Kabanata 15

440 19 1
                                    

Araw ng Sports Festival.

Nakatayo ako sa likod ng mga bleachers habang nanunuod ng program. Ang dami kasing tao ngayon kaya naman sobrang siksikan. May mga nanunuod na taga kabilang school, may mga alumni at kung sino sino lang na gustong manuod ng cheerdance and games.

"Wow... ang astig naman ng costume ng mga taga Business Ad." wika ni Mary Loise.

"Malaki kasi ang budget nila. I heard sagot ng Department nila ang meals and costume. Samantalang tayo pamiryenda na nga lang biscuit pa." singhal ni Kai.

"Hayaan n'yo na. Malaki kasi ang pupulation nila kaya malaki ang kanilang budget. Atsaka mayayaman rin ang karamihan sa mga students nila." sagot ko.

Suminghap ako habang tamad na nakatingin sa stage. Maraming invites na pulitiko at mga kilalang tao kaya naman hindi matapos tapos ang program dahilan sa mga nagsispeech.

Ilang sandali pa, napalingon ako sa tapat ng faculty room at nakita ko si Sir Raymond na naglalakad malapit sa hallway.

"Iihi lang ako." sambit ko.

Pasimple akong naglakad papunta sa hallway saka hinanap kung nasaan si Sir. Narinig ko ang kanyang boses sa di kalayuan kaya naman hindi ako nahirapang hanapin s'ya.

"Oo. Good luck. Galingan mo..." tamad n'yang sabi.

Nakapatong ang kanyang kamay sa isang locker at hawak naman ng kabila ang kanyang telepono. Seryosong seryoso ang kaniyang mukha kaya naman hindi muna agad ako lumapit.

"I'm sorry... Just forget about it, okay?" wika n'ya pa.

Ibinaba n'ya ang telepono saka malamyang sumandal sa locker area. I wonder kung sino iyong kausap n'ya. Baka naman girlfriend n'ya?

Ahm. Ewan ko ba kung meron. Palagi ko kasing nakakalimutang magtanong atsaka nakakahiya rin namang alamin.

"Good morning, sir." tumikhim ako saka lumapit sa kinatatayuan n'ya.

Napatayo s'ya ng maayos nang makita ako saka bahagyang hinawi ang unahan ng kanyang buhok.

"Good morning, Ms. Bathan. Bakit wala ka sa program?"

Binuksan ko ang bag ko saka kinuha ang isang plastic bag. May laman itong chocolates at isang bote ng lotion.

"Ahm. Ibibigay ko kasi sa'yo 'to." sagot ko sabay abot ng plastic bag.

"Ano 'to?" tanong n'ya habang nakangiti.

Kinuha n'ya sa akin iyong bag saka sinilip kung anong laman. Napahawak s'ya sa kanyang baba saka mahinang tumawa.

"Sineryoso mo talaga ang sinabi ko? Nagjojoke lang ako. Pero salamat."

"Nga pala, sir. Naubos na kasi iyong mga sabon dahil pinamigay lahat sa kapitbahay. Bahala ka na d'yan sa lotion. Kung gusto mo ibigay mo sa mommy mo o kaya sa kapatid mong babae. O kaya naman... sa girlfriend mo."

Ngumisi s'ya saka binuksan ang takip ng lotion para amuyin iyon. Enchanteur iyon na kulay yellow.

"This is mine. Bakit ko naman ipamimigay?" saad n'ya.

"Pero pambabae 'yan." angil ko.

"So?" ibinalik n'ya iyong lotion sa plastic bag saka kumuha ng isang chocolate para kainin.

"Tara na sa covered court. Magsisimula na ang cheerdance." anyaya n'ya.

Pumihit ako patalikod saka naglakad pabalik ng gym habang kasabay s'ya. We are wearing the same team tee shirt at pareho rin kaming naka-backpack.

Seven LightyearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon