Kabanata 38

373 16 8
                                    

"Bakit naman nag iisip agad s'ya na magpakasal?" tumungo s'ya palapit sa amin para bumulong. "Buntis ba si Karissa?" tanong ni Kai.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa para pahiran ang luha ko. Hindi ko na naman nagawang pigilan ang pag iyak nang magkwento na ako sa kanilang dalawa.

"Buntis agad? Hindi ba pwedeng mahal na mahal lang ang isa't isa." wika ni Mary Loise para pagaanin ang loob ko.

Bumuntong hininga si Kai saka tumabi sa akin para yakapin ang braso ko. Paano kung buntis nga si Karissa kaya gusto na agad n'yang magpropose? Bakit pag aasawa na agad ang iniiisip n'ya kahit na hindi pa naman sila gaanong nagtatagal at katatapos lang n'ya ng pag-aaral?

"Pero kayo na ni Kenneth diba? 'Bakit ngayon affected ka parin?" tanong ni Kaila.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi naman kasi kami ni Kenneth at ayaw ko naring magbitaw ng salita dahil magsisinungaling lang ako.

"Pero I can't judge you kasi hindi naman ako ikaw. Since birth mahal mo na si Ace kaya naiintindihan ko. Kaya lang, iba na ngayon. Kailangan mag move on ka na kay Ace dahil unfair sa jowa mo. Dapat sa kanya lang ang focus mo." dagdag pa n'ya.

"Tama si Kai, Jen. Click naman kayo diba? Nagkakasundo kayong dalawa, masaya ka naman kapag kasama mo s'ya. At higit sa lahat... gusto ka n'ya. Si Ace, hindi." aniya patungkol kay Raymond.

"Correction... mahal s'ya ni Kenneth."

Umiling iling ako at malungkot na tumingin sa kanya. Gusto ko nang aminin na hindi talaga kami at nagsinungaling ako sa kanya. Pero hindi ko masabi dahil natatakot akong magalit s'ya sa aming dalawa ni Mary Loise.

"Ang hirap kasi ng sitwasyon n'yo eh. Magkapitbahay kayo. Kahit anong paglayo mo wala ring kwenta."

"Hindi naman issue kung malapit ako o malayo sa kanya. Ang issue dito mahal na mahal ko s'ya. Noon pa man sobrang minahal ko na s'ya kaya naman hindi ko alam kung paano ako titigil."

"Hay. Masyado mo naman atang pinangatawanan 'yung 'love your neighbor'." wika ni Kai.

"Ang sabi, love your neighbor as yourself. Hindi higit sa sarili mo. Dahil kapag ang isang tao minahal mo ng higit sa sarili mo, ginagawa mo na s'yang Diyos. 'Wag mong gawing Diyos si Ace. 'Wag mo rin s'yang gawing buong mundo mo." saad ni Mary Loise.

Tumango ako at pinahid ang luha ko.

Tama s'ya hindi kita dapat ginagawang mundo ko. Hindi ko dapat ginawang mundo ang taong may ibang gustong planetang kasama. Hindi kita dapat sinasamba.

"Smile ka na ha. 'Wag mo nang isipin si Ace. Nandito naman si Kenneth... ako at si Mary Lu."

"Thank you... Thank you, Kai."

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat n'ya at mahigpit na niyakap s'ya. Sooner or later sasabihin ko rin. Kapag tama na sa timing.

After ng last period namin tumambay muna kami sa lobby para hintayin na matapos ang exam ni Kenneth. Malapit narin kasing mag 6pm kaya sabay sabay na kaming pupunta sa bahay para magdinner.

Ang alam nila Mama at Papa, magkaibigan lang kaming dalawa. Which is true dahil may Pia s'ya at alam naman nilang hindi ko gusto si Kenneth so they never questioned our closeness.

"Pasok kayo, 'wag kayong mahihiya." wika ni Kenneth habang binubuksan ang screen door ng aming bahay.

Nakangiti sa amin sina Mama nang makapasok na kami sa bahay. Bago ang mga kurtina at nagpalit din s'ya ng mga mantel.

"Mabuti nakarating kayo. Nakaluto na ako. Diretso na kayo sa kusina." wika ni Papa.

Naunang nagpunta doon si Kai at natigilan s'ya ilang hakbang bago s'ya makapunta sa may lamesa.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon