"Jenny, aalis ka ba?" tanong ni Mama pagbaba ko ng hagdanan.
Nakabihis s'ya at nakatayo sa kusina kasama si Tita Marissa na nakangiting nakatingin sa akin.
"Hindi po. Bakit?" sagot ko.
"Mabuti naman kung ganon. Tulungan mo si Ace bantayan muna ang mga bata. Magpipilgrimage kasi kami ng mga Tito at Tita mo eh hindi na namin sila isasama dahil baka maglikot lang sila sa simbahan."
"Si Andrea po? Kasama ba s'ya?" tanong ko.
Hindi kasi ako komportableng makasama s'ya buong maghapon at magdamag. I don't know what to say to him at ayokong magsalita ng kung ano ano just to keep the conversation going.
"Hindi. May summer class s'ya eh. 'Wag kang mag alala nakaluto na ako kaya iinitin n'yo na lang ang ulam sa ref." saad ni Mama.
Humarap s'ya sa salamin at naglagay ng lips stick. Lumapit naman sa akin si Tita saka hinaplos ang balikat ko.
"Jenny, okay lang ba? Pasensya ka na ah. Hindi ko naman maiwan kay Ace dahil hindi s'ya sanay mag alaga sa tatlong 'yan."
"Wala naman pong problema. Okay lang po." magalang kong saad habang hinihila si Arvin palayo sa mga nakadisplay na babasaging figurin.
Wala naman talagang problema kung alagan ko sila. Ang problema ko, andyan ka.
"Alwin, Arvin, Alvin, 'wag kayong masyadong malikot ha. Dito muna kayo kay Ate Jenny, okay?"
Isa isang hinagkan ni Tita Marissa ang kanyang mga anak saka pinahiran ang mga ito ng pawis gamit ang kanyang palad.
"Okay, mommy." "Okay!" "Okay, mommy." sunod sunod nilang tugon.
"Ingat po kayo." wika ko.
Lumabas sila ng bahay at dumiretso sa van kung saan naroon na sina Tito Ed, Papa at ang iba pa naming may edad na kapitbahay.
Binuksan ko ang TV para panuorin ang mga bata ng cartoons nang sa ganon ay maaliw sila. Sandali silang natahimik nang mapanuod si Spongebob pero muli namang nagkagulo nang commercial break na.
"Cindy! Play!" sigaw ni Arvin nang dumating si Cindy kasama si Kuya Ace.
Mas lalo silang nagkagulo nang nadagdagan sila ng isa pang kalaro.
"Ate Jenny, wrestling..." anyaya ni Alvin.
Umiling ako saka lumuhod sa sahig para pigilan ang mga bata na saktan ang isa't isa. Nakatitig naman si Kuya sa akin kaya naman hindi ako masyadong lumilingon sa kanya.
"Kids, bawal ang wrestling. Wag kayo masyadong malikot. Laro na lang kayo ng bahay-bahayan."
"Yehey! Ako ang mommy." wika ni Cindy.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Okay, ikaw ang mommy. Mag-cook ka na ng lunch. Ito ang plate oh tapos ito ang spoon." sabi sabay abot ng laruang kaserola at suklay.
"Ako ang Daddy." saad ni Arvin.
"Hindi. Ako Daddy." tugon naman ni Alwin.
"No. Ako! Ako ang Daddy." sigaw ni Alvin.
Napakamot ako at pinigilan silang tatlo sa pag aaway. Ang hirap talaga nilang alagaan dahil palagi silang hindi nagkakasundo.
"Lahat na lang kayo Daddy. Pwede naman 'yun eh. Wala nang mag aaway okay?"
Sabay sabay silang umiling.
"There's only one Daddy in the house." saad ni Cindy.
Sandali pa'y lumapit si Kuya Ace sa amin at umupo sa sahig para tulungan ako sa kanilang tatlo. Ikinalong n'ya si Cindy saka hinawi ang nagulo nitong buhok.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...