Kabanata 34

394 16 6
                                    

Sinundo ako ni Kenneth para sabay kaming kumuha ng grades sa school. Ngayon din ang first day of enrollment kaya naman pinagkatiwalaan ako ni Mama na magdala ng pera since hindi naman ako magcocommute.

Pag kalabas ko ng kotse ni Kenneth, agad kong natanawan si Karissa sa may lobby kasama ang mga dalagang faculty members ng school.

"Anong ginagawa n'ya dito diba graduate na s'ya?" tanong n'ya na wala man lang ideya sa buhay ng kanyang kapatid.

"I heard nag apply s'ya dito. Prof na s'ya next school year." wika ko.

Kumunot ang noo ni Kenneth saka marahang naglakad habang nakalagay ang mga kamay n'ya sa likuran ko.

Pumasok kami sa lobby kaya naman napansin din kami ng kapatid n'yang pinag uusapan namin kanina lang.

"Going strong?" wika ni Karissa.

Ngumiti ako kay Ms. Pamintuan na kausap n'ya pero hindi ko nagawang ngumiti kay Karissa. Ayoko lang maging plastic.

"Ofcourse." wika ni Kenneth.

"You haven't told me na may balak ka palang mag turo. Anong trip mo? Binabantayan mo ba ako, ate ma'am ?" aniya sa tonong nang aasar lang.

Hindi ko na nagawang lumingon kahit nag uusap pa sila pero kahit ganon ay ramdam ko parin ang maiinit na tingin n'ya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi parin s'ya nakukuntento gayong ang alam ng marami ay kami ng kapatid n'ya. Pakiramdam ko binabantayan n'ya parin si Raymond kaya dito n'ya piniling mag magtrabaho.

"Iba talaga ang advantage 'pag may car ang jowa mo. Fresh na fresh oh!" wika ni Krystell nang makita ako.

Umupo ako sa labas ng cubicle ni Ms. Janice at hinintay na lumuwag ang pila para makuha ko na ang grades ko sa lahat ng subjects ko last year.

"Dean's Lister tayong tatlo. Friendship goals..." wika ni Kai pagkalabas n'ya ng cubicle.

Niyakap n'ya ako at hinalikan sa magkabaling pisngi bago ipinakita sa akin ang grades n'ya. Mataas ang nakuha n'yang marka sa Stat dahil tinututor s'ya ni Patrick. Ito ang unang beses na maDL s'ya dahil since first year sa math subjects rin lang naman s'ya sumasabit.

"Ang bait naman ni Sir Raymond. Halos lahat sa section natin binigyan n'ya ng 1.25 na grade."

Umupo rin si Mary Loise sa tabi namin kaya nakita ko na rin ang iba pang marka n'ya. 1.25 rin ang marka n'ya sa P.E.

Pumasok ako sa loob ng cubicle para makita ang grades ko. Nasa kanyang swivel chair si Ms. Janice na matamis ang ngiti sa akin.

"Wala raw bagsak si Kenneth ngayon. Nakakatuwa naman. Estudyante ko s'ya noong second year s'ya at palagi s'yang hindi nagpapasa ng requirements n'ya kaya palagi s'yang incomplete. Ngayon wala s'yang binigay na problema sa Criminology Department." masaya n'yang saad.

Narinig ko ang pang aasar nila Krystell at Kai sa labas ng cubicle nang marinig nila ang sinabi ni Ms. Janice. Nagpasalamat ako sa komento n'ya kahit wala naman akong dapat ipagpasalamat. I am not his girlfriend. Fake lang.

Tinitigan ko ang grades ko sa trojan paper at agad na naagaw ng aking pansin ang grade ko sa P.E. Uno? Bakit binigyan n'ya ako ng 1?

"Anong grade mo sa P.E?" tanong ni Mary Loise.

Maang akong tumingin sa kanila na parang wala akong narinig. Hindi ito valid. Ako lang ba ang uno dito? Bakit ang taas naman?

"Wait lang ha. May ive-verify lang ako sa registrar." wika ko.

Hinanap ko si Sir Raymond sa loob ng faculty room ngunit hindi ko s'ya makita. Kaya naman nagdecide akong itext na s'ya at sinabi naman n'yang papunta s'ya sa parking lot dahil lalabas s'ya for lunch.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon