Persia's POV
Araw nang Biyernes at napatingin ako sa kalendaryo. February Fourteen. Valentines Day. Akala ko dati magiging espesyal ang araw na ito sa amin ni Zach pero after nang araw na iyon hindi na ako nagparamdam kay Zach. I haven't texted him yet. Nagtetext naman siya pero hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Babangon sana ako para kumain nang almusal nang maradamdaman kong nahihilo ako. Blurred yong vision ko at masakit ang ulo ko.
May lagnat ba ako? Kinapa ko ang noo ko at mukhang inaapoy nga ako nang lagnat.
Bumukas naman ang pinto at dumating si Pierce.
" Ate, pinapatawag ka ni mama," sabi niya at lumapit sa akin para siguro gisingin ako.
"Ate okay ka lang?" tanong niya at kinapa ang noo ko.
"Nilalagnat ka yata ate!" sabi niya at saka tumakbo palabas para tawagin si mama.
Dumating si Mama at binantayan ako. I think buong araw yata akong natulog at kahit iyong lugaw na niluto ni mama ay hindi ko kinain.
Tumutunog rin ang cellphone ko at mukhang may tumatawag. Kinuha iyon ni mama at lagot ako kapag si Zach ang tumatawag dahil siguradong magagalit si Mama.
Tiningnan niya ang caller at saka niya sinagot. Kinabahan ako bigla at ngumiti nang malaman kong si Miki ang tumatawag. Tinatanong kasi niya kung nasaan daw ako at sinabi ni mama na may lagnat ako.
" Darating daw si Miki," sabi ni mama. Ibinaba niya ang cellphone ko at inilapag sa mesa. Lumabas muna ito saglit at tumunog muli ang cellphone ko.
Inabot ko ang phone ko at isa namang tawag mula kay Brylle. Hindi ko iyon sinagot at inioff. Ilang minuto ang lumipas at narinig ko ang sigaw ni Miki sa baba nang bahay. Patakbo itong pumasok sa kwarto ko.
"Oh may! Persia!" sabi nito nang makita niyang nakahiga ako sa kwarto ko. Wala akong lakas para magsalita at nakinig lang muli sa kinuwento niya.
"Nagkaayos na kami ni Brylle. I told him na hindi ko na siya kukulitin tulad nang dati and I even burned our marriage contract dati. Wasn't that funny? However, I'm still trying to move on from him lalo na at I'm carrying a...," sabi niya at hinaplos ang kanyang tiyan.
"And urgh! Nakakaasar lang kasi hindi ako pwede magtravel nang mahabang biyahe. Eh ininvite ako nang Mama ni Brylle sa isang resort nila ngayong sabado. And Brylle voluntered na siya na raw magdadrive para sa akin. Like? Ngayong lang siya naging gentleman ah!" kwento niya.
"But Persia, I guess I have to confess. Brylle likes you," dagdag niya at saka ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan para kay Miki. Marahil dahil sa akin nagkagusto ang mushroom na iyon. Sinubukan kong umupo sa kama at inalalayan naman niya ako.
" I know. Nasabi niya sa akin. And I'm sorry. But Miki, I don't like Brylle. Alam mo iyon. ... I love Zach," sagot ko at saka tumulo na naman ang luha ko. Nakita iyon ni Miki at hindi ko alam kung bakit rin siya umiyak.
" I'm going to end everything sa amin ni Zach," sabi ko at huminto ito sa pag-iyak.
Tinanong niya kung bakit at sinabi ko sa kanya ang totoo.
"Damn that Red haired guy!" sabi niya at saka hinaplos ako sa likuran.
" Siguro ay hinayaan kong umikot ang mundo ko sa kanya. Four years is just too long." sabi ko.
"It's your decision Persia. But I hope alamin mo muna ang part ni Zach. Malay mo, may side story rin kung bakit siya nagakakganoon," sabi ni Miki.
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomantiekPaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...