So ito na! I finally published my story , my very first story!
(Me: Trying to hold back my tears lol)
Persia's POV
I tried my best para pansinin ako nang lalaking iyon. Kaklase ko siya sa Art subject, ang last subject namin every Thursday at Friday, and doon ko siya unang nakita.
I never heard him speak or laugh and I don't even know his name. Nakaupo siya two seats away sa upuan ko. Hindi siya nakikinig sa lecture ni maam at abala siya sa pagsusulat sa kanyang kwaderno. Nakakapagtaka nga lang dahil may aklat naman kami. I didn't know how long I have been staring at him at narealize ko lang iyon nang may tumamang chalk sa noo ko.
Pinagalitan ako ni maam dahil kanina pa pala niya ako tinatawag para sagutin ang tanong niya.Tumayo ako at saka nagsorry. Namumula na ako noon dahil sa hiya at alam kong baka pati siya ay pinagtawanan ako. Umupo ako at ilang sandali lang ay tumingin ulit ako sa direksyon niya. I was surprised to see him looking at my direction.
Hindi siya sa akin nakatingin kundi sa labas ng bintana. I felt my cheeks heated and at that moment, I knew I fell in love with him. After nong discussion namin ay tinawag ako ni maam sa office. Tumayo ako and I saw him sitting on his chair. He closed his notebook the moment I passed by at his chair. I took a glance at his direction one more time and saw him staring outside the window again. Pumunta ako sa office ni Maam and as usual she scolded me again dahil nakatunganga na naman daw ako sa klase niya kanina. I sighed.
Pagkalabas ko sa office ay dumiretso na ako sa classroom para kunin ang bag ko. Pagbukas ko nang pinto ay wala na siya sa upuan niya at iilang kaklase ko lang ang natira doon. Kinuha ko ang bag ko at umalis na.
Yes, I did everything para makuha ang attention niya.Nakasalubong ko na siya sa hallway ilang beses. Sinubukan ko na rin siyang banggahin sa canteen minsan pero hindi man lang niya ako tinulongan and I ended up washing my school uniform at the women's comfort room because of the sauce I spilled to myself. He never looked at me and his eyes never met mine. I tried to write him a love letter at iniwan ko iyon sa kanyang locker. Nilagay ko iyon bago ako pumasok sa klase at sinigurado kong sa tamang locker ko nilagay.
I was hiding behind the wall that time where I can have a full nice view kung ano ang magiging reaction niya kapag nakita niya ang love letter ko. My heart beats so fast and my palms are already sweating. Ilang segundo ang nagdaan ay dumating na siya at binuksan ang locker niya. Tumayo lang siya roon for a minute at wala siyang inilagay o inilabas man lang sa locker niya. He closed his locker and left. Wala siyang hawak hawak na sulat noong umalis siya and I was hurt at that moment. I felt rejected for the first time.
Aalis na sana ako pero naisipan kong kunin na lang ang sulat sa locker niya at baka makita pa iyun nang iba at kumulat sa campus. Tumingin ako sa paligid at thank goodness iilang studyante lang ang naglalakad. Agad-agad kong binuksan ang locker niya at laking gulat ko dahil wala roon ang sulat ko at wala ring laman ang locker niya. I was confused dahil wala naman siyang kinuha sa locker niya so bakit wala yung love letter ko rito. I closed his locker at nakasimangot na naglakad sa hallway papunta sa Literature subject ko.
Persia!" lumingon ako at hinanap ang taong sumigaw sa pangalan ko. Wala naman akong nakitang ibang tao maliban sa kaklase kong si Jiro, pero nakaheadphones ito at nilagpasan lang niya ako. I shrugged my shoulders baka nagkamali lang ako nang rinig.
Dumiretso ako sa upuan ko sa Literature subject namin at binuklat ang aking aklat. I closed the book at saktong dumating naman ang teacher namin. Lumipas ang mga minuto and the bell rang. My phone beeped and it was my Mom. Kailangan ko raw umuwi nang maaga dahil aalis siya at walang kasama ang nakakabata kung kapatid sa bahay.
Inilagay ko ang mga gamit ko sa bag at nagmamdaling umalis sa skwelahan. Naghintay ako ng masasakyan sa bus stop at dumating ako sa bahay at saktong paalis si mama. Bibisitahin daw niya ang lola namin sa probinsiya dahil may sakit ito. Si papa na lang daw muna ang magbabantay sa amin sa bahay pero magagabihan daw siya sa trabaho dahil mag-oover time sila. Ilang minuto pa lang ay dumating din ang isa ko pang kapatid, si Dianne.
"Ate, narinig mo ba? Uulan daw nang malakas bukas." Sabi ni Dianne habang naghuhugas ako ng plato. Tumingin ako sa kalendaryo at buwan palang nang Abril ngayon. Abril na pala, its summer, pero bakit naman uulan?
Magtatapos na pala kami sa susunod na buwan at hanggang ngayon hindi ko pa alam ang pangalan niya. Siguro kailangan ko nang gumawa nang paraan para tanungin siya o kausapin manlang.
Pagkatapos nang mga gawain sa bahay ay nagpahinga na ako sa aking kwarto at nagsimulang gumawa nang tula para sa kanya. This is the 13th poem I wrote for him. Inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib at ramdam ko ang mabilis na tibok nang aking puso.
*******
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Naaalala ko tuloy ang sabi ni Dianne kahapon na uulan ngayon. Binuksan ko ang bintana nang aking kwarto at pinagmasdan ang kalangitan. Para naman yatang impossibleng uulan ngayon dahil Walang naman akong nakikitang senyales na uulan ngayon. Bumaba na ako at nadatnan ko si dad na nagluluto nang almusal. Kinamusta niya ako at kung kamusta na raw ang pag-aaral ko. Pagkatapos kung kumain ay naghanda na ako sa pagpasok sa eskwelahan.It's Thursday at makikita ko ulit siya sa last subject. I didn't know pero hindi maalis alis yung ngiti ko sa labi.
Ilang beses ko na rin yatang tiningnan ang oras sa wristwatch ko. It's 1:59 pm at maya maya pa lang ay tumunog na ang bell. I grabed my bag at patakbong umalis sa room pero nasa pintuan pa lang ako ay may nabunggo ako. It was Jiro, as usual, nakaheadphones na naman siya at ngumunguya ng bubblegum habang nakatingin sa akin. I apologized at saka patakbong umalis. Binuksan ko ang pintuan ng Art Classroom namin and I saw him sitting on his chair. Mas lalo pang lumawak yung ngiti sa labi ko. Nabigla na lang ako nang may tumulak sa akin papasok kaya nahulog yung bag ko at gumulong yung lapis ko sa sa ilalim ng mesa nang lalaking iyon.Oppss, sorry.Pasensiya na."
Si Myla, isa sa mga kaklase ko sa subject na ito ang tumulak sa akin, pangiti ngiti pa ito at saka nagwink sa akin. Teka, alam ba ni Myla? O baka naman masyado nang halata sa mga kilos ko na may gusto ako sa kanya. I blushed. Tsaka ko lang naalala ang lapis ko na gumulong sa ilalim ng mesa niya. Pinulot ko ang mga gamit ko at tiningnan kung pinulot ba niya iyon pero hindi. Baka naman hindi niya naramdaman na may gumulong sa ilalim nang mesa niya.
Napagdesisyonan kong pagkatapos na lang nang klase ko iyon pupulutin. Dumiretso ako sa upuan ko at dumating na si Maam. Hindi pa rin ako mapakali kung kaya tumingin ako sa direksiyon niya at nakita kong naapakan niya ang lapis ko. Naramdaman niya siguro iyon kung kaya tumingin siya si ilalim nang mesa niya. Pinulot niya ang lapis ko at tinitigan iyon. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya at kukunin iyon kahit nasa harapan si maam o hahayaan na lamang siya kung itatago na lang niya iyon. Tinitigan ko ang mga susunod niyang gagawin. He was staring at my pencil at saka ko lang narealize na nakasulat pala ang pangalan ko sa lapis ko.
Haist, kung bakit ngayon ko lang naisip na sinulatan ko pala iyon nang pangalan ko.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomancePaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...