Part 26

180 4 0
                                    


  Mushroom's POV

"Ano ba bilis bilisan mo nga diyan! Ang bagal mo!" sigaw ko sa balyenang iyon dahil babagal bagal siya sa pag-akyat. Tanaw na tanaw ko siyang nahihirapang umakyat sa bundok.

" Mabilis naman akong maglakad eh! Kung wala lang itong mga dala ko! Maawa ka naman, babae din naman ako ah!"sigaw nito mula sa baba.

" Anong sabi mo Balyena?! Bilisan mo kung hindi iiwan kita!!" sigaw ko.

Pagkatapos kasi naming kumain ay nagplano na ang grupo para sa hiking. Sabi ni Soda na maganda raw ang mga tanawin rito. Akala ko nga sama sama kaming aakyat nang bundok pero sabi ni Soda kailangan daw hiwa hiwalay dahil kapag nagsama sama kami ay baka mawala kaming lahat. Pero hindi ko alam kung bakit kasama ko tong balyena na ito at babagal bagal pa. Hindi naman mabigat yong bag sadyang maarte lang siya. Tsaka naglalakihan ang mga braso nito, kaya kaya niyang buhatin iyon. As for me, masyado akong gwapo para magpakapawis pa sa pagbuhat niyan.

"N-napaka.(hingal)... ungentle(hingal)man mo!" hinihingal na sabi ni Miki.

" It's not my fault. Mas malaki ang mga tuhod at braso mo kaysa sa akin so you have to carry that bag. Tsaka you volunteered na magbuhat nang bag na iyan. Okay lang naman sa akin kung iniwan mo yan sa baba tutal puro gamit mo lang naman yan eh," sagot ko.

" Ganoon?! Tingnan natin," sabi nito at saka may hinalungkat sa bag. Inilabas niya yong dalawang bottle nang tubig.
" Ito lang ang supply nang tubig na mayroon tayo sa bag," sabi nito at saka ngumiti.

" So? Bakit nauuhaw ka na bang balyena ka? Dapat bumalik ka na sa tubig baka matunaw ka pa at maging tuna dito," sabi ko at saka nagcross arms. Nagsmirk ito sabay inom noong isang bottle nang tubig nang tuloy tuloy. Itinapon lang niya ulit yong bottle tapos binuksan niya pa yong isang bottle Pero nagsalita muna ito bagi niya iyon binuksan.

" Want this? Sa pagkakaalam ko walang sapa o bukal diyan. So wala nang ibang supply nang tubig dito," sabi nito at saka ibinuhos yong tubig sa kanyang mukha.

"So refresing!!" sabi pa nito at nagpunas nang pawis.

"Naku Balyena, kapag ako nauhaw... lagot ka sa akin," sabi ko dahil mukha ngang hindi ito nagbibiro na wala man lang bukal sa bundok na iyon dahil wala akong naririnig na agos nang tubig.

" But if you want....," sabi nito at saka ibinaba nang kaunti yong suot niyang maluwang na t-shirt at hinawakan niya ang kanyang leeg. Sinusubukan ba ako nitong iseduce?! Eww, yacks lang. Mukha siyang balyena na mukhang kalahating baboy o elepante.

"Nakakadiri ka baka nga pati lamok di pa dadapuan yang balat mo," sabi ko.

"Anong sabi mo?!" Miki.

"Ang sabi ko, wala pang balyenang namuhay nang matagal sa lupa,"sabi ko.

"Eh kung sakalin kaya kita?!" -Miki

"Bakit kaya mo ba akong sakalin? Mukha yatang hindi mo pa kayang mabuhay nang wala ako," sabi ko.

"Sabihin na nating oo pero mukha yatang Mas hindi mo kayang mabuhay nang wala ako," sagot nito at lumapit nang kaunti sa akin.

" Waw, sino ba sa atin ang halos magkandarapa para pakasalan ko?!" tanong ko. Inilapit ko ang mukha ko at mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya.

"Brylle Washington, mukhang sa pagkakataong ito, nakasalalay sa akin ang buhay mo. Dahil hawak ko ang mapa," sabi nito at ipinakita sa akin ang mapa. Inagaw ko iyon sa kanya.

"At dahil tanga ka, nasa akin na ang mapa," sabi ko. Kahit kailan talaga napakatanga niya.

"Akin na nga yan!" sigaw nito habang sinusubukang kunin yong mapa sa akin. Tiningnan ko yong mapa at nakita kong may nakasulat roon.

"Bakit naman sinulat mo rito ang pangalan ni Persia?" tanong ko. Huminto ito saglit at tumingin sa akin nang seryoso. Tumakbo ito at hinalungkat yong bag at nagulat na lang ako nang sumigaw ito.

"Ano ba Balyena! Mukha kang elepante kung sumigaw!" sabi ko at nagtakip nang tenga.
"Ano bang problema?!"

"Oh hindi!!! This can't be???!!! Ibang bag ang nakuha ko! Kung bakit ba kasi parehas kami nang kulay nang bag ni Persia!

"What do you mean?! Don't tell me na naliligaw na tayo?!" sigaw ko dahil hindi ko namn yata gusto yong ideyang makasama sa bundok ang balyenang iyon.

" Naku, mukhang mahihirapan tayo kapag bumalik na tayo,"sabi niya at hindi ko alam kung kasama ba ito sa mga plano niya.

"Are you serious??! Hindi tayo pwedeng mawala! Ayoko! Akala ko ba sa inyo itong lupaing ito?! Don't tell me na hindi mo alam ang tamang daan pabalik?!" sabi ko. Hindi ito pwede! This can't be!Ayokong makasama ang balyenang ito! Mas gugustuhin ko pang mabuhay kasama ang mga kapre sa kagubatang ito kaysa sa babaeng balyenang ito.

"Kailangan ko bang ulit ulitin?! Oo! Nawawala tayo! At kailangan nating bumalik mula sa daang tinahak natin dahil kung hindi baka hindi na tayo makabalik pa," sagot niya.

"Tara na!" sabi ko at sinimulang itrace kung saan ba kami dumaan. Pero mukhang naliligaw pa kaming dalawa dahil kanina pa namin dinadaanan yong malaking puno.

"Ganito na lang, maiiwan ako rito at kapag tinahak mo ulit yong daan at nakita mo ako sa punong ito, ibig sabihin noon ay umiikot ikot lang tayo sa lugar na ito at kapag nangyari iyon, imposibleng makabalik pa tayo," sabi niya.

"Ano?! Inuutusan mo AKO?What if ikaw ang gumawa noon tutal ikaw naman yong nakaisip na isama AKO sa bundok na ito,"sabi ko at umupo doon sa bato malapit sa puno.

"Fine! Tutal nakakahiya naman sa katulad mong napaka GENTLEMAN"," sabi niya at inihagis yong bag sa akin. Umalis na ito at makalipas lang nang ilang minuto ay may naririnig akong mga tunog mula sa kapaligiran. Ano naman kaya yong tunog na iyon? Naku, baka pinaglalaruan lang ako nang balyena na iyon. Baka tinatakot niya ako at kapag natakot ako ay pagtatawanan niya ako saka lalabas. May tumunog ulit mula sa damuhan.

"Stop it Balyena. Hindi ako natatakot," sabi ko. Hinintay kong lumabas siya mula sa pinagtataguan niya ngunit nabigla ako nang may tumunog ulit sa damuhan sa may bandang kaliwa ko.

"Stop it Miki! It's not funny," sabi ko pero nagulat ako dahil sa di kalayuan ay narinig ko ang malakas na sigaw nang babaeng iyon. Kinilabutan ako at halos hindi na yata ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang lumabas mula sa pinagtataguan nila ang limang lalaking nakahawak nang itak at matulis na kahoy. May mga disenyo pa ang kanilang mukha dahil may itim na ewan ko ba kung uling ang nakapahid sa mga pisngi nila. May mga pakpak pa nang manok sa kanilang tenga at mukhang mga taong gubat ang mga ito.

"Who are you?!"tanong ko pero hindi sila sumagot. Nagsitinginan lang ang mga ito at mukhang may balak silang masama sa akin.
Teka, baka naman pala hindi sila nakakaintindi nang English. I cleared my throat at nagsalita muli.

" Sino kayo?!" tanong ko at nagsitinginan na naman sila. Okay, mga weirdo ata ang mga ito.
"Okay lang naman kung kunin niyo yong kasama ko eh, yong babaeng malaki?" MahAl ko ang buhay ko kaya kailangan kong isakripisyo ang balyenang iyon.

"S-sige, hindi naman ako manggagambala eh," sabi ko at umatras sa kanila pero isang matulis na bagay ang nagpahinto sa akin sa likuran. Dahan dahan akong lumingon at may mga lalaki rin palang nakatayo roon at tinutukan nila ako nang itak. Sheyt! Napapamura na lamang ako sa takot.

"OAOAOA" rinig kong sabi nong isang taong gubat.

"OAOAOA" at nagsigawan silang lahat. Alam kung nakakabawas nang pagkalalaki at pagiging gwapo ang gagawin ko pero, dahil sa takot napasigaw ako lalo na noong buhatin akong parang baboy nang mga taong gubat na iyon.   

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon