Lumabas ako ng bahay isang gabi para magpunta sa computer shop at magpaprint ng report ko sa Physics kinabukasan. Nakita ko si Kuya Ace na nakaupo sa pasimano ng terrace nila habang hawak ang gitarang hindi n'ya naman alam kung paano tugtugin.
Lalampas na sana ako at ni walang balak na batiin s'ya ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nakita n'ya na ako. Lumapit s'ya sa akin dala ang malapad na malapad n'yang ngiti saka ipinatong ang ang kanyang kaliwang braso sa aking balikat.
"Saan punta mo?" tanong n'ya.
Tumingala ako para makita ang mukha n'ya saka muling ibinalik ang aking mga tingin sa daan.
"Sa computer shop magpaprint lang." sagot ko saka itinapat sa paningin n'ya ang isang kulay itim na flashdrive.
"Sipag ah. Baka maging Cum Laude ka na n'yan."
"Impossible na iyon. Binigyan ako ni Ma'am Tolentino ng 2.25 last sem." sagot ko.
Natigilan s'ya sa paglalakad saka malumbay na humarap sa akin. Nagulat s'ya sapagkat hindi n'ya iyon alam gayong palagi naman s'yang updated sa grades ko noon. Well, hindi na ngayon. Masyado s'yang naging busy sa ibang bagay kaya kahit ang mga malalaking bagay na nangyayari sa akin ay hindi n'ya na alam.
"Sayang naman." aniya.
Ngumuso ako saka mahinang bumuntong hininga. Sa totoo lang ay iniyakan ko talaga ang Chemistry last sem dahil ito ang naging dahilan kung bakit nawalan na ako ng pag asang grumaduate with honors.
"Nakapag isip ka na ba kung anong major ang kukunin mo?" tanong n'ya habang kinukuha ang cellphone n'ya sa bulsa.
Nagbabasa s'ya at nagrereply sa mga texts ni Ate Karissa habang naglalakad kami. Siguro kung hindi s'ya naakbay sa akin ay malamang na sumubsob na s'ya sa daan kanina pa dahil masyado s'yang busy sa pakikipagtext sa kanya.
"General Science. Gusto ko sanang magmajor sa MAPEH pero hindi naman ako magaling sa music. Nakakahiya naman sa mga estudyante ko kung magtuturo akong kumanta eh palagi naman akong sharp." sagot ko.
Nakailang hakbang na kami matapos kong sabihin ang huli kong pangungusap pero sa kabila noon ay wala s'yang naging sagot. Sumulyap ako sa kanya para malaman ko ang dahilan ng hindi n'ya pag imik at doon ko lang napagtantong nalunod na pala sa s'ya sa pakikipagtext sa kanya.
"Ano ba 'yan wala na pala akong kausap." saad ko. "Hindi ka ba napapagod magtext? Kanina pa kayong umaga magkausap ah. Awat na."
Binuksan ko ang pintuan ng computer shop saka umupo sa tapat ng PC number twelve.
"Hindi naman kami nagkakatext simula kaninang umaga. Busy kasi s'ya sa practice eh. Ngayon na nga lang kami bumabawi." saad n'ya dahilan para matigilan ako.
Hindi kayo magkatext kanina? So, sinong kausap n'ya?
Ahm. Sabagay, hindi lang naman siguro si Kuya Ace ang nasa phone book n'ya. Why am I being so judgmental? Hindi ba pwedeng si Trexie na bestfriend n'ya? Or iyong mommy n'ya na nasa London?
"Manunuod ka ba ng Sports Fest?" tanong ko.
"Gusto ko sanang manuod pero sabi n'ya 'wag na lang. Hindi na daw kasi nagpapasok ngayon ng outsiders." sagot n'ya.
Binuksan ko ang file na ipaprint ko at napatitig doon ng ilang beses. Parang hindi naman iyon ang dahilan na sinabi ni Ate kanina.
"Hindi mo naman kailangang pumunta kung marami kang gagawin. Ivi-video ko na lang iyong performance nila para mapanuod mo." wika ko.
"Sige. Pero susubukan ko parin. Atsaka gusto ko rin namang mapanuod ang laro mo. Galingan mo ha." sabi n'ya saka ginulo gulo mo ang aking buhok.
Dahil sa sinabi mo, gumaan ang pakiramdam ko. Yung feeling na hindi pa naman ako naglalaro ay parang nanalo na ako. Akala ko kasi s'ya lamang ang dahilan kung bakit mo gustong pumunta sa school. Natouch ako dahil hindi ko akalaing kasama parin ako sa list ng priorities mo at gusto mo akong makita at makasama.
Dahil mahaba pa ang pila sa printer ay napagdesisyunan kong magfacebook muna para hindi naman ako mabagot sa kakahintay. Nakaupo s'ya sa isang monoblock chair sa likuran ko habang pinapanuod ang kung anu anong post na nasa Newsfeed ko.
"Bakit parang hindi kayo friends ni baby?" tanong n'ya.
Sumalungbaba ako habang hawak ko ang mouse saka nagpatuloy sa pagscroll. Hay. Si Karissa na naman.
"Hindi kami friends sa facebook. Nagtry akong i-add s'ya pero hindi na pwede dahil sobrang dami na n'yang friends. Famous kasi 'yang girlfriend mo eh." wika ko.
Ipinatong n'ya ang kanyang palad sa kamay ko para i-manipulate ang mga kamay kong ilagay sa search box ang pangalan ni Karissa. Dahil doon ay napadpad kami sa wall n'yang punong puno ng post ng selfies n'ya.
Grabe ka talaga. Wala kang kasawa sawa. Girlfriend mo na, ini-stalk mo pa.
"Ang ganda ano? Kaya nga minsan naiinis ako dahil ang daming nagchachat sa kanya. Mabuti na lang hindi n'ya nirereplyan."
Sus. Baka naman magaling magdelete. Ooppps. Bitter.
"Ito ang kapatid n'ya... Tapos ito naman yung alaga n'yang aso." blah blah blah blah.
Kung anu anong picture ni Karissa ang pinapakita n'ya sa akin. Pati iyong picture n'ya noong nagtravel s'ya sa Hong Kong, picture kasama ang mga pinsan n'ya, mga memang post n'ya at ultimong iyong aso n'yang si Snoopy na mas cute naman si Buttercup.
"Ah... mahilig pala talaga s'yang magtravel." wika ko ng ipakita n'ya ang picture ni Ate K sa ibabaw ng bundok.
Pilit kitang iniintindi sa mga pinagsasabi mo kahit naman ang ilan sa mga kwento mo ay naikwento mo na sa akin noon. Masokista na nga siguro akong talaga para magawang mapagtiisang pakinggan ang mga matatamis mong papuri sa kanya kesyo kung gaano mo s'ya kamahal at ang katotohanang hindi mo s'ya kayang ipagpalit.
Hanggang sa pag uwi natin sa kanya kanya nating mga bahay ay nagkwukwento ka parin ng kung anu ano tungkol sa kanya. Masyado ka na nga talagang na-obsess. Kung itinara ko lang sana sa papel kung ilang beses mong binanggit ang pangalan nya, marahil ay nakapuno akong isang yellow pad.
Kinabukasan, ginawa ko lang naman ang usual kong routine. Papasok sa school, magjojogging, papasok sa klase saka tatambay sa library dahil doon ang lugar kung saan ang pinakamalakas na connection ng wifi.
Nanonood ako sa Youtube ng mga video ng pusa nang maramdaman kong mayroong taong nakatayo sa likuran ko. Bago pa man ako nakalingon ay hinila na n'ya ang silya sa gilid ko saka tumabi sa akin.
"Tama na 'yan. Mamaya magkasing cute na kayo ng pinapanood mo." pagbibiro n'ya.
Kumurap ako ng ilang beses habang nag iisip kung paano ako magrereact. Ako? Cute?
Sir naman...
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...