Kabanata 5

498 14 1
                                    

Nakaupo ako sa sahig ng sala namin habang nilalaro si Buttercup, ang alaga kong pusa. Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa panonood ng mga teleserye sa TV para naman kahit sandali ay mawala ka sa isip ko. Gusto kong karerin ang pagiging fangirl kay Paulo Avelino. Alam mo na, baka sa pagiging die-hard fan ay makalimutan kong mahal nga pala kita dahil sa kanya ko na ibabaling ang lahat ng atensyon ko simula ngayon.

"Jenny, may bisita ka." wika ni Mama.

Tumayo ako at lumabas ng sala para puntahan kung sino iyong sinasabi n'yang bisita. I was expecting na sina Kai at Mary Lu iyon dahil may usapan kaming magrereview para sa midterms pero laking gulat ko nang si Kuya Ace ang nakita kong pumasok ng pinto.

"Hi... busy ka?" tanong n'ya.

Mabilis akong tumalikod para hindi n'ya mapansin ang sandong suot ko. Nakasuot lang ako ng puting sando ngayon kaya naman medyo bumabakat ang kulay violet kong bra. Umupo s'ya sa sofa saka ibinaling ang kanyang tingin sa TV.

"Hindi naman. Pero hinihintay ko sina Kai dahil may group study kami mamaya." saad ko habang sinusuot ang sweater ni Mama.

Umupo ako sa tabi n'ya habang hindi man lang s'ya tinitingnan. Isang sandali pa'y inilapag n'ya sa ibabaw ng lamesa ang isang box ng Dunkin Donut kaya naman napasulyap ako sa kanya. Nakangiti s'ya sa akin habang binubuksan ang kahon pagkatapos ay inabutan n'ya ako ng isang Choco Butternut, ang favourite ko.

"Para saan 'yan?"

"Gift ko sa'yo. Thanksgiving para sa mga tulong mo sa akin." sagot n'ya.

Tumango ako at akmang aabutin sa kamay n'ya iyong donut pero laking gulat ko nang bigla n'ya na lang isinubo iyong donut sa akin. Umirap ako kasabay ng isang malapad ngunit nagpipigil na ngiti saka kumuha ng isang Bavarian para ipahid iyon sa kanyang mukha.

"'Wag ka ngang magsayang ng pagkain!"

"Ikaw kaya ang nauna... ginaya lang kita." Saad ko.

Pinahid ko ang mga dumi sa mukha ko saka kinuha ang remote para lakasan ang volume ng TV. Pero sakabila ng malakas ng volume na iyon, tila naging bingi ako sa bawat linyahan ng mga artista sa TV dahil mas naging conscious ako sa presence n'ya kaysa sa teleseryeng pinapanuod ko.

"Akala ko ba ayaw mo kay Paulo...?" wika n'ya habang nilalantakan ang donut n'yang dala.

"Kailan ko naman sinabi iyon?"

"Wala ka namang sinabi... alam ko lang na hindi mo s'ya gusto." Seryoso n'yang saad.

Natigilan ako sa sinabi n'ya at sandaling napaisip.

Kung alam mo palang hindi ko s'ya gusto, possible kayang alam mo kung sino ang gusto ko? Kahit kailan kaya, nagkaroon ka man lang ng ideya na mahal kita noon pa?"

"Akala mo lang iyon..." wika ko.

Yumuko s'ya sa sahig para kargahin si Buttercup. Kahit ang alaga kong pusa, gustong gusto rin kapag naglalambing s'ya.

"Bakit ba hindi ka nalang sa totoong tao magkacrush? Kaysa naman sa Paulo na 'yan hindi ka naman mapapansin. Wala kayong pagasa."

Ngumuso ako saka palihim na umirap sa kanya.

Duh, wala rin namang pinagkaiba sa sitwasyon natin.

"Okay lang... atsaka sino bang may sabi na umaasa ako sa kanya? Artista s'ya kaya given na kung hindi n'ya ako mapapansin."

Itinaas n'ya ang mga paa n'ya sa lamesa saka humilig sa balikat ko. Dahan dahan akong huminga ng malalim dahil baka magpalpitate na naman si heart.

Alam mo namang kapag kasama kita, nagiging irregular ang heart beat ko at kumukulo ang mga lamang loob ko.

Oh, wait... Hindi mo nga pala alam.

"Tss. Paano ba 'yan, eh di malamig na naman ang pasko mo?" pang aasar n'ya.

Well, parang ganoon na nga. Ano pa nga ba?

"Palibhasa may Karissa ka na, nagyayabang ka na ngayon."

Umayos s'ya ng pag upo at saka kinuha ang iyong wallet n'ya sa bulsa. Lumitaw doon ang dalawang ticket ng Enchanted Kingdom pagkatapos ay pinagmahili n'ya iyon sa akin.

"Eto ang Christmas gift ko sa kanya... What do you think?"

"Ahm... mahilig ba s'ya sa rides?"

Tumango s'ya at muling ibinalik iyon sa kanyang bulsa.

"Oo... mahilig s'ya sa adventure atsaka magtravel. Siguro naman magugustuhan n'ya. Last time nga namasyal kami sa Nuvali, sobrang saya n'ya tapos tuwang tuwa s'ya kasi marami s'yang naging selfies. Maganda kasi ang view 'don."

Ki-nompose ko ang sarili ko para pigilan ang sarili ko sa pagtatampo. Hindi ba tayo ang nagplanong pupunta tayo doon?

Nakatanggap ako ng text kay Kai na nagkaroon daw ng change of plans. Sa bahay nila kami mag- aaral dahil walang magaalaga sa na kababata n'yang kapatid. Hindi rin naman nagtagal sa bahay si Kuya Ace dahil magkikita sila ni Ate K mamaya.

"Patikim nga ng sweldo mo." wika ni Mary Loise habang kumukuha ng donut sa box.

Iniisip n'yang isang compensation ang donuts na regalo ni Kuya Ace kaya naman ngayon ay iyon ang pinamumukha nila sa akin.

"Whatever." Saad ko.

Kinuha ko sa bag ko ang mga hand outs saka pinatong iyon sa lamesa. Nakaupo si Kai sa puzzle mat kasama si Kate habang pinapakain ito ng baby food.

"Ano nga palang coverage ng exam?"

"Chapter three and four. Including iyong photo copy ng mga topic na wala sa books."

Sumandal si Mary Loise sa tapat ng bintana saka hinawi ang mga kurtina. Tinaggal n'ya ang earphones sa magkabilang tenga saka sinenyasan akong lumapit doon.

"Si Brylle oh, ex ni Karissa."

Lumapit ako doon saka sumilip sa bintana. Naroon sa labas ng bahay nila si Brylle na busy sa pagcheck ng makina ng kanyang kotse. S'ya ang naging boyfriend ni Karissa bago si Kuya Ace. Marami s'yang tattoo at piercings sa tenga at sikat s'ya dahil mahilig sumali sa mga car shows.

"Bakit kaya sinagot ni Karissa si Brylle noon? Hindi ba awkward na naging sila ng supposed to be husband ng tita n'ya?" tanong ni Mary Loise.

"Hindi natin alam. Siguro sa una lang kasi after a few weeks engaged na iyong Tita n'ya sa iba tapos naging sila ni Kuya Ace. Hindi naman sila nagtagal ni Brylle eh. Siguro fling fling lang kaya hindi naging awkward." wika ko.

Tumayo si Kai saka binuhat ang kanyang kapatid papunta sa stroller. Pumamewang s'ya saka sumilip sandali sa aming direksyon.

"Eh kasi patola s'ya. Patol dito, patol doon. Imagine , ex n'ya rin si Kevin!? Hindi naman sa pagiging judgmental pero diba addict iyon?" saad ni Kai. "Noon, boto ako sa'yo at kay Ace pero simula nang mabalitaan ko na dinedate n'ya si Karissa na turn off na ako sa kanya. No offense."

Pumihit ako pabalik sa study table at binuklat ang mga dala kong libro.

Wala akong ideya kung bakit mo s'ya mahal kaya naman hindi kita mahusgahan. Is it about the looks? Personality? Fame? Ewan ko.

Sana kaya ko ring maging katulad ng mga kaibigan ko na kayang ma-turn off sa mga desisyon mo. Kaya lang... hindi sila ako.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon