Kabanata 42

343 10 3
                                    

Maaga akong naligo kumpara sa mga team mates ko. Karamihan kasi sa kanila, masyadong matagal gumamit ng banyo kaya naman naiinip ako tuwing ako 'yung huling pumipila sa pagligo.

Dahil puro naman kami girls, lumabas ako ng banyo na towel lang ang nakabalot sa katawan. Tumayo ako sa tapat ng electric fan para patuyuin ang buhok ko habang hinihintay na ma-full ang battery ng cellphone ko.

"Saan mo nabili 'yan? Pahingi ako." wika ni Niña kay Ezra na may dalang footlong.

"Sa Franks. Libre lang 'yan ni Jerome, 'yung varsity ng CavU."

Lumapit sa kanya si Coach saka ni-head to toe. Naniningkit ang mga mata n'ya na tila hindi nagugustuhan ang sinabi ni Ezra.

"Nakikipagligawan ka sa kakampi ng kalaban? Paano kung bininilog ka lang 'nun? Atsaka bakit ka lumalabas na hindi nagpapaalam?" sunod sunod n'yang tanong.

Bahagyang napaurong si Ezra sa kanya saka ngumiwi. Ang aga naman kasing uminit ng ulo nitong si Coach.

"Nagpaalam po ako kay Sir Topher. Pumayag po s'ya kaya akala ko okay lang." aniya.

"S-si Sir Topher?" nauutal utal n'yang saad. "B-bakit, sino bang coach mo? Hindi ba ako?"

Tumango tango si Ezra at saka pasimpleng ngumiti nang tumalikod na si Coach. Never talaga kaming na offend sa mga pagmumura n'ya dahil minsan nakakatawa lang 'yung mukha n'ya.

"Feeling ko talaga may gusto 'yan kay Sir Topher eh." Wika ni Celeste.

"Maaga silang nagising. Nagjogging ako kaninang 7am, naroon na agad si Sir Raymond sa labas."

Lumaki ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan n'ya. Naghihintay kaya s'ya?

"Nasaan ba 'yung suklay ko?" wika ko para pasimpleng makapunta sa kwarto at magbihis.

Baka kanina pa s'yang nagtetext.

Mabilis akong nagbihis at nagpowder ng konti sa harap ng salamin. Sinuklay ko ang buhok ko at saka naglagay ng lip balm.

Dahan dahang akong naglakad sa pintuan para silipin kung naroon pa s'ya sa labas at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko agad s'ya.

"Nagtetext ka ba? Sorry, lowbat ako." mahinang wika ko.

Naglakad ako at sinenyasan s'yang sumunod sa akin papunta sa stairs na katabi ng kabilang unit.

"Okay lang." aniya. "Kumain ka na ba?"

Umiling ako at sumandal sa may pader. Nakatayo s'ya sa harapan ko habang ang kanan n'yang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa. Sa kaliwa, may hawak s'yang isang paper bag na hindi ko alam ang laman.

"Mamaya pa. Sabay sabay daw tayo sabi ni Coach."

Iniabot n'ya sa akin ang paper bag at binuksan ko naman agad iyon. Kinuha ko ang boteng medyo malamig pa at saka muling sumulyap sa kanya.

"Gatorade." saad ko. "Magkano ito?"

Tumaas ang kilay n'ya saka nakangiting tiningnan ako.

"Kailan ba ako may binili na pinabayaran ko sa'yo?"

"Wow. Rich kid... Sige, salamat. Nag abala ka pa." saad ko sabay kurot sa tiyan n'ya.

"That's what boyfriends do. By the way, galingan mo sa game mo mamaya. Kapag umuwi kang talo may punishment ka sa akin." banta n'ya.

"Ano naman 'yun?" tanong ko.

"Pakiss ako." pabiro n'yang saad habang nakapout.

Sinuntok ko ang dibdib n'ya at umilag ilag nang nilalapit n'ya ang mukha n'ya sa akin.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon