Habang hinihintay ko ang P.E uniform na hihiramin ni Class Press ay tumulong muna ako sa mga pagliligpit nang gamit sa classroom.
"Persia, heto oh. Mamaya pa kasi yong laro nang mga boys kung kaya humiram muna ako," sabi nito. Inabot ko iyon at tatanungin ko sana kung kanino niya hiniram pero umalis na siya.Dumiretso ako sa C.R at nagpalit na nang P.E uniform. Tirik na tirik ang araw noon at pagkatapos nang laro ko ay dumiretso ako sa bench kasama nang mga kagrupo ko. Natalo kami sa laro pero okay lang sa amin iyon dahil nanalo naman ang mga kagrupo namin sa ibang games.
Umupo na ako sa bench at nagpahinga muna saglit. Pinikit ko ang mga mata ko at nagulat ako nang may kung anong malamig ang dumapo sa noo ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Jiro. Tinaasan ko siya nang kilay at tiningnan ang iniaabot niyang tubig.
"Hey, just get it," sabi nito at umiwas nang tingin.
Napakaweird niya. Noong isang araw lang sinigawan niya ako at nilukot pa ang sulat ko. Tapos ngayon inaabutan niya ako nang tubig?
Inalis niya ang takip nang tubig at iniabot uli iyon sa akin. Wala na akong choice kundi abutin iyon pero may tumulak kay Jiro sa likuran dahilan para matapon yong tubig sa damit ko.
"P-pasensiya na," paumanhin ni Athalia. Siya yata yong tumulak kay Jiro.
Napatingin ako sa basa kong damit at naalala kong hiniram ko pa pala ang P.E uniform na gamit ko.
"Pwede ba mag-ingat ingat ka naman," sabi ni Jiro kay Athalia.
"It's okay. May extra shirt naman ako eh," sabi ko at saka umalis roon. I don't know kung bakit na lang ganoon kong umakto si Jiro.
Dumiretso ako sa room at magpapalit na lang nang damit. Sasabihin ko muna kay Class Pres. na papatuyuin ko ang T-shirt na hiniram ko bago niya ibalik. Nang makarating ako sa room ay nagulat ako sa nakita ko.
Nasa room ang lalaking iyon at ang nakakagulat sa lahat ay wala siyang suot na T-shirt. Tumingin ito sa akin at parang wala lang sa kanya na nakita kong wala siyang suot pang itaas. Namula na naman ako at nataranta kung ano ba ang dapat kong gawin.
Bakit kasi wala itong pang-itaas na damit? Saka ko lang naalala ang suot suot ko.
"Persia!" rinig kong sigaw nang Class Pres.
Lumapit ito sa akin. At nang mapansing andoon yong lalaking iyon ay ngumiti siya."Nga pala damit kasi niya yang suot mo. Hindi kasi siya sumali sa laro kanina at dahil wala kang gagamitin hiniram ko sa kanya," sabi nito.
"Hah? P-pasensiya na wala ka tuloy naisuot," sabi ko.
Tumango lang ito at saka tumingin na naman ito sa akin. Diretso sa mata. Heto na naman kami sa mga tinginan lang.
"By the way, may extra jacket naman ako dito eh," sabi ni Class Pres at hinalungkat ang bag niya para hanapin ang jacket niya. Hindi ko yata gusto ang ideyang iyon kung kaya yong jacket ko ang iniabot ko sa kanya."T-tutal ako naman yong humiram nang damit mo, gamitin mo muna itong jacket ko. Papatuyuin ko lang tong T-shirt mo," sabi ko. kinakabahan ako dahil baka hindi niya iyon abutin at baka magalit pa ito kapag nalaman niyang nabasa ko iyon.
Bumukas bigla yong pinto at nakita ko si Jiro na hinihingal at may hawak hawak na T-shirt. Lumapit ito sa amin at iniabot ang puting damit sa lalaking iyon.
Kung kaya ang ending ay pareho kami ni Jiro na nag-abot nang damit sa kanya. Nakatingin lang siya sa amin pareho. Tinitigan niya sa mata si Jiro at inabot niya ang jacket ko. Kahit kulay pink ito at hoody at halata namang bitin sa kanya ay isinuot niya pa rin. Ngumiti ako at kinilig nang makita kong tinitingnan pa niya kung kumasya sa kanya. Ang cute nga niya tingnan sa kulay na iyon eh.
"Ah, ... so aalis na ako," sabi ni Class Pres. at tumingin pa ito na para bang nasa pelikula kami at extra siya.
"Tsk," rinig kong sabi ni Jiro at saka umalis na rin. Kung kaya naiwan kaming dalawa sa room.Hinanap ko yong bag ko at nang makuha ko yong T-shirt ko ay tumingin ako sa kanya. Nakaupo ito sa ibabaw nang mesa niya at nakatingin pa rin ito sa akin. Ngumiti ako pero at the same time kinabahan ako bigla.
"Persia,"Sa unang pagkakataon, narinig ko ang boses niya. Tulad nang maamo niyang mukha ay napakabait rin ang tono nang boses nito. Tumingin ako sa kanya at nakatingin rin ito sa akin.
"B-bakit?" tanong ko.
"W-wala...," sabi nito at saka umiwas na nang tingin.
Alam niya ang pangalan ko and dahil lang doon kinilig ako. Pero nakapagtataka lang kasi parang may gusto siyang sabihin.Lalabas na muna ako sa room para magpalit nang T-shirt at baka makahalata pa siya kung tatayo lang ako doon at sasamahan siya. Kinuha ko na yong bag ko at bago tuluyang umalis sa room ay lumingon ako sa kanya.
"N-nga pala... anong pangalan mo?" tanong ko. Inipon ko lahat nang hiya at kalandian mayroon ako para tanungin iyon sa kanya.
Nakaupo pa rin siya sa upuan niya at tinitingnan ang sleeeve nang jacket ko na hindi pa umabot sa wrist niya.
"Zach...," sagot nito. Ngumiti ako at bago tuluyang magsara ang pintuan ay nakatingin ito sa akin.
Umalis ako sa classroom at tumungo sa C.R.
Zach.
Zach pala ang pangalan niya. Kung bakit ngayong bilang na lang ang araw namin sa eskwelahan ay saka ko lang nalaman ang pangalan niya.
Nagpalit na ako nang shirt at pinatuyo muna ang damit niya bago tumungo sa classroom para ibalik iyon. Sinigurado kong hindi mabaho ang kahit anong parte nang damit. Nakakahiya naman. Nang matuyo na ang damit ay saka na ako bumalik sa classroom pero wala na si Zach roon.
Paano ko ibabalik ang damit niya? At suot suot rin pala niya ang damit ko. Tiniklop ko na lang ang damit niya at hihintayin ko na lang na bumalik siya mamaya.
Naghintay ako sa room at pabalik na rin ang ilan sa mga kaklase ko. Tinanong ko sila kung nakita nila si Zach pero hindi raw ito sumipot sa game kung kaya pinalitan na lamang siya nang isa sa mga kaklase ko.
Naghintay ako pero walang Zach na dumating kaya napagdesisyonan kong ibalik na lang ang damit niya bukas.Umuwi ako noon at ang lawak lawak na naman nang ngiti ko. Nilabas ko ang damit niya at tiniklop iyon bago ilapag sa mesa. Pumikit ako at muling inalala ang mga nangyari ngayong araw.
Nakita ko siyang nakatopless. Nagkatinginan pa kami sa mata at nalaman ko ang pangalan niya. Zach.
Biglang sumagi sa isip ko si Jiro. Bakit inabutan niya nang T-shirt si Zach. Baka naman magkakilala sila. Nakapagtataka lang kasi.
***
Lumipas pa ang mga araw at hindi ko na nakita si Zach. Hindi na rin ito pumapasok sa Art subject at wala rin akong balita sa kanya.
Hanggang sa dumating na ang graduation. Balita ko ay hindi rin makakadalo si Zach sa graduation. Kahit gusto kong malaman ang dahilan ay walang akong mapagtatanungan.Nakatayo na ako para sa picture taking namin. Kumuha rin ako nang mga litrato kasama nang mga kaklase ko. Pero hindi pa rin ako masaya dahil hindi ko kasama si Zach.
"Persia!," lumingon ako sa sumigaw sa pangalan ko. Si Myla. Gusto raw nitong kumuha nang litrato kasama ako. Pumayag ako at bago siya umalis ay may sinabi ito sa akin.
"Nga pala Persia, may pinapasabi yong kaibigan mo," seryoso nitong sabi.
"Sinong kaibigan?" tanong ko.
"Yong kaklase natin sa Art. Ano nga ulit pangalan niya?"tanong ko.
"S-si Zach ba?Nagkita kayo?" tanong ko.
"Zach? Kanina lang pero hindi na siya nagtagal eh. Pinapasabi niyang may isasauli daw siya sa iyo, I think nilagay niya iyon sa locker mo," sabi nito.
Hindi na ako nagsayang pa nang oras at nagpaalam muna ako kina mama na may kukunin lang ako sa locker.
Pagdating ko sa locker ko ay binuksan ko agad iyon at tumambad sa akin ang pink na hoody jacket ko. Nilabas ko iyon nang may mahulog sa sahig. Ang puting kwaderno ni Zach?
Bakit iniwan niya ang kwaderno niya sa locker ko? Pinulot ko iyon at nagsimulang alamin kung ano ba ang nakasulat sa kwaderno niya
BINABASA MO ANG
The Notebook
RomansaPaano nga ba umamin sa taong gusto mo? Paano kapag sa sobrang pagmamahal mo masyado Ka Nang nasasaktan? Paano nga ba mawalan nang taong alam mong hindi ka susukuan? Paano kapag lahat nang kinakatakutan mo ay mangyari? Kaya mo bang lumaban o mas ma...