Nagmamadali akong bumaba ng jeep para pumunta sa meeting place namin. Hindi s'ya magdadala ng kotse ngayon kaya naman pareho kaming nagcommute. Lalabas kasi kami kasama si Kenneth kaya siya na lamang ang magdadala ng sasakyan.
"Sorry, late ako." bati ko sa kanya.
Nakaupo s'ya sa labas ng isang convenient store habang nakikinig ng music. Inalis n'ya ang earphones sa tenga saka hinalikan ang pisngi ko nang tumabi ako sa kanya.
"Okay lang. On the way parin naman si Kenneth." saad n'ya.
Napatingin ako sa dala n'yang backpack na parang puputok na ang zipper dahil sa sobrang daming laman. Sumulyap ako sa kanya saka kinapa ang laman ng bag na iyon.
"Oops. Baka kung anong mahipo mo d'yan." aniya saka inalis ang kamay ko sa bag n'ya para mahawakan ito.
"Ano bang laman n'yan? Bakit parang ang dami mo naman atang dala. Naglayas ka ba sa inyo?" tanong ko.
Ngumisi s'ya saka inilayo ang bag sa tabi ko.
"Assignment ko 'yan kay Kenneth." aniya.
"Anong assignment?" nagtataka kong tanong.
Napahawak s'ya sa kilay n'ya at seryoso akong tiningnan. Ano namang magiging assignment n'ya kay Kenneth eh s'ya itong professor?
"I owe him kasi ipinagtanggol ka na naman n'ya." aniya.
'Yung eksena siguro ni Kenneth sa canteen ang tinutukoy n'ya. Hindi ko s'ya nakita kahapon sa canteen pero alam kong malalaman n'ya rin dahil mapapag usapan ang tungkol dun sa faculty room.
"I am your boyfriend kaya dapat ako ang gumagawa noon. Hindi naman sa nagseselos ako pero somehow I feel bad that Kenneth's getting all the credit. I should be the one protecting you." seryoso n'yang saad.
"You don't have to feel bad about it dahil naiintindihan ko. Hindi mo naman pwedeng gawin ang mga ginagawa n'ya because you are 'Sir Raymond'." paliwanag ko.
"Kahit pa. I should have found solutions for you. Kasi ginawa n'ya ang article tungkol sa'yo dahil sa akin at relasyon natin 'to. Hindi naman pwedeng si Kenneth na lang lahat."
Tumango ako at hinaplos ang pisngi n'ya. I get his point. Kasi siguro kahit naman ako, malulungkot rin ako ang nasa posisyon n'ya.
"You make me happy. Mahal mo ako at napatunayan mo na kaya sapat na iyon." mahinahon kong saad.
"No." wika n'ya. "I don't think that's enough. I love you so much and that will never be enough for me."
Ipinatong ko ang ulo ko sa kanyang balikat at dahan dahang pinagsalikop ang aming mga daliri.
"Thank you." saad ko.
Hinalikan n'ya ang magkasalikop naming mga kamay saka sinserong nginitian ako.
Thirty minutes pa ang ipinaghintay namin kay Kenneth bago s'ya nakarating. Nakasuot s'ya cargo shorts at kulay itim na sando. Wala s'yang piercings ngayon at bagong shave rin kaya naman parang nanibago ako.
"Nasaan si Kenneth?" tanong ko sa kanya nang makapasok na kami sa kanyang pick up.
"Etong gwapo kong 'to hindi mo napansin?" pagbibiro n'ya.
Umupo kami ni Raymond sa backset kaya naman mag isa lang s'ya sa unahan. Nahuli ko ang malapad n'yang ngiti sa salamin kaya naman inisip ko kung ano bang balak nilang dalawa.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
Umakbay sa akin si Raymond at isinandal ako.
"Malalaman mo rin." saad n'ya.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...