Simula nung eksena sa equipment room, mas naging maingat na kami lalo na kapag nasa school. Todo rescue parin si Kenneth na kina-career ang pagiging fake boyfriend ko kapag nasa school kami at kapag may kakilala kaming nakatingin.
"Kailan mo ba ipakikila sa akin si Pia?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway.
"'Wag na. Kapag nakita mo iyon baka mainsecure ka lang."
"Sus. Panget ata eh, kaya nahihiya kang ipakita sa akin." pang aasar ko.
Ngumuso s'ya at tila naging defensive sa sinabi ko. Konting pisil na lang at palagay ko'y mapipilitan na s'yang iharap si Pia sa akin.
"Sobrang ganda. Kahit itanong mo pa kay Raymond. Friends sila sa fb."
Nagtaas ako ng kilay sa kanya at medyo naapektuhan kahit alam kong nanandya lang s'yang asarin ako. Alam kong hindi naman ako lolokohin ni Raymond pero siguro kapag talagang nagmamahal ka, may mga pagkakataong nagiging possisive ka at irrational.
"Close sila?" tanong ko.
"Oo... pero 'wag kang mag alala. Akin si Pia kaya hindi sila talo." saad n'ya sa tonong nagyayabang.
"Uy, selos..."
"Ofcourse not. I'm not jealous. Hindi n'ya ako ipagpapalit." confident kong saad kahit may konting takot sa akin kung sakaling mangyari iyon.
"Hindi ka naman talaga n'ya ipagpapalit. Baka nga ikaw pa ang manloko sa kanya." wika n'ya kaya naman napahampas ako sa braso n'ya.
Hindi ko s'ya lolokohin.
"Akin na nga 'yang baggage mo. Baka isipin naman ng mga tao pinagbuhuhat ko ng mabigat ang gf ko."
Bukas magsisimula ang game namin kaya naman one week akong wala sa school dahil sa Cavite kami mags-stay.
Inagaw n'ya ang trolley ko at sinakbit ang backpack ko sa kaliwa n'yang balikat. Naglakad kami papunta sa lobby dahil dun namin hihintayin ng mga team mates ko ang bus naming sasakyan.
Naroon si Ate May para maglinis sa front desk at pati narin si Karissa na kausap ang Dean ng Tourism Department kaya naman mas nagkunwari kaming sweet sa paligid nila.
Hitting two birds with one stone.
"Baby, mamimiss mo ba ako?" pabebeng tanong ni Kenneth.
Nagpeke ako ng ngiti saka kinurot s'ya sa pisngi. Mabuti na lang nagpapanggap lang kami kundi masasapak ko s'ya.
"Oo naman... 'Wag kang mambabae ha. Malalagot ka sa akin." sagot ko.
Nakita kong tumingin si Ate May sa amin at saka ngumiti habang nakikinig sa aming usapan.
"Hindi ah. Kahit pabantayan mo pa ako kay Ate May. Itanong mo kung may nilalandi ako dito kapag wala ka." aniya saka sumulyap kay Ate May.
"Chat kita kapag may nakita ako." sagot ni Ate May.
Nagpeke ako ng tawa atsaka sandaling niyakap ang braso ni Kenneth.
"Bisitahin kita, okay lang ba? Labas tayo ipagpapaalam kita sa coach mo."
"Pwede naman pero hanggang 9 pm lang." saad ko.
"Nine thirty." hirit n'ya.
"Hindi pwede magagalit si Coach."
Ngumuso s'ya saka maloko akong tiningnan. Nakatingin narin kasi sa amin si Karissa na mukhang naniniwala na talaga sa pagpapanggap namin.
"Okay. Susunduin kita ng 6pm."
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...