"Mahal, kumusta ang trabaho? Halika na... nakapagluto na ako ng hapunan." wika ko nang pumasok ka sa pinto ng bahay bahayan natin.
Lumapit sa akin at si Kuya Ace saka niyakap ako ng mahigpit pagkatapos ay umupo s'ya para tikman ang niluto kong adobo na gawa sa dahon at papel.
"Ang bait mo talaga, mahal. Palagi mo na lang akong pinagluluto ng paborito ko." aniya habang kunwaring isinusibo ang mga dahon ng mangga.
Bumalik sa aking mga alaala ang mga ginagawa natin noong mga bata pa tayo nang makita ko ang isang kaserolang laruan sa loob ng atic. Napangiti ako habang nagrereminisce nang marealize na hindi naman pala ako literal na nalugi. Minsan naman pala sa buhay ko naranasan kong tawagin mo akong mahal at naging misis mo pa kahit laru laro lang.
Naranasan ko naring ikasal sa'yo noon. Nagkaroon tayo ng dalawang anak na babae, sina Thea at Mariz. Mas bata silang dalawa sa atin kaya ako ang napili mong mapangasawa at maging nanay nila.
Ang tree house sa likod ng bahay n'yo ang nagsilbing conjugal home natin. Pero ngayon nagsilbi na itong dating place n'yo ni Ate Karissa, ang totoo mong mahal.
"Uy, Jenny... Come and join us! May dala akong food. Para sana ito kina tita pero umalis pala sila. Sige na, hindi namin ito mauubos ni Ace. Tara?" anyaya ni Ate Karissa.
Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila ako sa tree house namin. Nakaupo roon si Kuya Ace habang inaayos ang lamesa na mayroon lamang dalawang pinggan at dalawang pares ng kutsara at tinidor.
"By, ibigay mo na 'yang isang pinggan kay Jenny. Magsalo na lang tayo sa isa." wika n'ya kay Kuya Ace.
Lumapad ang pagngiti ni Kuya saka tinapik ang silyang nasa gilid n'ya. Umupo doon si Ate Karissa saka sumandok ng pasta at inilagay iyon sa kanilang pinggan.
Pinilit kong ngumiti at mangpanggap na natutuwa akong kasama silang dalawa pero sa totoo lang ay parang hinihila ako ng kaluluwa kong umalis para lumayo.
"Jenny, sabi ni Ace wala ka pa daw boyfriend? Bakit? Maganda ka naman, matalino atsaka mabait. How come na wala ka pang boyfriend?"
"Wala kasi akong time. Sa sobrang dami kong ginagawa hindi boyfriend ang kailangan ko kundi katulong." sagot ko.
Bumungisngis s'ya saka tinakpan ang labi n'ya gamit ang kanyang panyo.
"Sayang... iyong friend kasi namin na si Earl wala ring girlfriend. Kilala mo s'ya diba? Sumama ka sa amin minsan malay mo magustuhan mo s'ya tapos magustuhan ka rin n'ya. It would be fun na makasama kayo sa isang double date!"
Inilapag ko ang aking tinidor sa aking pinggan saka mariing umiling. Si Earl? Yikes.
"No way." saad ni Kuya Ace.
Ngumuso si Ate Karissa at maang na tumingin sa kanya. Iniisip n'ya siguro ang dahilan ng pagtutol nito.
"Jenny deserves the best guy. Hindi pwede si Earl dahil babaero iyon. Sasaktan n'ya lang si Jenny." matigas n'yang sabi.
Uminit ang puso ko sa sinabi mo. Nararamdaman ko how much you care about me at kung gaano ka kaprotective. Akala ko dahil mahal mo si Karissa you would agree sa bawat bagay na sasabihin n'ya pero ngayon tumatanggi ka dahil alam mong hindi dapat at may gusto kang ibang bagay na mas makakabuti para sa akin.
"But you are the best guy..." paglalambing ni Ate Karissa.
Kitang kita ko ang pagkinang ng mga mata ni Kuya Ace dahil sa sinabi n'ya. Hindi ko akalaing ganoon pala s'ya maglambing. Infairness, mayroon naman palang substance.
"Then we should find her the better one. Pero baby, 'wag naman si Earl. Siguro si... Uhm. Si Marcus!"
Umawang ang bibig ni Ate Karissa at bahagyang itinaas ang kanyang kilay.
"Marcus? Iyong ex ko?" sagot n'ya.
Napalunok si Kuya sa rebelasyon n'ya na tila hindi n'ya iyon alam. Dahan dahan s'yang bumaling sa akin at matama akong tiningan.
"Sabagay. Medyo awkward nga kung magiging boyfriend ni Jenny ang ex mo. Maghanap na lang tayo ng iba." suwestiyon n'ya.
Umirap ako sa kanya atsaka nagpeke ng tawa.
"Tigilan n'yo nga ako. Ayokong magkaboyfiend..." wika ko.
Kasi naman I don't have a choice. I don't even have any other options. Dahil ikaw lang naman talaga ang laman ng puso ko noon, ngayon at baka nga hanggang sa susunod pang bukas.
----
Hindi ko alam kung paano ko nagawang makasama kayo ng mahigit pa sa tatlong oras. Nakakapagtaka man pero nararamdaman ko ang kagustuhan ng girlfriend mo na mas mapalapit sa akin. Gulat nga ako nang yayain n'ya akong sumama sa inyo para ihatid s'ya sa bahay nila.
Hindi naman ako na-OP dahil palagi n'yo akong isinasali sa usapan n'yo. Maaring binago ka na nga n'ya pero alam ko na kahit hindi mo man ako piliin kung sakaling kaming dalawa ang pagpipiliian, may lugar parin akong kalalagyan. Kahit gaano man iyon kasikip o kakipot.
"Bakit?" tanong n'ya sa akin nang mahuli n'ya akong nakatitig sa kanya habang nagdadrive s'ya pauwi.
"Ang lapad kasi ng ngiti mo..." sagot ko.
Ilang minuto na ang nakakalipas nang maihatid namin si Ate sa bahay nila pero hanggang ngayon ang saya saya n'ya parin.
"Weird ba? Hindi ko mapigilan eh. Atsaka masaya ako dahil hindi kami nag away ngayon. Walang tampuhan... walang bangayan."
Tumango ako at tahimik na nag isip. So araw araw pala silang nag aaway?
"Ano naman ang mga pinag aawayan n'yo?"
"Uhm... kung anu ano. Matampuhin kasi iyon eh. Selosa rin kung minsan. Nagagalit s'ya kapag nakikipag usap ako sa ibang babae kahit kaibigan ko lang naman." wika n'ya saka sumulyap ka sa akin. "Pero s'yempre maliban sa'yo... ikaw nga lang ang babaeng gusto n'yang nakakasama at nakakausap ko eh."
Ngumiti ako dahil sa malaking pribelehiyong iyon. Of all the girls ako lang talaga. Nakakatuwa naman.
"Selosa pala s'ya. Hindi halata..." saad ko. "Ikaw, seloso ka?"
Tumingin s'ya sa akin saka kumagat sa kanyang labi. Hayst. Ano ba!
"Noon." tumikhim s'ya saka nagfocus ng tingin sa daan. "Ayaw n'ya kasing pinaghihinalaan ko s'ya. Tuwing nagtatanong ako kung mayroon na bang iba nagagalit s'ya sa akin. Naghahamon palagi na magbreak na lang kami dahil wala raw akong tiwala."
Tumawa ko at napailing na lang sa kanya. Under na under ka pala.
Nagpark s'ya sa garahe ng bahay nila saka lumabas naman ako sasakyan. Akala ko papasok na s'ya sa loob pero sumabay s'ya sa akin sa paglalakad para ihatid ako sa bahay namin.
"Ang effort mo ha. Ganyan ka ba talaga kasaya para ihatid mo pa ako sa bahay namin?" pagbibiro ko.
"Ikaw talaga ang dami mong sinasabi. Wala ka kasing boyfriend. Hayaan mo kapag nagkaboyfriend ka na may maghahatid na sa'yo kahit saan ka pumunta. Pero hangga't wala pa ako na lang muna sa ngayon." aniya.
Parang nagpalakpakan ang fallopian tubes ko dahil sa sobrang sweet mo. Kung ganoon naman pala parang masaya na ring tumanda akong dalaga para hanggang sa huli ay nandyan ka para sa akin.
"Awwww. Nakakatouch ka naman." saad ko saka nagpupy eyes.
"Maliit na bagay. I love you, Jen." wika n'ya.
Humakbang s'ya palapit sa akin saka hinalikan ako sa noo. Mabilis lang naman iyon pero dahil hindi ko inaasahan na gagawin n'ya ay tila nanuot ang pakiramdam ng labi n'yang dumikit sa aking balat.
"Good night..." aniya bago s'ya tumalikod at umuwi sa bahay nila.
Naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko at hindi na rin nagawang sumagot sa paalam mo. I should have said I love you too, Kuya Ace pero I don't want to be unfair. Kapag ako nagsabi, magmumukha akong sinungaling dahil hindi mo naman talaga alam kung ano ang ibig kong sabihin.
Mahal kita. Real talk.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomantikLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...