Last day na ng deadline para sa pagsasubmit ng mga requirements for this school year kaya busy halos lahat ng estudyante. May incomplete sina Kai at Patrick kaya sinamahan sila ni Mary Loise para magcomply kay Ms. Maricel. Busy naman ako sa renewal ng org namin.
"Magkakaroon ng election for new set of officers sa second week of August. Bakit hindi ka tumakbong President since ikaw naman ang halos gumagawa ng lahat para sa org n'yo?" tanong ni Ms. Janice.
Nasa loob ako ng faculty room dahil hinihintay ko ang Dean namin para papirmahan ang request form for renewal.
"Mas magiging busy po ako next year dahil part na ako ng Varsity team. Siguro si Mary Loise na lang po ang ilaban natin if ever tatakbo ulit si Justin."
Tumango s'ya at minuwestrang umupo ako sa sofang nasa labas ng Dean's Office.
Dumaan sa harap ko sina Karissa at si Ms. Cynthia na naguusap tungkol sa mga plans ni Karissa after her graduation. Next month ang graduation nila kaya masaya ako dahil hindi ko na s'ya makakasama sa iisang school. Mabuti naman.
"Natanggap po ako as assistant DJ sa isang radio station. Pero pinag iisipan ko ang offer ng Dean na magturo ako dito. Gusto po n'yang i-train ko ang mga bagong staff ng Newshub."
At pagkasabi n'ya non napacross finger na lang ako. Sana naman hindi s'ya maging isa sa mga professors ko.
Mass Communication ang course n'ya at bukod sa totoong may talent s'ya, nakatulong sa kanya ang kanyang popularity para makakuha agad ng trabaho.
"Ms. Janice, nagrerequest itong si Ms. Ocampo kung pwede ka bang makuhang model. Kailangan n'ya raw kasi sa project n'ya."
"Project? Saan? 'Diba ngayon na ang last day ng deadline?"
"School calendar po kasi ang last requirement namin kaso nung i-piprint ko na kanina nadiscover kong nacorrupt pala yung mga images ko sa hard drive. Kailangan ko pong magretake ng pics."
"I see. Pero busy ako ngayon eh. Atsaka 'yung photogenic na faculty member na lang ang kunin mong model. Mataba rin ako sa picture kaya iba na lang." pabirong saad ni Ms. Janice.
Lumingon lingon si Karissa sa loob ng faculty room at naghanap ng bagong faculty member na pwede n'yang maging model. Pero bago pa s'ya makapili si Ms. Cynthia na mismo ang nagrecommend sa kanya.
"Si Raymond na lang! With that face hindi mo na kailangan ng photoshop. S'ya na lang."
Lumapad ang ngiti ni Karissa saka lumapit kay Sir Raymond na nakatutok ang pansin sa kanyang laptop. Tumabi s'ya sa bakanteng upuan malapit dito at tinapik ng mahina ang kanyang balikat.
"Excuse me, Sir. Pwede ka bang magmodel for my project?" tanong n'ya.
Seryoso s'yang tiningnan ni Sir Raymond pagkatapos ay saka ito umiling.
"Please, sir. Kailangang kailangan ko lang. Sa lahat ng classmates ko ako na lang ang hindi pa nakakapagsubmit. Please." pagmamakaawa n'ya.
"Sige na, Raymond. Pagbigyan mo na si Ms. Ocampo tutal graduating na s'ya. Gift mo na." wika ni Ms. Janice.
Isinara ni Sir Raymond ang kanyang laptop saka sumulyap sa estudyanteng nangungulit sa kanya. Tumayo s'ya kanyang upuan saka pa nagsalita.
"Saan ba?"
"Sa media room po. 'Dun lang sa fourth floor."
Napakamot si Sir Raymond sa kanyang ulo saka kinuha ang coat n'ya bago lumabas ng pinto.
Mahigit thirty minutes bago ako nakapagpapirma sa Dean dahil late na s'ya dumating. Mabilis akong nagtake ng stairs paakyat sa third floor para makapagfile na ako ng renewal sa Office of Student Affairs.
BINABASA MO ANG
Seven Lightyears
RomanceLove is a strong feeling. Kapag nagmahal ka, hindi pwedeng medyo mahal mo at hindi rin pwedeng hindi ka sigurado. Kapag nagmahal ka dapat mahal na mahal mo. When we love someone, we always give our all... Ang ating sarili, oras at buong pagkatao. Pe...
