Kabanata 47

405 14 8
                                    

Kinabukasan tumambay ako sa corridor para abangan si Kai. Gusto ko s'yang makausap para mag apologize at makipag ayos. Alam kong sobrang mali ako at hindi ako dapat nagsinungaling sa kanya pero nagawa ko pa rin. Kaya naman tatanggapin ko lahat ng ano mang sasabihin n'ya sa akin.

"Kai, usap naman tayo. Sorry na." wika ko habang sinasabayan s'ya paglalakad papasok ng classroom.

Hindi n'ya ako tinitingnan pero kita ko ang pagkabanas sa kanyang mukha nang makita n'ya ako.

"'Wag ka nang magalit please." saad ko.

Tumingin s'ya sa akin saka padabog na inilapag ang mga libro n'ya sa armrest.

"Anong gusto mong maramdaman ko? Matuwa ako dahil nalinlang ako ng sarili kong mga kaibigan?" mapait n'yang sabi.

"Mali ako. Natakot ako na sumama ang loob mo pero hindi ko narealize na mas mahuhurt kita kung hindi ko sinabi sa'yo. Kai, hindi ko rin kasi alam eh. Hindi ko alam kung paano. Kasi bawal ang relationship namin. Nahihirapan kaming kumilos, nahihirapan kaming magsalita, tapos marami kaming bagay na hindi namin magawa dahil hindi kami malaya. I'm sorry, Kai."

"Hindi mo alam kung paano mo sasabihin? Ang sabihin mo natatakot ka na baka ipagsabi ko. Dahil madaldal ako at matabil ang dila ko kaya iniisip mo na baka i-chismis ko lang sa iba, hindi ba?"

"Kai, hindi." malungkot na wika ko.

Kahit palagi s'yang nakikipagdebate sakin sa mga bagay bagay, ito ang unang beses na nagalit s'ya sa akin at kay Mary Loise.

"Ano bang dapat kong gawin? Sorry talaga, Kai. Sorry na."

"Wala. F.O na tayo. Paano kita magiging true friend kung ako nga hindi mo kayang pagkatiwalaan. Sorry rin, Jenny. Nasaktan ako."

Umupo s'ya sa pwesto n'ya at inilagay ang earphones n'ya sa magkabila n'yang tenga. Ayaw n'ya na akong makausap.

Sabay kaming kumain ni Mary Loise nung lunch time. Kami lang dalawa ang magkasama sa table at nakakapanibago dahil hindi na namin kasabay si Kai. Sina Alliya, Krystell at Bea na ngayon ang kasabay n'yang kumain.

Hindi rin namin kasabay ang mga Crim na classmates ni Kenneth simula nang ma-issue ako. Speaking of Kenneth, nasaan kaya s'ya?

"Attention!" wika ng isang panlalaking boses.

"Attention students!"

Napalingon kaming lahat kung saan nanggagaling ang boses na iyon at umawang ang bibig ko nang makita ko si Kenneth na nakatayo sa ibabaw ng kiosk at may hawak na mega phone.

"Anong ginagawa n'ya?" tanong ni Mary Loise.

"Ewan ko." bulong ko habang nakatingin parin ako kay Kenneth.

"Gusto ko lang malaman ng lahat na hindi totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa girlfriend kong si Jenny Rose Bathan! Fake news 'yon! Fake news!" panimula n'ya.

Mas lalo s'yang pinagtinginan ng mga tao dahil sa sinabi n'ya. Tumayo si Karissa at inis na tumingin sa kanya at ganoon rin naman ang iba pang prof na nasa canteen para magluch.

"Isa sa mga writers ng school paper natin ang sinisiraan s'ya dahil sa akin. Naiinsecure s'ya sa girlfriend ko dahil may gusto s'ya sa akin pero binasted ko s'ya!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya at hindi ko alam kung matotouch ba ako matatawa sa ginagawa n'ya. Binasted talaga 'yung term?

"Inuulit ko, fake news iyon! 'Wag kayong maniniwala sa sinulat ng babaeng papansin na iyon!" mabilis n'yang saad nang makitang lumalapit na sa kanya si Sir Rolly, head ng Office of Student Affairs.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon