s'ya dahil sa hindi mabilang na suspensions and violations. Hindi lang isang bintana ang nabasag n'ya. Hindi lang rin tatlong babae ang napaiyak at napaglaruan n'ya.

"Ms. Bathan..." bati ni Ms. Janice.

Isinara n'ya ang pintuan ng faculty room at naglakad kasabay ko.

"Good morning po."

"Good morning." aniya. "Wala tayong class ngayon. Isasama kasi ako ng Dean para sa meeting n'ya with the university officials."

"Okay po." saad ko.

"Next Saturday may seminar ang section n'yo about Federalism. Pakisabi sa treasurer n'yo ihanda ang fund n'yo for transportation at pakisabi rin na required lahat umattend kasi equivalent iyong seminar sa isang quiz."

"Noted po."

"Since wala ako sa class mamaya, pwede bang asikasuhin n'yo ang bulletin board n'yo? Sa lahat ng courses ng department natin sa inyo na lang ang hindi pa updated. Kailangan makita ng school kung anong ginagawa ng org n'yo, what your organization is all about isama n'yo na rin ang list of officers n'yo para naman makilala kayo."

"Okay po. Actually nagmeeting na po org about 'dun. Hindi pa lang po namin masimulan kasi wala pa si Justin." saad ko.

Tumigil s'ya sa tapat ng conference room at sinilip kung naroon na ang iba pang mga pinatawag para sa meeting.

"'Wag n'yo nang hintayin ang president n'yo. Kumilos na kayo kahit wala s'ya dahil matagal pa bago matapos ang pagiging exchange student n'ya. Understand?"

Tumango ako at pumihit papunta sa right wing ng building pababa sa hagdan. Sa tapat ng balcony, nakasandal si Sir Raymond at si Kenneth na seryosong nag uusap. Medyo malayo pa sila mula sa amin kaya naman hindi ko naririnig kung tungkol saan ang topic nila pero sa tingin ko'y medyo personal.

"One more thing." wika ni Ms. Janice.

Humarap ako sa kanya saka inayos ang mga takas na hibla ng aking buhok na nagugulo dahil sa ihip ng hangin.

"Do something about that."

Itinuro n'ya si Kenneth na huling huli kung paano n'ya ginagawang ash tray ang flower vase na nasa ibabaw ng balcony.

"Sige po, pagsasabihan ko."

Tumango s'ya sa akin at nginitian ako. Hindi ko na nagawang sabihan s'ya sa kung ano ba talaga kaming dalawa ni Kenneth. After all, hindi ko naman makokontrol kung anong iniiisip ng mga tao sabihin ko man ang totoo o hindi.

"Pasensya ka na nga pala, Ms. Bathan." mahina n'yang sabi.

"Hindi ko alam kung napansin mo. Pero the last time na nagtalk ako about the student manual... Ahm. Akala ko you have... a thing with Raymond. And as your department chair and as your professor, it is my duty na itama ang sa tingin kong ginagawa n'yong mali. Wala namang masamang mainlove pero s'yempre let us not forget kung saang institution tayo kabilang. We have these rules and regulations na dapat nating sundin." aniya.

"I thought nagdedate kayong dalawa but then I realized... kaya pala kayo malapit dahil kay Kenneth. Nafigure out ko lang nang maalala kong matagal na nga pala silang magkakilala. Bago pa lang magturo si Raymond dito malapit na sila sa isa't isa. I'm sorry for being so judgmental."

She stared at me with her apologetic face. Tumango naman ako at nginitian s'ya dahil sa appreciation ko sa paghingi n'ya ng pasensya sa akin. Pero sa lahat ng sinabi n'ya mas naging palaisipan sa akin ang sinabi n'ya na matagal nang magkakilala ang dalawa.

I wonder why. Ano kayang koneksyon nila sa isa't isa? Kung close sila noon pa, bakit ngayon ko lang sila nakitang nag uuusap? Close rin kaya sila ni Karissa?

Tulad ng sinabi ni Ms. Janice nagmeeting ang org namin kahit wala pa ang aming president. Nagkaroon ng kanya kanyang assign para magawa ang bulletin board at ako ang nakatokang bumili ng mga materials for decoration.

Sinundo ako ni Kuya Ace para samahan akong bumili ng mga gamit na kailangan ko. Kitang kita ko kung gaano kaaliwalas ang mukha n'ya na tila masayang masaya na. For sure may communication na ulit silang dalawa ni Karissa. Thanks to my stupidity.

"Anong kulay ng cartolina ang mas maganda? Pink or violet?" tanong ko habang pinapakita sa kanya ang mga pinapipilian ko.

"Akala ko ba bulletin board ng org ang gagawin n'yo? Pang kwarto mo 'yan eh." pabiro n'yang saad.

"Sige na nga blue na lang." saad ko.

Ngumiti s'ya saka ginulo gulo ang buhok ko. Ganyan talaga s'ya maglambing.

"Double sided tape?" tanong n'ya.

Tumango ako at inilagay naman n'ya iyon sa hawak n'yang basket. Ito mismo ang eksena na napipicture ko noon kapag ini-imagine ko if ever magiging kami. Iyong tipo ng boyfriend na hindi magrereklamo kahit marami kang extra-curricular activities. Iyong boyfriend na sinusuportahan at tinutulungan ka sa lahat ng ginagawa mo at iyong boyfriend na hindi napapagod dahil handa n'yang gawin ang lahat para sa'yo.

"Dinner tayo." aniya.

"Saan naman?"

"Kahit saang restaurant. Saan mo ba gusto?"

Mabilis na tumibok ang puso ko hindi lang dahil sa excitement kundi dahil sa sayang makakasama ko s'ya ng mas matagal. Hindi ko na kasi matandaan kung kelan kami lumabas ng kami lang.

"Ikaw ang bahala." sagot ko.

Nilagay n'ya sa backseat ng kotse n'ya ang mga pinamili namin at pinagbuksan n'ya ako ng car door para makaupo ako sa unahan katabi n'ya.

"Seatbelt mo." aniya ngunit s'ya mismo ang humila ng seatbelt para ilagay iyon sa katawan ko.

"Thanks." wika ko habang malapit kong napapagmasdan ang kanyang mukha. Ilang inch lang ang pagitan ng labi n'ya sa akin at hindi ko na naman maiwasan ang mag imagine. Siguro kung girlfriend n'ya ako, malayang malaya kong mahahalikan ang mga labi n'yang ito.

"Para saan ang dinner?" tanong ko nang ma-start na n'ya ang sasakyan.

"Pa-thank you ko sa'yo. Alam mo ba sabi n'ya... mahal pa raw n'ya ako. At willing s'yang bigyan ako ng second chance."

Tumango ako at pinilig ang ulo ko sa tapat ng bintana. Hindi ko alam kung anong ekspresyon ng mukha ko ngayon pero alam kong hindi ito masaya.

"Mabuti naman. I'm happy for you."

Ipinarada n'ya ang kotse n'ya sa parking lot ng isang seafood restaurant. Pumasok ako sa loob habang mahigpit na nakahawak sa dulo ng kulay gray n'yang jacket. Pagkapasok namin sa loob saka palang ako natauhan.

Hindi kami pumunta dito dahil gusto n'ya akong makasama. Pumunta s'ya dito para babaeng mundo n'ya.

Tumayo si Kenneth nang makita ako saka hinila ang upuang katabi ng sa kanya. Sinulyapan ko si Kuya Ace para hintayin ang kanyang eksplanasyon sa nangyayari pero wala na sa akin ang mga mata n'ya. Napako na ito kay Karissa.

Hayy. Wala na atang mas sasaya pa dito.

April Fools!

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon