Part 15

213 5 0
                                    


Persia's POV

Sinaksak ko ang earphones ko sa tenga. Kanina pa ako nakaupo dito sa bench at madilim na sa paligid. Kanina pa nangagawit yong paa ko sa suot kong heels kung kaya inalis ko muna at inilagay ko sa tabi ko. I made the right decision na tapusin yong sa amin ni Isiah. Hindi ko lang alam kung paano na ito magrereact kapag makakasalubong ko ito sa hallway o sa school. Lumingon lingon ako sa paligid at kukunting tao na lang ang nalalakad. Tumingin ako sa kalangitan at pinikit ko ang aking mga mata. Wala pa akong dalang jacket noon kaya ramdam ko ang malamig na hangin.

"Yo!"

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko kung sino yong nagsalita. Mahina lang kasi yong volume nang earphones ko. Inalis ko iyon nang makita ko ang pamilyar na mukha sa harapan ko.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Nagjojogging," sagot nito.

It was Jiro. Nakasuot nga ito nang jogging pants at medyo pawisan. May hawak hawak rin itong plastic bag. Umupo si Jiro sa tabi ko at saka ko lang naalalang inalis ko yong suot kong sandal. Kinuha ko iyon at sinuot na.

"I haven't apologize to you yet,"sabi nito.

"Hah? Tungkol saan naman?" tanong ko.

"About your letter," -Jiro

"Yong love letter ba na napunta na sa locker mo? Pasensiya na rin hindi ko kasi alam kung bakit napunta iyon sa locker mo," sabi ko.

"I know. Alam ko kung paano napunta iyon sa locker ko," sagot nito kung kaya tumingin ako sa direksiyon niya.

" Anong ibig mong sabihin?"

"I know who put your love letter in my locker. I'm sorry for scolding you kasi hindi ko alam,"- Jiro

"Paano nga ba napunta sayo iyon?" tanong ko.

"It was Zach, siya ang naglagay nang sulat sa locker ko. He confessed to me,"

Tama ba ako nang rinig? Si Zach? Bakit naman niya ginawa iyon?

"Inamin sa akin ni Zach na siya ang naglagay sa locker ko," sabi ni Jiro.

"Bakit niya ginawa iyon?" tanong ko. Kinuwento sa akin ni Jiro lahat lahat nang nalalaman niya. Kinuwento nito sa akin ang tungkol sa kanila ni Zach. Ang pagkakaibigan nila and about Charlotte. Nasira ang pagkakaibigan nila ni Zach dahil nahulog sila pareho kay Charlotte.

"Pero yong tungkol kay Zach, bakit nagbago na ito?" tanong ko kay Jiro. Tinitigan lang niya ako bago nagsalita.

" Anong ibig mong sabihin?" tanong nito.

"Dati tahimik lang ito, ngumingiti pero ngayon ibang iba na siya. He changed his hair color, at iba na rin ang ugali nito."

"Ang tungkol doon... masyado yata siyang naapektuhan sa nangyari sa pamilya nito. I think nagdivorce ang parents nito after nong graduation natin. Humina rin ang immune system nito noon kaya nagkasakit ito. At nong taong ding iyon, umalis si Charlotte at tumungong America para mag-aral. Sa tingin ko masyado itong naapektuhan nang mga bagay na iyon. Baka iniisip nitong iiwan at iiwan rin siya nang mga tao sa paligid niya. Ang kailangan ni Zach ngayon ay isang taong hindi siya susukuan," sabi ni Jiro. Dahil sa mga sinabi nito I realized na hindi ko nga talaga kilala si Zach. Hindi ko alam ang mga bagay na pinagdadaanan niya. Wala akong alam tungkol sa kanya.

" Sana nabigyan man lang ako nang chance para makilala si Zach noon," sabi ko.

" Bakit hindi ngayon? Sa tingin ko naman kaya mong ibalik ang dating Zach," -Jiro

The NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon