Kabanata 17

413 16 1
                                    

"Last game n'yo na ito. Kapag nanalo kayo, champion na tayo." wika ni Ma'am Janice.

Tumango tango ako saka maayos na umupo sa tabi ni Ally. Huling araw na ng sports fest pero sa kabila noon ay hindi na nagawang manuod ni Kuya Ace ng game ko. Hindi ko naman s'ya masisi. Dahil bukod sa broken hearted s'ya, ayaw n'ya rin naman sigurong madagdagan pa ang away nila ni Karissa.

"Ayusin mo ang service mo, Nicole." sigaw ni Sir Raymond kay Nicole sa kalagitnaan ng second set.

May benda na ang kanyang kaliwang kamay kaya naman hindi na s'ya makatira at makapagserve ng maayos. Dahil medyo nakakalamang na sa amin ang kabilang team, kinuha na nila si Ally para magsubstitute.

"Go Yellow Team! Fight Yellow Team!"

Napalingon ako sa gilid ko nang makita ang mga cheerleaders ng team namin. Naroon s'yempre si Karissa kaya naman nabadtrip na naman ako.

"Mine!" saad ko nang parating na ang bola sa pwesto ko.

Naging seasaw ang game na ito at halos dikit ang laban kaya kinakabahan ako at hindi sigurado kung mananalo ba kami. Hindi masyadong magaling ang mga kalaban pero marami sa amin ang pagod na. Hindi nakapaglaro si Mich dahil may injury s'ya sa siko tapos absent pa si Kathy.

Mabuti na lang magaling talaga si Ally magvolleyball kaya nasisindak parin namin ang kabilang team. Simula nang magsubstitute s'ya kay Nicole, mas lumalaki na lalo ang lamang namin sa kalaban.

Dahil sa mga points ni Ally at dahil narin sa teamwork ay nanalo kami. Nakita ko kung paano naglundagan ang mga team mates namin at ang malakas na hiyawan ng mga babae sa cheerleading team. Champion kami!

"Kaasar." saad ni Kai habang tinatakpan ang kanang tenga n'ya saka lumapit sa akin para yumakap. "Congrats ha. Ang galing mo, friend! I'm so proud of you."

"Salamat... congrats rin." wika ko.

Humalukipkip s'ya saka ngumuso. Second place lang kasi ang nakuha n'ya kaya hindi s'ya masyadong masaya. "Sayang 'yung last game ko. Panalo na sana ako kaya lang masyadong competitive si Claire. Panalo sana eh!"

"Panalo ka sana kaya lang talo ka." pang aasar ni Patrick.

Hindi s'ya pinansin ni Kai at nagkunwaring wala s'yang narinig. One week na siguro silang ganito. Kasi kung hindi naman kami ni Mary Lu ang kasama n'ya, kay Patrick lang s'ya pumupunta.

"May victory party tayo mamaya sabi ni Dean. Saan n'yo gusto?" wika ni Ma'am Janice.

Sobrang blessed ng team namin ngayon dahil bukod sa champion kami sa volleyball ay nagchampion rin kami sa basketball.

"Hay, salamat makakakain rin ng masarap. Gutom na gutom na ako." wika ko. "Nasaan nga pala si Mary Loise?"

"Nag walk out. Nag away na naman sila ni Japs. Alam mo feeling ko, nambababae talaga ang mokong na iyon eh. 'Wag lang talaga s'yang papahuli kay Mary Loise..."

"Sino bang manloloko ang nagpapahuli? S'yempre gagalingan 'nun." saad ko.

Hinila ko si Kai palabas ng covered court pero hindi s'ya magpadala. Tumingin ako sa kung saan s'ya nakatingin at nadiskubreng nakatingin pala si Sir Raymond sa banda namin.

"Bagalan mo ang paglalakad para makasabay natin si Sir." bulong n'ya.

"Ang harot harot mo talaga. Mamaya makahalata na si Sir na crush mo s'ya."

"Duh, kaya nga ako nagpapapansin para malaman n'yang I like him. Hindi naman ako katulad mong kayang palampasin ang pagkakataon. Kapag mahal mo iparamdam mo!" aniya.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon