Kabanata 24

382 12 4
                                    

"Ano!? Pumayag ka!?" bulalas ni Mary Loise habang nasa bahay kami nila Kai.

"Um-oo na ako para tumigil na s'ya. Isang date lang. After that we're done." saad ko.

Nagsinungaling ako. Sa totoo lang wala naman talaga akong masyadong pakialam kung hindi s'ya tumigil dahil wala naman s'yang mapapala. I don't like him and I will never ever fall for him. Kaya lang, hindi ko natiis si Kuya Ace.

He asked me to try dating Kenneth. Kahit isang beses lang.

Alam ko tanga ako. Hindi n'yo kailangang sabihin. Naisip ko lang na, if ever magkabalikan sila marelize n'ya na Karissa is not worth it. Kahit na, may big possibility na hindi n'ya marealize 'yun dahil siya ang mundo n'ya.

Si Karissa ang mundo para sa kanya at isa lang akong heavenly body na hindi kabilang sa kinaroroonan nilang galaxy.

"Paano ba 'yan nakinig sa akin si Jenny. Don't worry, Jen, hindi mo ito pagsisisihan." Kai winked at me.

Well, sana nga. Sana nga hindi ito isang malaking hallow block na ipupukpok ko sa ulo ko.

"Kelan kayo magdedate at saan?"

"Tomorrow night. Sa Labeled." sagot ko.

"Friendship over muna tayo 'til next morning after that night. 'Wala akong kaibigang matigas ang ulo. I hate you, Jen. Real talk." iritadong wika ni Mary Loise. Binuksan n'ya ang hawak n'yang magazine at doon itinutok ang kanyang mata para hindi ako matingnan.

"Ang KJ mo naman. First date iyon ni Jenny. Special 'yon kaya dapat suportahan natin s'ya." saad ni Kai. "Don't worry, tutulungan kitang mamili ng dress at kukulutin ko ang buhok mo para pretty!"

"'Wag na. Baka isipin n'ya masyado ko s'yang pinaghandaan."

Umuwi narin kami nang medyo dumidilim na. Nilakad namin ni Mary Lu ang village papunta sa sakayan ng jeep. Taga Buendia si Mary Loise at Pasay naman ako kaya magkaiba ang jeep na sinakyan namin.

Habang naglalakad kami binawasan ni Mary Loise ang distansya sa pagitan naming dalawa saka hinawakan ang kamay ko.

"Akala ko ba FO tayo." wika ko.

Mahinang tumawa si Mary Loise at pinagsway ang mga kamay naming dalawa. Iyong tawa n'ya ay iyong tawang parang naaawa na nayayamot.

"Sineryoso mo 'yun?" aniya. "Hay. Masyado kang serious. Pati ka-tangahan mo sineseryoso mo narin."

"Hindi naman ako seryoso ano. Gusto ko lang matapos na."

"'Pati ba naman ikaw lolokohin ako? You did that for Ace. Not for yourself. Kasi kung sarili mo lang naman ang inisiip mo for sure wala kang gagawin. Pagdating kay Ace kaya mong gawin lahat. Basta si Ace walang mahirap para sa'yo. Kaya... 'wag ka nang magkunwari pa sa akin."

Tumigil ako sa paglalakad saka nagmake face sa kanya. Ang lakas talaga ng instinct n'ya.

"Sorry na. Hindi ko matiis eh. Eh bakit ikaw, ang dali para sa'yo? Mahal mo si Japs pero kaya mo s'yang tiisin. Paano mo nagagawang hindi paikutin sa kanya ang mundo mo? Bakit madali lang sa'yong bumitiw kahit sayang?"

Nang malaman n'yang nambabae si Japs hindi s'ya naghesitate na iwan s'ya kahit alam n'yang s'ya talaga ang mahal. Kahit nageefort si Japs na magkabalikan sila at nagpromise na magbabago na ay wala paring effect sa kanya kahit hindi parin naman s'ya nakakamove on.

"Alam mo minsan, kaya tayo sinasaktan ng mga taong mahal natin ay dahil hinahayaan natin sila. We have to prove them our worth para hindi sila umulit. We have to show them na mali sila at hindi nila tayo dapat tine-take for granted at sinasaktan. Pwede ka namang mag 'no' kay Ace. Pwedeng unahin mo ang sarili mo dahil in the first place ayaw mo sa kanya at kay Karissa pero ngayon nagiging tulay ka para muli s'ya masaktan ng ex n'ya. That's a stupid idea, Jen."

"I know. Sorry, Mary Loise. Sana kaya kong maging katulad mo na kayang mag 'no' sa taong mahal ko."

"Madali lang 'yun kung gugustuhin mo. Kaya lang ayaw mo eh." aniya.

Naging palaisipan sa akin ang mga sinabi n'ya mula sa pag uwi ko hanggang sa pagtulog ko.

Naisip ko na, what if bawiin ko yung pagpayag ko kay Kenneth? Bakit hindi ko na lang sabihin sa'yo na ayokong makialam sa sitwasyon n'yo?

Pero sa tuwing naiisip ko na tatanggihan kita, nahihirapan ako.

Hindi ko pinaghandaan ang pakikipagkita ko kay Kenneth. Nagpants lang ako at sweater dahil hindi ako magiging komportable kung magsusuot ako ng dress tapos kasama ko s'ya.

Sumakay kami sa dala n'yang Hilux papunta sa Nuvali. Hindi ko na s'ya tinanong kung paano n'ya nalamang gusto kong pumunta don. I'm sure binigyan mo s'ya ng tip.

Pangarap kong mapuntahan iyon kasama ka. Gusto ko sana sa first time nating dalawa tayo ang magkasama pero nakapunta ka na kasama si Karissa at ngayon naman kasama ko ang kapatid n'ya. How sad.

"Ang lamig pala dito. Yakapin mo naman ako." wika ni Kenneth habang nakaharap kami sa isang fish pond.

Kahit naman hindi ako seryoso sa pagsama sa kanya ayoko namang mawalang kabuluhan ang gabi ko kaya nakipagkwentuhan ako sa kanya.

Unang date palang namin naikwento na n'ya agad sa akin ang ilan sa mga personal na pangyayari buhay n'ya pati iyong mga kalokohan n'ya at iyong iba medyo SPG.

"Sino ba naman kasing magsabi sayong magsando ka? Manigas ka d'yan." saad ko.

Ngumisi s'ya at naramdaman ko ang unti unting pagdikit ng katawan n'ya sa akin. Medyo nailang ako dahil hindi naman ako sanay mapalapit ng ganito sa lalaking hindi ko naman ka-close tapos nanliligaw pa.

Medyo iniwas ko ang sarili ko kaya hindi ko na nararamdaman ang dibdib n'ya sa balikat ko. May kalakihan kasi ang katawan n'ya at sa palagay ko madalas s'yang magwork out dahil iyong dibdib n'ya mas pronounced pa kaysa sa akin.

"Bakit dito mo gusto? Ayaw mo ba sa club? Wala ka bang night life?" aniya na tila minamaliit ang mga ginagawa ko sa buhay.

"May night life ako. Madalas akong napupuyat kakareview. At kung naghahanap ka ng nakakaenjoy well, star gazing is life."

"Boring." saad n'ya.

Err. If you don't like stars then you're not the one for me.

Simula nang magkasama kami kanina wala na kaming napagkasunduan dahil halos lahat ng bagay na gusto ko ay ayaw n'ya at ayaw ko rin naman sa mga bagay na gusto n'ya.

Hindi s'ya gentleman, may kayabangan at feeling ko isa talaga s'yang player.

In short, hindi s'ya tulad mo. Kaya naman ayoko. 

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon